Love Letter

228 15 2
                                    

"Minsan may mga bagay tayong nais sabihin ngunit hindi natin alam kung papaano ba natin ito sasabihin, o naaalangan tayo. Kaya naman may ilan na idinadaan na lang ito sa isang sulat. Ngunit papaano kung maging sa sulat ay na-aalangan ka?"

Masama ang loob ko ng umagang iyon. Wala akong napapansin sa paligid at walang maganda sa aking paningin.

Inaasahan kong ako na naman ang mauuna sa amin ngunit nagkamali ako. Sa may hintayan ay nandoon na at nakaupo si Ryan, ang bestfriend ko. Ngumiti siya at binati ako ngunit hindi ko iyon tinugon. Siya ang dahilan ng pagkasama ng mood ko. Umupo ako malayo sa kanya at nagbuklat ng libro. Hindi ko sya pinapansin kaya naman nagtanong sya sa akin.

"Galit ka ba?"

"Hindi.", ang tanging sagot ko.

Tumahimik sya at parang nag-iisip ng iba pang sasabihin.

"Yung tungkol nga pala noong isang araw.."

"Kalimutan mo na yun", putol ko sa kung anupaman na sasabihin niya.

Hindi na sya umimik. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang kanyang pagkabalisa. Maya-maya pa ay nagsalita ulit sya.

"May gusto sana akong sabihin sayo." , panimula ni Ryan.

"Ano yon?", tanong ko at tumingin sa kanya.

Nagtama ang aming paningin.

Hindi nya agad nasundan ang sinabi nya. Maging ako ay bahagyang natigilan. Pakiramdam ko ay tumigil sa pag-inog ang mundo ko at kaming dalawa lang ni Ryan ang nandoon, kahit na marami ng nagdaratingan na estudyante.

"Thea, gusto kong malaman mo na.."

Tumigil pa ulit ito. Mukhang nag-aalangan.

"Na??", patanong na dugtong ko.

Ngunit hindi na iyon nadugtungan pa dahil dumating na ang mga kaklase namin. At inaya na ko sa aming 1st sched.

Tumayo na ako at tumingin muna kay Ryan.

"Ano nga pala ung sasabihin mo?"

"Ah wala, next time na lang."

"Ok. Sige, una na kami.", di ako nagpahalata na nadismaya ako.

Ilang araw na rin ang nakararaan.

May usapan kami noon ni Ryan na sabay gagawa ng project, pero hindi ito sumulpot.

Ngunit ang pinakakinainisan ko ay nakipagkita pala ito kay Kate.

"Makikipag-date ka pala di mo man lang ipinaalam sa aken ng mas maaga. Eh di sana hindi ako naghintay sayo ng napakatagal. Natapos ko sana ng maaga yung project ko!", nanggigigil ako noon sa galit sa kanya.

"Sorry na. Biglaan kasi yun. At saka nagkaproblema sya, humingi lang sya ng tulong sa aken.", nanunuyo ang boses ni Ryan na lagi nyang ginagawa pag nagagalit ako sa kanya.

"Whatever Ryan. Nagawa mo na yan noon eh, tapos inulit mo na naman. Nakakainis ka na talaga.", nagpipigil ako para hindi makapagsalita ng mas masasakit na salita.

"I'm sorry best. Promise, di ko na talaga uulitin."

"Leave me alone muna Ryan."

Mula noon ay madalang kaming mag-imikan. O mas tamang sabihin na hindi ko sya iniimik. Kinakausap ko lang sya kung kinakailangan. Kaya naman madalas ko syang nahuhuli na nakatingin sa akin. Minsan ay nag-aattempt sya na kausapin ako. Ngunit pag nakikita na nyang seryoso ako ay nawawala ang sasabihin nya.

"Ba't di mo pa kasi kausapin? Lampas ng isang linggo yang tampo na yan ah.", sabi ni Maggie, isang hapon na wala silang prof.

"Eh kasi naiinis pa rin ako.", umirap pa na sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon