Now or Never

54 13 18
                                    

N O W  O R  N E V E R

"PARE, sigurado ka ba na okay lang sa 'yo na ligawan ko si Yna?" paninigurado ko. "Hindi ba't may gusto ka rin sa kaniya?"

Nginitian niya ako. "Alam mo, Pare. 'Wag ako ang problemahin mo. Ang isipin mo ay kung paano mo siya mapapasagot. Sadista ang isang 'yon, eh."

Tango lang ang naging tugon ko. Tama si Craig. Sadista nga si Yna. Walang araw na hindi dumadapo ang kamao niya sa mukha ni Craig. Madalas din niya itong sipain at sikuhin. Pero hindi 'yon naging hadlang upang mahulog ang loob ko sa kaniya. Kahit na ganoon siya'y mayroon din siyang tinatagong kabaitan. Pinatunayan niya 'yon noong pinakopya niya sa akin ang sagot niya sa Mathematics.

Matunog ang pangalang Yna Salazar sa paaralang pinapasukan namin. Palibhasa'y maganda at matalino. Bukod pa roon ay talented din siya. Walang sino mang lalaki ang hindi magkakagusto sa kaniya. Mapalad nga ako dahil isa ako sa mga kaibigan niya. Ngunit hindi ako papayag na hanggang doon lang kami.

"Mamaya, pagkatapos ng klase, kausapin mo si Yna, Brix. Magtapat ka na sa kaniya. Ayaw ng mga babae sa torpe. Alam mo 'yan." Tinapik niya ang balikat ko. "Bahala ka. Baka maunahan ko pa siya sa iyo." Pagkatapos ay humagalpak siya ng tawa.

Napailing na lang ako. "Sira! Hindi tayo talo! Bakla ka siguro, ano?" Hindi talaga nakakatawa ang mga biro ng kaibigan kong ito. Kung hindi ko lang siya matalik na kaibigan ay baka nasapak ko na siya.

"Pare, nandiyan si Yna," bulong niya sa akin.

Agad kong inayos ang buhok ko. Inamoy ko ang hininga ko para makasiguradong hindi ako mapapahiya sa babaeng mahal ko. "Saan?"

"Biro lang!" Humagalpak ulit siya ng tawa.

Dahil sa inis ay binatukan ko siya. "Loko ka talaga, Craig! Isa na lang, masasapak na kita," pagbabanta ko.

"Subukan mo lang, mamahalin din kita."

"Bakla!" singhal ko sa kaniya.

"Kung gusto niyong mag-away, doon kayo sa labas at huwag dito sa loob ng campus."

Now or Never (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon