Crush din ako ng Crush ko

21 1 0
                                    

Author's note:

First time ko as a watty author. I just want to let all of you know na this is based on a true story. Kasi nangyari na rin to saken. I'm proud to present my 1st story entitled "Crush din ako ng Crush ko".

Chapter 1

"shocks! ang swerte mo naman sa friend mo na yan tinay ang gwapo." sabi ko sa classmate ko na si Tinay isang araw pagpasok niya sa room namin. Hinatid kasi siya ng mga friends nya at isa dun ang crush ko.

"siyempre naman, maganda din kasi ang kasama nya." sabi naman ni Tinay.

At sabay kaming nagtawanan.

Nakalimutan ko pala magpakilala kasi kwento ng kwento eh! Ako si Marie. High school graduate at kasalukuyang kumukuha ng Food and Beverage Servicing sa isa sa mga satellite campuses ng TESDA. Wala kasing trabaho yung tatay ko kaya hindi ako nakapag college after high school. Ok na din kahit short course lang muna ako. Kaysa naman hindi ako nag aaral diba? Wala na kaming nanay iniwan nya kami nung mga bata pa lang kami at sumama sa ibang lalaki. Si May yung sumunod saken. 3rd year high school at ang pinakamaganda sa aming lahat. At si Mariel naman ang bunso namin 1st year high school.Siya naman ang laging nasa honor. Ako naman ay di katalinuhan. May mga achievements din naman ako sa school kahit papano.Masasabi kong di nga ako kasing ganda at talino ng mga kapatid ko pero ako naman ang pinaka madiskarte sa lahat. Simple lang ang buhay namin. Nakakaraos kahit papano. Salamat na lang sa lola namin at kahit papano ay di nakakalimot tumulong. Nagkaroon ng pansamantalang mapagkakakitaan ang tatay ko kaya nakapasok ako ngayon. 3months lang naman tong short course na kinuha ko.

At isang araw nakita ko may tatlong tao sa labas ng room. Yung isa ay isang bakla sa Housekeeping, yung isa naman si Christina, na siyang kaklase ko at isang gwapong lalaki na kumukuha naman ng Consumer Electronics.

Nang mapansin ko ang pagpasok ni Tinay sa room sabay tingin sa dalawa nyang kaibigan na naglalakad palayo ay nilapitan ko sya at binati.

Umupo na kami at natatanaw na namin na papalapit na sa may pintuan si Maam.

Halos isang taon na rin mula nung huli akong magka boyfriend at nung makita ko yung lalaking gwapo na kasama ni Tinay ay sumaya ulit yung puso ko kahit na crush ko lang naman siya. Oo crush lang at wala sa isip ko na magpaligaw sa kanya. hahaha...ambisyosa much!

Sa may parteng Las Piñas yung pinapasukan naming training center at ako naman ay sa Cavite pa nauwi. May tumulong lang saken kung pano ako nakapasok sa training center na yun kahit na hindi ako taga Las Piñas.

"Ok good morning everyone!" sabi ni Maam sabay lapag ng mga gamit sa mesa nya.

"Morning Maam!" magkakasabay naman naming bati.

"Masyado kayong madami at hindi ko kayo kayang i-handle lahat. Napagpasyahan kong hatiin kayo. Every Monday lang kayo magkakasamang lahat. Yung iba Tuesday at Thursday ang pasok at yung mga natira naman ay Wednesday at Friday."

Malungkot man ay wala na kaming magagawa kasi yun ang gusto ni Maam eh! Kung sabagay ang dami naming naka schedule na pang 8-12.

Isa isa ng binabanggit ni Maam yung mga magkakasama sa Tuesday at Thursday at ganun din yung pang Wednesday at Friday.

Nagkahiwalay na kami ni Tinay kasi napunta siya sa pang Tuesday at Thursday habang ako naman ay pang Wednesday at Friday. Si Tinay ang una kong naging kaibigan dito bukod kay Claudine na kaklase ko nung high school na syang naging dahilan para makapasok ako dito ngayon. Pareho kasi kaming madaldal ni Tinay na very opposite naman ni Claudine. Kaya naging close kami dahil sa mga walang prenong bibig namin eh! hahaha...anyways may Monday pa naman kaya may pagkakataon pa kaming nakapag chickahan kahit papano.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush din ako ng Crush koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon