Love is a story...Im Winnel Del Mino, I've been in a relationship for 5 years...
"I've been.." Yes ex ko na siya ngayon, and yes umibig ako sa maling tao i guess..
Minahal ko siya for 5 years, kaya lang di nag work out eh. Wala eh, nakakapagod na kasi, madalas kami magtalo due to our differences in life, at nagtatalo kami palagi dahil pinu-push ko siya maghanap ng work, pero parang walang plano, at dahil dun I just realized na wala akong future sa kaniya. After our break up, akala ko iwi-win back niya ako, pero hindi eh, umaasa lang pala ako sa wala.
I felt sorry for myself, pakiramdam ko kasi maraming nasayang, like opportunities, effort, memories and time.
Well, moving on , ganoon siguro talaga, pag di para sayo, hindi magsstay. Now I always make myself busy and stay positive na lang, kesa naman maglumpasay ako diba? I'm hopeful always, that there is a reason why those things happened, alam ko makakabuti pa rin sa akin ang nangyari.
I'm working in a BPO company as a Team Leader, masaya ako sa work ko, morning shift, Monday - Friday ang pasok ko, almost perfect diba? Love life na lang ang hindi.
Ma-ishare ko lang, nung time na nakipag break ako sa kaniya, ang daming tumakbo sa isip ko, pakiramdam ko gusto ko na magresign sa trabaho, gusto ko gumastos ng pera... Ganoon pala ang pakiramdam? Yung tipong gusto mo ng mawala. Masakit kasi. Sobra. Thankfully, nakontrol ko naman sarili ko.
Ngayon, its been months. Nakamove-on na yata ako, not because I have to but I need to. Bakit? Oh my! Ayaw kong tumandang dalaga. Gusto ko bago ako mag 30, married na ko with someone given to me.
Luckily, may mga circle of friends ako at family na tinutulungan ako maka get over with my past :-)
Madami din akong mga post sa FB na hugot, just to know na single na ako...
and I dont know if that is a desperate move.Marami nagcomment at nag PM
"maganda ka naman Win, madali kang magkaka Love life nyan..."
"Bukod sa maganda, masarap ka pa magluto, surely darating din sya sayo..."
Etc. etc.. Mga comments at pm's na nakaka overwhelm.And one message really got my attention: "hinihiling yan, at ibibigay yan sayo kung kailangan mo na"
I know that point, and yeah in a perfect time.
I checked his profile (Yup, a guy commented on one of my post)
Ohh... Parehas lang pala kami ng pinapasukan. Pero ibang account siya, and he is also a member of an organization na kabilang din ako, we are mutual.
Natuwa ako, but I dont feel anything. I sent him a PM.
Me: Thanks sa comment...
He: "No prob, puro ka hugot ah..."
Me: Ou nga eh, you know, break up thing..
He: Oh I see...
Etc... Etc...
In short... Naging close kami, makulit pala siya at palabiro, lagi niya akong inaasar tungkol sa mga post ko, pero di naman ako napipikon, actually natutuwa pa nga ako.
Marami kaming napaguusapan, at pag may post ako na hugot, laging may comment siya dun, at most of the time naman nakakapag open ako sa kaniya ng mga problems ko at minsan yung mga feeling ko may gusto sa akin sinasabi ko sa kaniya, tinatawanan niya lang ako at inaasar.
Sa tagal na naming magkakilala hindi pa kami actual nagkikita kahit magkatrabaho kami, iba kasi ang shift niya. Sa chat lang kami nagkakausap. Kahit ganon, alam kong mabait sya.
One time, nagpost ako ng ginawa kong cake for sale sa facebook, then nag PM siya ng orders, kaya lang reserved na ung last order. In some reason, i replied him
"sige na nga bigay ko na lang tong isa sayo..."He: "Okay, kita na lang tayo bago ako umuwi mga 6am sa cafeteria."
Me: Okay :-)
Di ko alam kung excited ba ako, pero I feel nervous.. 😳
6 am, I saw him sitting in the cafeteria, solo lang siya, lumapit ako and I greet him
"Hi, eto na pala order mo.."
Nagmamadali kong inabot ung paper bag sa kaniya.He: "Nagmamadali ka ba? Magkape muna tayo"
Hindi ko maintindihan sa sarili ko, speechless lang ako at slowly umupo ako katapat niya.
He: "magkano ba to? "
"Uhm.. 200"
He just smiled and kinuha ang wallet sa bag... (Ngayon lang ako nakakita ng guy na wala sa likod ng pantalon ang wallet, kundi nasa bag. He's kind of cute)
He: "Tahimik mo naman.. "
"Uhm, surprised lang.."
He: "Surprised saan?"
"Good looking ka pala talaga sa personal..." (Oh no! Why Im so honest! ang landi ko na yata shocks!) I mean... akala ko kasi edited yung profile pic mo sa Fb, you know Camera 360 thing..."
At tumawa siya ng tumawa...
He: "at ikaw, maganda ka naman at magaling magluto, kaya wag magmamadali, darating din siya sayo, okay?"
Napatulala lang ako sa kaniya dahil sa sinabi niyang yun.
He: "Anyways, I have to go. Antok na antok na ako ehh.."
Me: "ah.. Sige ingat"
He: "Thanks..." sabay punto sa bitbit niyang paper bag.
----
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, my heart is so fragile, ayokong umaasa.
:-( wala naman siguro siyang gusto sa akin diba? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.We rarely know each other, ni di nga niya hinihingi number ko eh...
Sapat na ba yung makukulit niyang chat? At mga sweet words niya like, maganda ka naman... Ang saya mong kausap.. etc... para masabing he likes me?Di ko napigilan ang sarili ko, nag chat ako sa kaniya.
Me: "Kamusta po ang lasa?"
He: "Masarap po. Sobra."
Me: Weh, di nga?
He: yup.. Pwede ka ng Chef.
Me: hahaha... Walang budget para kumuha ng ganyang profession :P
Etc...
---
Ayokong bigyan ng meaning ang closeness namin...
But...
I am too close to fall.
BINABASA MO ANG
A Love Story
RomanceHow we define LOVE? There is a saying Love is not a feeling but a commitment. Paano ba maging committed sa Love? Para ba itong trabaho na may SOP (Standard Operating Procedure)? No breaking the rules daw para mag work out smoothly. Love is blind da...