HDHA - Fifteen - Sleep Together

3.4K 81 12
                                    

Guys! WAAAAAAAAAAAAAA! Sorry kung ngayon lang! Halos 1 week pala akong di naka-UD. Grabe lang ang mga comments. Sorry ha? Yaan niyo, bawi na lang po.

Salamat sa paghihintay talaga! otakamitch30, para sa'yo ang chapter na ito. HEHE! :D Sana suportahan nyo pa rin. ♥

==========================================================

FIFTEEN

Sleep Together

LUIGI'S POV

Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanyang labi. Wala pa rin siyang palag. Dapat nga umiwas siya pero wala talaga. Seryoso talagang magpapahalik siya sa akin?

"Ser...Ba't di mo pa ako halikan? Ready na ako." sabi niya ng seryoso. Pagtingin ko sa kanyang mga mata ay nakapikit na siya. Feel na feel talaga ng babaeng to. Tss! Sa totoo lang, nakakatempt siyang halikan. Ewan ko ba! 

"A...SA..." sambit ko saka ko inilayo ang mukha ko sa kanya at iniwan siya sa living room. Peste.  Pagdating ko sa taas ay pumasok na lang ako ng kwarto ko at humiga sa kama. Nakatitig ako sa ceiling. 

Napapaisip ako. Hanggang kailan kami magiging ganito? At ngayong natututo na siya, maaalala niya kaya ang mga dating memorya niya? At kung ganun nga ang mangyayari, oras na para paalisin ko siya dito sa bahay. 

"Ser!"

Rinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto. Ang lakas ng pagkakabagsak nito nung tumama sa pader. Pambihirang babae ito! Ito na nga ba sinasabi ko! Basta basta na lang siyang pumapasok ng kwarto ko! 

Bumangon ako sa kama at tiningnan siya ng masama. "Ser!"

"Ano?!" naiirita kong tanong.

"Maliligo ako. Sama ka?" tanong niya sabay ngisi. Napailing na lang ako. Kingina talaga ng babaeng ito. At tinanong pa talaga ako kung sasama akong maligo sa kanya? 

Lumapit siya sa akin at hinila ako. "Tara na, Ser! Sabay tayo!" Ako naman nagpapapigil pa. 

"Tumigil ka! Hindi nagsasabay ang lalake at babae maligo!" sagot ko naman.

"Eh bakit yung napanood ko kanina sa TV, sabay sila?" nakasimangot nyang tanong sa akin. Aba! May natutuhan na naman pala siya sa lechugas na TV na yan. Aish! Sisirain ko talaga yan para di na sya makapanood pa ng kung anu-ano. 

"Oh tapos? Anong ginagawa nila?" tanong ko.

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon