Minsan kapag nasasaktan ka, ramdam mo literal.
Masakit. Parang nga talagang nadudurog.
Minsan malalaman mo lang sa sarili mo na nagmamahal ka na pag nasasaktan ka na.
Malalaman mo na lang na mahal mo yung tao yun pag nagseselos ka kahit na wala kang karapatan.
Nasasaktan ka kasi hindi ka niya napapansin.
Nasasaktan ka kasi hindi ka niya mahal o kaya naman nasasaktan ka kasi may gusto siyang iba kahit ikaw naman yung nandiyan para sa kanya.
Hindi ka niya mapansin kahit ginagawa mo naman lahat.
Isa lang ang nakikita niya, pero yung taong gusto niya hindi naman siya mahalin pabalik... Pero patuloy pa rin niya itong minamahal.
Ikaw naghihintay ka na baka balang araw mahalin ka rin niya hindi bilang kaibigan kundi bilang isang taong nagugustuhan.
Pinakamasakit sa lahat ay yung unrequited love, nagmamahal ka sa isang tao kahit alam mong yung taong yun walang kakayahang mahalin ka pabalik.
Ayos lang naman sayo na mahalin siya walang mali dun, kaya lang nasasaktan ka pag nakikita mo siyang may kasamang iba.
Masakit diba?
Why is that? I'm confused.
~xoxo, LightRain18
BINABASA MO ANG
Confused
RandomJust Sharing. :D Diary? I guess. Kung ano lang pumasok sa utak kong magulo. Hoho! Some are mine, but not all. Credits to the owners.