♔♔ THIRTY ♔♔

117 7 1
                                    

♔♔ THIRTY ♔♔

-Naomi's POV-

"HOY Naomi!" bigla namang sumigaw si fake Andy habang winawagayway pa yung kamay niya.

"Tch." yun na lang yung nasabi ko at pagtingin ko ulit sa pwesto ni Kai eh wala na siya dun.

Is he really jealous? Or mali lang yung nabasa ko?!

And after kong kumain eh bigla namang inabot na sakin ni Andy yung phone ko at tinignan ko kagad kung may nagtext.

"Someone's JEALOUS." asar pa ni fake Dylan.

Napatingin naman ako sa kanya tapos para siyang nang-aasar na ewan. Hindi bagay kay Dylan yung ganung pa-cute. Nagmumukha tuloy siyang baklush.

"Ah, may binasa ba kayo dito?" tanong ko.

"Wala bakit?" fake Andy.

"Good." sabi ko.

"Tss. Eh alam naman naming lahat dito na patay na patay ka kay Kai kaya atat kang mag-reply sa mga texts niya." parang galit pa kung magsalita itong si fake Andy.

"Teka, bago kayo mag-away eh pwede bang mag-usap muna kami ni Naomi?" singit naman ni fake Dylan.

"Whatever." sabi ni fake Andy.

At hinila nga ako ni fake Dylan sa labas pero walang mga tao dun banda. Mahirap na baka may makaalam.

"Someone's jealous." sabi niya.

Casanova Princess ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon