One

6 0 0
                                    


Aeon's POV


"Manang, pag  bilan po ng buko juice yung 25 pesos po" Nginitian ako ni manang bago ako bigyan ng buko juice. Kilala na ako ni manang kasi kada uwian palagi akong bumibili sakaniya. Kinuha ko ito at nag bayad.

"Hindi ka ba nag sasawa dyan sa buko na yan?" Sumipsip muna ako bago umiling.

"Hindi naman nakaka sawa eh. Gusto mo?" Nilapit ko sakaniya yung buko ko pero umiling lang siya.

"Wag na alam mo namang hindi ako mahilig diyan eh!" Ang kausap ko ay si Beatrice ang bestfriend ko since highschool. 

Ako nga pala si Aeon (Ey-on) Patrice Sanchez at ang bestfriend ko naman ay si Beatrice Lopez. Mahilig na ako sa buko juice simula palang nung bata ako. Dito yata ako pinag lihi ni mama eh.

Uwian na namen. Nilalakad lang namin hanggang sa bahay namen mula sa university na pinapasukan namin. Malapit lang kasi tsaka mas tipid pero minsan kapag tinamaan ng katamaran nag jijeep kami ni Bea.

"Kamusta na pala kayo nung shota mong panget, bea?"

"Grabe ka! Maka panget ka naman dyan eh may itsura naman yung tao!"

"Oo meron nga, mukang aso!" Tawa ako ng tawa habang naglalakad kami. Asar na asar kasi si Bea kapag nilalait ko yung pangit niyang shota. Pangit naman kasi talaga!

"Napaka sama talaga ng ugali neto!"

"Hoy nagsasabi lang ako ng totoo no! Sige nga, saang parte ng muka niya ang pogi?!" naunang mag lakad si Bea sakin kasi siksikan sa daan. Ang daming tao kasi rush hour na.

"At least mabait yung tao!"

"Wala ka nga'ng na sagot sa tanong ko!" Tawa parin ako ng tawa pero nawala yung tawa ko nang may maka bunggo akong tao! At sa kamalas malasan na tapon pa yung buko ko!

"Anak ng-- yung buko ko!!!" Tila nag slow motion yung paningin ko sa buko ko. Paano, na tapon lahat. Halos maiyak na ako habang naka tingin sa lupa.

"Nyeta kasi! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo ha?! Kita mo na, natapon buko ko!!"

"Hoy Aeon mag hunod dili ka nga'ng bruha ka!" Inirapan ko si Bea at tinignan nang masama yung babaeng naka bunggo ko na ngayon ay basang basa ang palda.

"Wow ha?! Buko mo pa talaga inalala mo?!" Balik na sigaw niya saken.

"Alangan namang ikaw alalahanin ko?! Bwisit kasi tatanga-tanga"

Naka tingin lang sakin yung babae na parang hindi maka paniwala sa mga sinabi ko. Nag dabog ako ng paa sabay hatak kay Bea pa alis. Lumingon ako sa babae at nakita siyang pinupunasan yung palda niya. I somehow felt guilty sa ginawa ko.

"Oh ngayon makokonsensya ka?" Naghalukipkip ako habang naglalakad.

"Eh kasi naman kasalanan niya talaga eh. Sayang tuloy yung buko ko, ang dami pa namang laman nun!"

"Hay nako, bumawi ka nalang bukas! Tsaka sa susunod mag ingat kana kasi"

Hindi ko naman kasi kasalanan na maka bunggo siya.Pero in fairness maganda yung babae. Matangkad saken ng kaunti at morena.

Inakbayan ako ni Bea "Wag mo nang isipin yun. Kapag nag kita ulet kayo, mag sorry ka nalang sakaniya."

"Ha! Bat ako mag sosorry don?!" tinanggal ko yung braso ni Bea sa balikat ko.

"Siraulo ka, ang hard mo kaya kay ate!"

"Lakompake." Plain na sabi ko. Malungkot akong umuwi sa bahay namin. Mag kapitbahay lang kami ni Bea kaya palagi kaming sabay pumapasok at umuuwi. Same sched and course den. Para nga kaming kambal tuko, hindi mapag layo eh.

Pag dating sa bahay, kaagad akong umupo sa sofa namin at pumikit. Naalala ko yung nangyari kanina.. kasalanan ko din naman kasi hindi ako masyado na tingin sa mga nakakasalubong ko. Enjoy na enjoy kasi ako sa buko juice na iniinom ko kaya ganun eh.


Ace POV

"Anak ng-- yung buko ko!!!" Nanlaki ang mga mata ko nang matapunan ako ng buko. Hindi kagad ako naka react dahil sa pangyayari. Tinignan ko yung babae na naka bangga ko. Seryoso? Buko pa talaga inalala niya imbis na mag sorry saken?!

"Nyeta kasi! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo ha?! Kita mo na, natapon buko ko!!"

"Hoy Aeon mag hunod dili ka nga'ng bruha ka!" Sasagot na sana ako pero sumingit yung kasama niyang babae. So Aeon name neto?

"Wow ha?! Buko mo pa talaga inalala mo?!" Sigaw ko sakaniya. Nakakainis, late na nga ako sa klase tapos eto pa mangyayari!

"Alangan namang ikaw alalahanin ko?! Bwisit kasi tatanga-tanga" Tulad kanina, gulat ang reaction ko. Sa ganda nung babaeng yon, ganon ang ugali?! Napa iling nalang ako at pinunasan ang basa kong palda. Kainis, ang lagkit neto! May araw ka din sakin, buko-girl!

Naka simangot akong pumasok sa classroom. As expected, andon na ang prof ko. Tahimik lang akong umupo sa seat ko at kinapa ang palda ko. Pucha, basa parin.

"Ace, bat basa palda mo? Umihi ka no?!" binatukan ko yung bestfriend kong si Karl sabay irap dito. Badtrip talaga ako.

"May tanga kasing naka bangga sakin. Di na nga nag sorry kung ano ano pang sinabi!"

"Tara oh, abangan na natin sa gate mamaya!" Inirapan ko ulet si Karl. Puro talaga gulo ang alam neto.

"Manahimik ka ah! Hindi pa nga naghihilom yung sugat mo dyan sa labi, away nanaman gusto mo! Baka gusto mong dagdagan ko yan!" Paano nakipag away nung nakaraang araw dahil nang agaw daw siya ng babae. Kung sino sino kasi nilalandi netong malandi kong bestfriend eh.

"Kasalanan ko bang pogi ang muka ko at naiinggit sila? Gusto kasi nila masira to Ace para hindi ko na sila maagawan ng babae! Sus di mangyayari yon!"

"Oo na Karl, tumahimik ka lang"

Wala talaga ako sa mood makipag usap kahit kanino. Nag eecho pa kasi sa pandinig ko yung boses ng babaeng yon. Nakakainis talaga siya sarap tirisin. Gawin ko siyang buko juice eh!

After class ay tumambay muna ako sa freedom park. Oo nga pala, ako si Ace Madrid sa FEU ako nag aaral, Civil Engineering ang course ko. Yung babae kanina I think sa FEU den siya at same building kame. Napansin ko lang sa uniform and lace ng ID niya. Sana maka salubong ko yung babaeng yun para maibaon ko sa buko.

Wala masyadong kumakausap saken sa school. Si Karl nga lang din ang madalas kong kausap don eh. Bihirang bihira moko makikitang may kasamang iba. Hindi ko alam kung bakit. Siguro yung the way ng pag tingin ko. Hindi kasi ako madalas ngumiti palaging straight face. Nakakastress na kasi sa school isama mo pa yung stress sa bahay. Minsan nga parang ayoko nang umuwi eh.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang may grupo ng estudyante na dumating. Ang ingay nila kaya umalis nalang ako sa pwesto ko at umuwi. Gusto ko ng matulog at magpahinga sa bahay.

Bago ko ipikit ang aking mga mata, muka ni buko girl ang aking nakita...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CollidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon