My Heart's Captain! <3 (One Shot)

674 19 7
                                    

Ness' Note: Hello! Haha. Ang tagal ko ng tinype nito, ngayon ko palang ipinost. Tungkol naman to sa CAT. Habang nasa platoon kasi kami at kinakausap ni Captain, may pumapasok sa isip ko na one shot. HAHAHA. Ang layo ng diwa ko nun. So, eto na! :))

Dedicated to Sister Rei :) Lablab! <3

*****

My Heart's Captain written by Starriza

Christina's POV

"CHRISTINA REYES, GIVE ME 10 JUMPING JACKS. MILITARY COUNT. COMMANDS EXERCISE, MOVE!" Sigaw ni Captain Sam. Psh!

Nanatili akong nakatayo sa platoon na poker face.

I didn't do anything wrong, right? So, bakit may punishment?

Naglingunan na yung mga kaklase ko sakin dahil siguro hindi ako sumusunod sa command ng captain 'kuno' namin.

Kairita ah!

Bat ako susunod kung wala naman akong ginawang mali?

"What?!" Sagot ko nang makitang nakatingin silang lahat.

Bat niya ba kasi ako pinag jujumping jack? Ang sakit na kaya ng paa ko kakalakad-patakda!

Gusto niyang sapak? Di porket captain 'kuno' siya eh takot na ako sa kanya? Hah! Baka nga siya pa yung takot sakin eh!

Nakita ko siyang huminto sa harap ko. Nasa unang tilap kasi ako. Tss.

"I SAID, MISS REYES. GIVE ME 10 JUMPING JACKS. MILITARY COUNT. COMMANDS EXERCISE, MOVE!" Pag uulit niya. Aba, bingi ba ako?

Nagtinginan naman yung mga officers sakin. Tch. Bat ba kasi? Azar ah!

"CHRISTINA...." Sumeryoso siya.

Oh, asan na yung Miss at Reyes? Ha?

Napataas nalang ang kilay ko. Ano na namang trip nito?

"...JUMPING JACKS..............O KISS?" Nakangisi niyang sabi habang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Hindi ako makapalag dahil dapat chin up and stand straight!

Shit!

Tiningnan ko siya sa mata. Aba, nagtaas baba pa ng kilay ang loko! So ginagantihan niya ako? Personalan ba?

"Ayiiiii~ Si Captain dumuduty na nama------" Nanahimik yung mga kapwa officers niya na malalakas mang asar! Tiningnan ko sila sa mata ng masama. Yari kayo sakin pag nakatyempo ako. Leche! Nagtilian naman yung mga kaklase ko kahit nasa platoon kami.

"KISS MO MUKHA MO SA SAHIG!" Sigaw ko. Napa 'Woah' naman yung mga kasama niya. Narinig ko lang na tumawa ng mahina si Sam. Maya maya, naglakad na siya pabalik sa harapan. Whoooh!

"Okay. PRIVATES, PULL OUT!"

"SIR THANK YOU SIR!"

Umalis ako agad pagpull out niya. Ayoko ng makita ang pagmumukha niya. Naaalibadbaran ako sa mukha ng boyfriend kong Captain! Ugh. Nabasa niyo na, boyfriend ko si Sam. Unfortunately. -__-

Galit ako sa kanya. Masyadong babaero! Womanizer for short! Alam ko namang likas na sa mga lalaki yan. Pero dapat araw arawin? Dapat talaga harap harapan sa girlfriend mo? Paano kasi, araw araw iba ibang babae ang kasama. Di na nakuntento! Hindi pa ba sapat na girlfriend niya ang most popular and running for valedictorian sa school?

Ang swerte niya nga sakin! Ako pa lugi sa kanya.

And for your information, hindi siya nanligaw sakin. One day, kami na agad! Wala ng ligaw ligaw! Tindi no? Sarap hambalusin eh. Wala manlang loyalty? Captain pa man din, babaero pala!

My Heart's Captain! &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon