chapter 16: A good night

591 8 1
                                    

"I dont need to repeat it, you heard it clearly. You look good without make-up."

Yan ang exact words ni Yuan kanina.  

At yan ang only thing na tumatakbo sa utak ko ngayon habang nakatingala sa kisame.

Since 6th grade ako i started to believe sa isang bagay... ang the so called...

The Reality Men Crisis

Nakasaad doon na Ang ratio daw ng mga babae sa lalaki ay 30:10. At sa 10 na lalaki 1 ang nagiging bakla, 2 ang nagiging adik at tambay, 2 ang playboy at walang ibang gawin kung hindi maglandi, 3 naman ang hindi ka gwapohan o sa madaling sabihin pangit. At tanging 3 lamang ang gwapo at mabait slash fafabol slash near to perfection. Over all ang 30 babae ay mag aagawan sa 3 lalaki.

Kaya i therefore conclude kung hindi kah masyadong kagandahan at hindi nag aayos abat magiging single ka talaga forever or tatanda kang dalaga.

Kaya naging prinsipyo ko yan sa buhay. Kaya lage akong nagma-make-up at nagpapaganda, dahil wala akong planong sayangin yung genes ko.

Pero...

Sa walang kadahilanan... nagbago ang tinatawag kung prinsipyo dahil sa sinabi ni Yuan.

Hindi ko nga alam kung bakit masyado akong apektado not to mention masaya sa sinabi niya.

Ang hirap talaga ma-intindihan ang human behavior... particularly men's behavior.

Kami mga babae todo effort. Mahal ang make up, lotion, cream sa gabi, facial wash, manicure, pedicure at pabango. But yet less appreciated. Ay ang hirap talaga maintindihan ang mga lalaki. Nagpapaganda na nga ako pero ayaw naman nila. Pag hindi ako nagpaganda pinapansin nila ako.

Ay hindi ko sila maintindihan...!!! Ewan!!! Na i-stress ang beauty ko.

Kaya agad akong pumikit para makatulog.

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!!!!!!

Hindi talaga ako makatulog! ToT

Pasado alas dose na pero hindi pa rin ako nakatulog... kaya bumaba na ako sa kusina para maghanap ng gatas.

Sa kasamaang palad ubos na.

Bibili nalang ako sa tindahan na 24hrs na bukas.

Kaya agad akong lumabas at ipinaandar ang sasakyan.

Nag drive hanggang sa nakakita ako ng Chams 24hrs na tindahan na bukas. Agad akong kumuha ng fresh milk, 1 liter na thick chocolate ice cream at isang malaking pack ng gummy worms. ^_______^

AYLABIT!!!!!!!

Paglabas ko sa store... dahil sa subrang bigla ko sa bago lang dumaan na nag re-race na mga motor bigla kung nayakap ang mga ipinamili ko. Legal ba yon ganon???

Hay nako! Mga masasamang kabataan sa lipunan, kaysa matulog nakikipag karera kay kamatayan!

Ewan ko ba!

Pumasok na ako sa sasakyan at sinimulang ipinaandar at nag drive patungong bahay.

Ng makarating na ako sa bahay, may nakita akong gwapong gwapong lalaki na naka sandal sa motor niya na naka park sa harap ng gate namin.

Naka leather black jacket ito, habang hinahawakan yung helmet, and guess what kasama ito sa nag re-race na mga motor kanina.

PLUS ang pangalan ng nilalang na iyon ay YUAN.

yup. You read it right.

Si Yuan. Yan ang secret agenda ng Troublemakers except sa paglalaro ng basketball isa din sa sports nila ang pag re-racing.

Ang gwapo talaga ng lalaking ito promise!

Ano kaya ang ginagawa niya dito....???

Manglalait???

May iiutos???

May ipapagawa sa akin???

Pahirapan ako???

O sasabihan ulit niya akong maganda??? 

^_________^ libre naman mangarap diba.

"Ano ginagawa mo dito master malalim na ang gabi ah..." sabi ko.

Nakatingin lang ito sa akin habang walang reaction ang mukha.

Ay hindi talaga uso sa kanya ang sumagot sa aking mga tanong.

"Oiiii... ano ginagawa mo dito???" Ulit ko.

Sumampa nalang ito sa motor niya.

Ay may ganon... deadma lang ako ulit?

"Hop in." Yun lang ang sabi nito.

"Ano???" Tanong ko.

"Sakay. And thats an order." Sabi nito.

Here we go again. The bad evil handsome monster Yuan is back.

Sumampa na ako sa likuran niya sabay hawak sa baywang niya.

Ang bango niya promise!

"Diba hanggang alas 8 lang effective yung pagiging maid ko sayo?" Sabi ko.

Pero wala itong imek.

Deadma na naman ang kagandahan ko.

Hay nako mabuti pat tumahimik nalang ako. Saan kaya kami patungo ng lalaking ito?

Sa...

Sa...

At ayon napahinto kami sa may park.

"Aaaaahhh... so maglalaro pala tayo sa park ngayong gabi. Wierd din ang trip mo ha." Sabi ko.

Naglakad lang ito ng ilang hakbang at umupo ito sa grass.

Sinundan ko na, kawawa eh.

Umupo ako sa tabi niya, sabay bukas sa binili kong gatas at nag simulang inumin ito.

Habang si Yuan naman nakatingala lang sa kalangitan.

Ng tiningnan ko kung ano ang tinitingnan niya nakita ko ang napaka gandang tanawin. Napuno ng stars ang kalangitan.

"Ang ganda ano." Nakangiting sabi ko.

Hindi na ako nag hihintay ng sagot ni Yuan, alam niyo na hindi uso da kanya ang magsalita eh.

Natigil ako ng kinuha niya yung gatas sa kamay ko.

"Akin yan. Sige ka may laway yan." Sabi ko.

Nag stick-out lang ito sa kanyang tongue. At nagsimula ng ininom yung gatas ko.

Sama talaga ng ugali ng isang ito kahit kailan.

Pero okay lang dahil likhang mabait ako pagbibigyan ko nalang siya total may ice cream naman ako. ^ ^

Kaya nilantakan ko na ang super thick chocolate ice cream. ^_______^

Hindi ko namalayang nakatingin na pala si Yuan sa akin, kanina pa.

"Ano?" Sabi ko.

"You eat like a baby." Sabi nito.

Hindi na ako naka imik ng pinunasan niya ang bibig go.

O________o

"You look nice. I hope you stay that simple." Sabi nito sabay higa sa grass at tingin sa kalangitan.

*Dug*Dug*Dug*

Ano ba itong nararamdaman ko. Nabigla lang siguro ako sa sinabi niya.

Well... inferness more than shock ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam na lalabas pa yung salitang iyon sa bibig ni Yuan.

Kanina lang hapon subra siya makalait, eh ngayong gabi naman panay ang papuri niya.

Hay nako. Kung ganyan man lang, sana gabi nalang lage... para lage niya akong puriin. ^_______^

At humiga nalang ako sa tabi niya at tulad niya pinanood ko na rin ang ganda ng kalangitan... malay ko may mahulog na gwapong linalang para mainlove sa akin.

HapPy LoVe: 100 days with the Royal SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon