"Ahhhhhh!!!!!!!! ANG SAKIT best. Ang sakit sakit talaga!! Huhuhuhuhu"
"Ano ka ba best? Ok lang yan. Wagas ka naman masyadong makare-act."
"Hindi mo kasi naiintindihan eh. 3 years Kaye. 3 years ko na syang mahal. Masakit na nga na hindi niya ako pinapansin at hanggang tingin-tingin lang ako sa kanya. Ngayon pa kaya na wala na talaga akong pag-asa na mapapansin niya kasi may girlfriend na siya. Nag-aaral akong mabuti para sa kanya. Siya ang inspirasyon ko sa pagigimg honor student. Lagi akong nagpapapansin sa kanya pero sa huli iba pa rin ang nakita niya at hindi yun ako. Kaya ko namang magtiis sa pagiging simpleng admirer niya pero ang makita siyang mayroong gf hindi ko na kaya yun. Tapos ilang buwan na lang ga-graduate na tayo tapos... tapos... tapos hindi ko na siya makikita. UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!! Baka mabalitaan mo na lang na nagsuicide na ako."
"Alam mo kung ano ang problema mo?"
Huh?? Anong problema ko? WALA! HINDI KO ALAM!! Bwiset na bestfriend yan oh. PAGKATAPOS NG NAPAKAHABA KONG SPEECH!! Tapos tinatanong niya kung ano ang problema ko? GEEEEEEEEEEZ!! ANG SARAP KUMAIN NG BUHAY NA TAO!!
"WALA KA BANG NARINIG SA LAHAT NG SINABI KO?!
"Narinig ko naman lahat pe---"
"NARINIG NO NAMAN PALA EH!"
Narinig niya daw tapos magtatanong pa siya? Lumabas ka na tiyanak na sumapi sa bespren ko.
"Patapusin mo nga muna ako Camille. Ano ka ba best, sayang lang yang luha mo sa pag-iyak. Chismis lang nga yan diba? Nakita mo na ba na may kasama siyang babae?"
"Oo nga, hindi pa. *^_^* Thank you best. Hulog ka talaga ng langit."
"Yan kasi ang problema mo eh. Nagiging bobo ka pagdating sa pag-ibig. Nagpapadala ka agad sa emosyon."
"Oo na . Oo na . Ako na ang mali."
"Uie balik na tayo sa room. Ten minutes na lang mag-ri-ring na ang bell."
"Okie *^_^*"
So, ayun bumalik na kami sa klasrum at... Guess what...
SITMATE KO SI JAKE KYAAAAAH!! Oo tama ang iniisip nyo. Sya lang naman ang lalaking 3 years ko nang mahalat dahilan ng bawat pag-iyak ko. At kaya nga kami na ang magkatabi ngayon ay dahil every grading period ay iniiba ang sitting arrangement namin.
"Camille"
Ai itlog ng pagong. Itapon kita sa bermuda triangle ngayon. Joke lang. Mahal ko yan eh.
"Bakit?"
At the top of my sweetest voice.
"Tinatawag ka kasi ni ma'am."
Akala ko naman mag co-confess na siya ng feelings niya para sa akin.
"Ms. Sanchez can you please come here in front to deliver your speech with our rank 1, Mr. Lim?"
KYAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! Ngayon lang talaga to na sabay kami dalawa sa harap. lagi na man sanang sya ang first at ako ang second pero isa-isa kami palaging tatayo sa harap.
Tapos ayun nagsalita na kami sa harap at kilig na kilig ako lalo na pag tumitingin siya sa akin at ngumingiti. Nakakatunaw. And then...
***********
AUTHOR'S NOTE:
Sorry sa pabitin effect.Puyat na ako eh.May exam pa ako bukas kaya kailangang mag-study. Next time again. Sana po nagustuhan nyo. Vote lang po kung nagustuhan at comment din para malaman ko kung ok lang ba ang story ko. Hindi ko nga akalain na makakagawa ako ang ganito.