TERRA POINT OF VIEW
My tears fell with the thoughts of Kerk will never be on my side anymore. I was drowned in pain, regret and fear. Hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos ng lahat ng nangyari. Yakap-yakap ko ang asul na bandanang ibinigay niya sa akin at ito'y basang-basa nan g aking luha. Nais kong ibalik ang lahat, kung saan una akong nagising..sa tabi niya. Nais kong ibalik ang lahat, kung saan siya dapat ang aking pilit na inaalala. Nais kong ibalik ang lahat, noong panahon na mahal na mahal ko siya. Hindi ko maisip, hindi ko maisa-isip kung bakit ganito ang nangyari sa amin. Hindi ko matanggap na kung kailan naaalala ko na siya, doon siya nawala.
Nabasaag ang iyak ko nang biglang pumasok si mama sa kwarto ko. Umupo siya sa tabi ko at kanyang hinaplos-haplos ang ang aking likod at pilit na pinatahan.
"Hindi gusto ni Kerk na nakikita ka niyang umiiyak." Sabi ni mama at alam ko sa boses niya na naiiyak na siya.
"Si kerk? Napakabuti niyang anak. Wala siyang ibang inintindi kundi ikaw. Ang plano niya..kapag bumalik na ang ala-ala mo mo ay isasama na niya tayo sa Japan at doon muling magsisimula." Lalong bumuhos ang luha ko ng sabihin iyon ni mama.
"Mahal na mahal ka niya, Terra." Dagdag pa ni mama. Hindi ko na kayang marinig pa ang mga sinasabi ni mama kaya't lumabas ako ng bahay. Sobrang bigat ng loob ko sa mga narinig ko. Hindi dahil sa ayaw kong marinig ang lahat na tungkol kay Kerk..kundi nangingibabaw ang panghihinayang at pagsisisi ko sa pagkawala niya.
Naglakad ako ng naglakad nang hindi alam kung saan tutungo. Gusto kong isipin na nasa tabi ko lang siya. Hawak niya ang kamay ko pero patuloy akong binabato nang lahat ng nangyari. Lalo na't kitang-kita ko kung paano siya matumba, kung paano bumaon ang bala sa puso niya habang inaabot ang kamay niya sakin, paulit-ulit iyong binabato sa akin. Umupo ako sa tabi ng kalsada kung saan kokonti lang ang nagsisidaan na mga sasakyan. Tumingala ako at hinayaang pumatak ang aking luha. Bigla akong napatayo dahil sa thoughts na kaya dinala ako ng mga paa ko dito ay dahil pupunta ako sa bahay niya.
Ipinagpatuloy ko na ang aking paglalakad hanggang sa matagpuan ko na ang nagungupas na kulay asul niyang bahay. Nasa gitna ako ng kalsada sa tapat ng bahay niya at naaalala ko kung paano siya magmaneho ng motor ng napakabilis habang angkas ako. Lumakad na ako papasok ng bahay at binuksan ang pinto. Naaalala ko kung paano ko unang pagmasdan ang loob ng kanyang bahay na napakatahimik na wala kang ibang maririnig kundi musika ng ibon na nagmumula sa labas. Malinaw kong nakikita kung paano ko linisan ang buong bahay niya habang siya'y nasa sofa, nakaupo, nakadikwatro habang pinapanuod ako. Kung paano niya ako utusan ng utusan. Kung paano niya nakawan ng halik. Ang buong bahay na ito ang nagpapaala-ala sa akin nang lahat at ang mga ala-ala na iyon ay buhay na buhay pa saan ko man ibaling ang aking mga mata.
"KEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEERK!!!!!!!!"
Malakas na sigaw ko sa pangalan niya at nagbabakasakaling bigla siyang lumabas..ngunit sarili kong boses ang nagging sagot.
"KERK!" Muli kong tawag sa pangalan niya subalit wala pa ring kerk na dumadating. Pinunasan ko ang aking luha na bumabagsak sa sahig. Umakyat ako at nagtungo sa kwarto. Tumambad sa akin ang ala-alang magkatabi kaming tumulog habang nakayakap siya sa akin. Ngunit sa isang kisap-mata, bigla itong naglaho.
Lumapit ako sa kama at may nakikita akong papel sa tabi ng lampshade. Kinuha koi to at binuksan.
To my Love Terra,
Siguro maihahalintulad ko ang pagmamahal ko sa'yo sa preso na halos tatlong taon nang nakakulong na nagnanais na makalaya sa pagmamahal sa'yo subalit umuuwi pa rin siyang alipin mo. Wala akong ibang hinangad kundi ang maalala mo ako subalit sadyang pinagkakaitan ako ng iyong ala-ala. Ibinigay ko na sa'yo ang kahon nang ala-ala natin subalit..ibinalik din iyon sa akin.
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomansSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover