Opinyon Lang Naman Po... (Poem)

59 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ko ba masisimulan

Ang pagsulat ng mga katagang may tugmaan

Walang matinong inspirasyong maaaring mapagkunan

Kaya ngayo’y nga-nga at aasasa sarili lamang

Naiinis lang ako sa mga inspirasyon nila

Puro pag-ibig na para sa akin ay walang kwenta

Ano naman ngayon kung malaman nilang mahal mo sya?

Kapag siya ba ang naka-alam ay may mag-iiba?

May iba naman na kalikasan ang pinupuntirya

Maka-sermon naman akala mga malinis sila

Pero teka lang nga, lahat naman tayo ay may sala

‘Wag ng subukang magsisihan at matuto ka na lang

May iilan namang pamilya ang gamit na sandata

‘Sang pasasalamat sa pagmamahal na bigay nila

May iilan rin namang gamit ang Dakilang Lumikha

Paghingi ng papuri at patawad sa ‘Syang Gumawa

Hindi akoisang kritiko o isang manloloko

Gusto ko lamang ihayag ang mga napapansinko

Walang masama dahil malayang bansa ang bayan ko

Opinyon lang naman, ‘wag sana uminit ang ulo mo

At sa wakas ay matatapos na rin ang tulang ito

Salamat sa atensyon mo na basahin ang obra ko

Hindi ko alam kung anong reaksyon mo sa gawa ko

Tanging hiling ko’y nasiyahan ka sa pagbasa nito

Opinyon Lang Naman Po... (Poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon