Prologue

0 0 0
                                    

"Alez!" Ang sigaw ni Karen habang papalapit ito sa kinaroroonan ko. Hindi ko na siya hinintay na makalapit saakin. Inunahan ko na siyang yakapin.

"Hoi Alez hindi mo sinabi na ang jeje mo na pala manamit ngayon." Ang agad niyang sabi saakin. Binatukan ko na naman siya dahil sa sinabi niya. "Hoi Kahit Mukha pa akong ewan sa suot ko wala akong pake" sabay ayos ko sa kalong nasa ulo ko. Oo tama kayo pangit ako mamorma. And who cares? Hinakbayan ko si Karen nang napaka higpit.

"Aray Ko! Nasasaktan ako Alez." Ang sigaw ni Karen habang kahakbay ko siya. Muli ko siyang binatukan. "Tanga mo talaga."

"Ano ka ba sayang ang dress ko oh. Its so mahal kaya." Ang paarte pa niyang sabi.

"OA mo talaga." Nakita ko na lang na ngumisi siya na parang may gagawing masama.

"Alez try mo kaya mag dress."

"What? No Way. Ipapa dress mo ako. Luh! Ikaw pa ba yan Karen? Simula pa ng bata ako. Wala akong kahilig hilig sa suot ng mga babae noh!" Nagulat na lang ako nang hilain niya ako palabas ng campus. "Karen saan tayo pupunta mala-late na tayo nito sa klase." Hindi siya tumigil sa paghila saakin at sumakay kami sa isang jeep. Naku! Ano na naman ba ang gagawin niya? Ipapahamak na naman niya ako. Ilang sandali may pumara na lalaki. Teka! Blue Jersey na may number 30 sa likod, may damit sa loob na pink. May kalong Nike. What the? Anak ng pusa! Parehas kami ng suot kaso nga lang pink ang jersey ko at blue ang damit ko sa loob. Jusko! Pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Alez may pag uusap ba kayo nung boy na dapat parehas ang suot niyo?" Ang pagtatakang tanong ni Karen. Napatinggin na lang ako dun sa lalaki. Makakalbo talaga yang lalaking yan. "Hindi ko yan kilala!" Sumigaw ako sa loob ng sasakyan. Naku isa na namang kahihiyan ang ginawa ko. Napatinggin sa kinaroroonan ko ang lalaki at ngumiti pa talaga. Nakakaasar yung nga ngiti niya. "Baba na nga tayo Karen." Pilit kong pinipilit si Karen na bumaba na baka masuntok ko yung lalaking yun.

"Ano ka ba malapit na tayo." Hindi na lang ako pumalag at hinayaang nakatinggin ang mga tao saakin. Gaya gaya.

Ilang sandali bumaba na rin kami. Sa wakas malayo na ako sa lalaking yun. Teka, Saan ba kami pupunta ni Karen?

"Hoi Karen Saan tayo pupunta?" Naglakad lang siya at hindi sumagot. Napansin ko na ang layo nang nilakad namin. Inayos ko ang buhok ko at tinali tapos binalik ko ang kalo. Tinaas ko ang parte ng damit ko banda sa braso. Para talaga akong boyish sa ginagawa ko.

"And Were Here."

Dress Shop? Seryoso siya? As in? At ang saya niya pa. Dont tell me na pasusuotin niya ako.

"No Way. Karen kung ayaw mo masira ang friendship natin. Please huwag naman." Tumawa lang siya nang napakalakas.

"Tanga! Ako ang bibili hindi ikaw." Napakalma ako nang kaunte sa sinabi niya. Napaka assuming ko naman talaga. Sinamahan ko siyang pumasok sa shop. Umupo lang ako sa isang upuan na malapit lang sa pintuan. Baka kasi bigla niya akong ipasuot ng dress isang takbo ko lang. Habang naghihintay ako. Binuksan ko ang Facebook ko.

A is Me sent you a friend request.

Huh? Sino ito? I open his timeline. Tinignan ko ang information about him. Kinikilatis ko kasi lahat ng mga friends ko mahirap na sa panahon ngayon.

Birthday:
February 22, 1997

What? Parehas kami ng birthday? Gusto ko sana i view ang Profile Picture niya kaso naramdaman kong wala sa ulo ko ang kalo ko. Nang hawakan ko ang ulo ko, isang parang halaman ang nahawakan ko. Aba Malay ko kung anong tawag dun.

"Oh! Mukha ka ng diyosa." Ang sabi ni Karen habang hawak hawak ang kalo ko. Wala akong magawa kundi alisin kung ano yung nasa ulo ko. Kukunin ko sana ang kalo kaso bigla siyang tumakbo palabas ng Dress Shop. Hinabol ko na lang siya, wala rin naman niyang laban saakin eh. Naka sandal siya at ako naka rubber shoe at sigurado mahihirapan siyang tumakbo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MEant To YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon