Chapter 3

1K 58 5
                                    


Pagka-ring na pagka-ring pa lang ng campus bell ay mabilis na nagsitayuan ang magkakaibigan na sina Nathalie, Cynthia at Mich. Pagka-ayos nila ng kanilang mga gamit ay nagkayayaan silang tatlo na tumambay muna sandali sa soccerfield.


"Haaaay tinatamad na kong mag-aral! Ang tagal naman kasi ng sembreak!" tila naiinip na wika ni Cynthia habang prenteng nakahiga sa ibabaw ng mga berdeng damo.


Sa soccerfield ang tambayan nilang magkakaibigan sa tuwing break time nila, mahangin kasi roon at maaliwalas lalo na sa tuwing walang mga players na naglalaro.

"Ikaw talaga Cynthia ang tamad-tamad mo, dapat nga ngayon ka nagsisipag dahil graduating na tayo." tila nanay na pangaral naman ni Mich kay Cynthia habang abalang ngumangata ng hawak na tuna sandwich.

"Ikaw naman,mag-diet ka dahil gagraduate na tayo. Baka walang company ang tumanggap sayo niyan dahil overweight ka. Hahaha!" kutya ni Cynthia sa kaibigan. Napatigil naman sa pagnguya si Mich nang marinig ang tukso sa kanya ng magaling na kaibigan. Kaagad niya itong nilapitan at walang pasabing bineltukan ng mahina, gumanti naman ang isa.


"Ssssh, tumigil nga kayo dyang dalawa." tulalang saway ni Nathalie sa dalawang kaibigan.Napatigil naman ang ang dalawa sa pag-aaway, hindi dahil sa inawat sila ng kaibigan kundi dahil napansin na naman nila itong tulala. Umayos ng upo ang dalawa at parang tangang iminotion nila ang kanilang palad sa harap ng mata ni Nathalie para pukawin ang atensiyon nito mula sa pagkakatulala. Pumukaw naman sa atensiyon ni Nathalie ang ginagawa ng dalawa niyang kaibigan.Kunot-noong tinitigan niya ang mga ito.


"Bakit?" nagtataka niya tanong sa ginagawa nina Cynthia at Mich.


"Anong bakit? Tulala ka na naman dyan eh. Iniisip mo na naman siguro 'yung nangyari last week noh? 'Yung aksidente sa daan?" opinyon ni Mich.

"Hindi 'yun. Siguro iniisip niya ngayon yung nawala niyang pouch na may lamang allowance niya for one month? Haha, Nathalie, move-on-move-on din pag may time!" panloloko ni Cynthia.

Napa-pout na lang si Nathalie.Pano kasi wala sa sinabi ng mga kaibigan niya ang tumama. Humiga siya sa ibabaw ng damuhan at inunan niya ang kanyang mga braso habang mariing nakatitig siya sa kalangitan sa taas.


Isang linggo na ang nakakaraan simula noong nakita niya 'yung gwapong lalaki na nakabangga niya sa harap ng mall. Ewan ba niya kung bakit hindi mawala sa isipan niya ang estrangherong iyon.Wala naman kasi siyang interes noon sa mga lalaki eh, kaya nga lahat ng mga nanliligaw sa kanya eh binabasted niya agad kasi ayaw niya sa mga lalaki, pero 'yung taong 'yun, may kung anong iba siyang naramdaman nung oras na titigan niyang ang mukha nito. Marahil kaya ganun ay first time niyang makakita ng ganung ka-gwapo sa tanan ng kanyang buhay, sa University kasi nila ay kung hindi playboy ay pulos mayayabang naman ang mga feeling-gwapong estudyante roon.


Nasan na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? curious na tanong ng kanyang isipan habang ang tinutukoy ay ang kanyang Mysterious Boy.

     

Sa kabila naman ng paghanga niya sa lalaking iyon ay hindi niya maikakaila na naron pa rin ang nararamdamang paghihinala sa tunay nitong katauhan. Ang lalaking iyon din kasi ang pinagbibintangan niyang kumuha ng kanyang pouch na nagkakalaman ng 8gb na USB at wallet niya na may lamang allowance niya for one month. Pano kasi ito lang ang unang taong lumapit sa kanya bago nawala ang pouch niyang iyon,pinaghihinalaan niya ito na miyembro ng budul-budol gang na kunwari ay babanggain siya pero 'yun pala'y nanakawan lang siya, na ginamit lang nun ang ka-gwapuhan niya para makapambiktima ng iba.

Pero hindi eh. May side ng isip niya ang nakikipagtalo na hindi 'yon totoo, na mabuting tao ang lalaking iyon. Ah, ewan niya, hindi niya alam, hindi niya sigurado.


Nang makaramdam ng pagka-bored ay lumipat naman ng tambayan sina Nathalie at napagdesisyunan nga nilang tumambay sa loob ng cafeteria. Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa nasabing lugar ay bumungad agad sa kanila ang mga maiingay na bulungan ng mga estudyanteng babae.


"Alam niyo na ba 'yung latest?! Oh mah gad! May new transferee raw dito sa University at ang balita raw, super duper gwapo raw ng boy!" pigil ang tili nung isang girl na halatang galing sa lower year.


"Sobrang gwapo nga raw! Ang rumor daw, kaibigan daw 'yun nina Ralph at Gian! Oh diba, kaibigan ng dalawang campus hearthrob ang bagong transferee, so it means tatlo na silang campus prince! Kyaaaaah! So excited to see them together!" kinikilig na sambit ng pangalawa.


Kunot-noong nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan lalo na si Nathalie na noo'y iiling-iling lang sa narinig na balita, pano kasi alam niyang lalakas na naman lalo ang hangin sa buong campus dahil madaragdagan ng mayabang ang University.


"Madadagdagan na naman ang populasyon ng mga mayayabang sa campus." pagpaparinig ni Nathalie sa dalawang kaibigan, pano kasi kanina pa siya naririndi sa pinagkukwentuhan ng dalawa na kesyo ano raw ang itsura ng new transferee, na kesyo mayaman ba raw 'yun o nag-iisang anak.

Kasalukuyan na sila noong nasa loob ng room at naghihintay ng susunod na subject. Sa likod niya lang kasi nakapuwesto sina Mich at Cynthia kaya kahit bulong ng dalawa ay naririnig niya.


"Grabe ka naman, malay naman natin mabait 'yung bago, malay natin hindi naman nagmana sa mga kaibigan." pagtatanggol ni Cynthia.


Kilala kasi bilang mayayabang at siga-sigaan sa buong campus sina Gian at Ralph, palibhasa shareholder ang mga magulang nila sa University na 'to, palibahasa mga gwapo't mayayaman kaya nagmamataas masyado.


"Ok lang kahit mayabang, basta gwapo! Iiiiihhhh!" kinikilig na sambit naman ni Mich habang pinapalo-palo 'yung armchair niya.

Haluh, nabaliw na?


Naaawang napabuntung-hininga na lang si Nathalie at tahimik na hinintay ang pagdating ng professor.Automatic na nagsitahimikan naman ang lahat nang pumasok na sa loob ng room ang matandang prof nila.


"Before I start our class, I want you to meet your new classmate for this subject. He is Mr.Kevin Clark Mallari. He's the new transferee on our University, please treat him well."
nakangiting sambit ng prof nila sa harap.

"Emeged! Mich eto na siya, makikita na natin siya! Oh my gad! oh my gad!" excite na excite habang pigil ang kilig na bulong ni Cynthia kay Mich sa likod.

"Hala Cynthia 'wag mo nga kong alugin, lalo akong nate-tense eh!" hindi alam ni Nathalie kung naiiyak ba, o natutuwa o kinakabahan ang tono na iyon ni Mich.

Napakaltak na lang siya ng magsimula ng umingay sa buong classroom dahil sa sari-saring murmurs.


"Ok, here he is. Mr.Kevin you may now come in." aya ng prof nila sa kung sino man ang nasa labas dahil nakatingin ito sa may pinto.

Nung oras na naglakad papasok ng room ang lalaki patungo sa harapan ay tila bumilis ang tibok ng puso ni Nathalie, nakasunod ang paningin niya sa bagong pasok hanggang sa pumwesto na nga ito sa harapan upang magpakilala sa lahat. Nanlaki ang mga mata ni Nathalie habang wari'y patuloy na sinusuri ang bawat anggulo ng mukha ng nasa harapan.

Hindi nga lang siya sigurado sa mata nito dahil nung oras na nakita niya ito noon ay naka-shades ang lalaki, pero hindi pa rin siya maaaring magkamali, kamukhang-kamukha iyon ng lalaki na nakabunggo niya sa harap ng mall!

"Hi guys, I'm Kevin Clark Mallari, nice to meet you all."

Kasabay ng pagtili ng mga babae sa loob ng classroom ay ang siyang pagtatama naman ng kanilang mga mata -ni Kevin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Time To Remember (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon