Entry #2: Kid

2.3K 55 31
                                    

Author: Angel Micah Santos
Genre: Romance/ Melodrama
Characters: Kid, Sunny, and Rage
Twitter: intenshifiedWP


Nakapangalumbaba ko'ng tinatanaw ang malawak na karagatan. Tatlong buwan na ko dito. Malayo sa syudad. Sa problema. Sa lahat. Nangingilid ang luha ko habang pilit na iwinawaksi ang masasakit na nangyari sa nakaraan na pilit pumapasok sa aking isipan.

Si Kid.

Wala ng mas sasakit pa sa ginawa niya. Ang iwanan ako. Ang sakit.

"Sunny!" Dinig ko'ng tawag ng isang tinig kung saan. Tumalikod ako at nakita ko ang isang matipunong lalaking hinahabol ang kaniyang hininga. Saglit akong natigilan sa nakita. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Putangina.

Tumayo ako at humakbang paatras. "Rage." Tawag ko. Pinilit kong hindi manginig ang boses ko. Ngunit napapikit ako ng mariin ng sinalo ko ang mga titig niya. Hindi ako makahinga. Nilapitan niya ko. Umatras ako. Natatakot ako. Natatakot ako sa kaya niyang gawin. Natatakot akong magalit siya sa'kin.

Humakbang siya ng isang beses pa. Umatras ako. Ipinilig niya ang ulo niya. Nakita ko ang sakit at galit na dumaan sa mata niya. Nanghina ako. 'Di ko na kinaya pa ang panghihina ko ng diretso at mabilis siyang lumapit sa'kin. Napapikit ako ng mariin. Hinanda ko na ang sarili ko. Alam kong sasaktan niya ko. Tatanggapin ko.

Ngunit nagkamali ako. Nanlaki ang mata ko ng naramdaman ko ang braso niyang nakayakap sa'kin. Hindi ko alam kung itutulak ko siya sa gulat ko o hahayaan siyang yakapin ako. Nanginginig ang mga tuhod ko. Lalo na ng nagsalita siya. Nagsalita siya na naging sanhi ng paglabas ng mga luha kong pilit kong iniwasang hindi tumulo kanina.

"Bakit ka umalis?" aniyang nagpahagulgol sa'kin. Pumikit ako at niyakap siya pabalik.

"Rage. Si Kid! Si Kid!" umiiyak ako habang binabanggit ang pangalan ng mahal ko. Si Kid!

Humigpit ang yakap niya sa'kin. Natatakot ako. Natatakot ako na pagkatapos ng yakap na ito, galit ang isalubong niya sa'kin. Natatakot ako. Kaya hinigpitan ko ang yakap sakaniya. Pumiglas siya sa yakap kaya napatingin ako sakaniya. 'Di ko mawari kung galit, awa, panghihinayang, sakit o pagsusumamo ang nakikita ko sakaniyang malalim na mga mata. O baka lahat ng 'yan? Ewan ko. 'Di ko alam. Ayaw ko'ng alamin.

"Rage, patawarin mo ko." Mahina kong sabi. Sinikap ko'ng tingnan siya sa mata ngunit 'di ko kaya. Tinitigan ko ang paa ko'ng nakayapak sa puting buhangin dito sa Palawan. Nakarinig ako ng tikhim at namalayan ko nalang na sinikop niya ako sa pagkakatayo at inilagay sakaniyang mga bisig upang i-angat sa ere. Naguluhan ako sa ginawa niya. Bakit niya ko binuhat? Anong gagawin niya? Ihahagis niya ba ko sa dagat? 'Wag naman sana. Dahil kahit tatlong buwan na ko'ng naninirahan dito, takot pa rin ako. Lalo na sa malalim na parte.

"Rage. Galit ka alam ko. Pero 'wag mo naman akong ihagis sa dagat o. 'Di pa ko marunong lumangoy. Bigyan mo ko ng isang linggo. Saka mo na ako ihagis." Pagmamakaawa ko. Humikbi pa ko dahil natatakot talaga ako. Basagulero si Rage lalo na noong high school kami. Alam ko ang nagagawa niya kung galit siya.

Sinilip ko ang ekspresyon siya at nagtaka dahil nakanguso siya. Tila ba nagpipigil ng ngiti o kahit na anong ekspresyon na makasisira sa momento.

Naramdaman niya yata ang tingin ko kaya't binalingan niya ko ng tingin at pinagtaasan ng kilay. Ang gwapo ng taong 'to kaya't napairap ako sa kawalan. Sumilay ang mapaglarong ngisi niya kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ba't galit siya? Anong nangyari? 'Di ko tuloy alam kung ano talaga dahil 'di naman siya umimik kaninang humingi ako ng tawad. At ngayon, nakangiti siya? Niloloko ba ako nito?

JONAXXSL One Shot Contest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon