Faye Peralta
Romance
Knoxx Montefalco,Entice Ezquivel
Fated To Love You
Ulan?!? Umuulan nanaman? Tss. I hate Rain! I hate rainy days,I hate the things that are related to rain!
Bakit ko hate? Simple lang dahil lahat ng masamang pangyayari sa buhay ko ay nangyari ng umuulan.
Walang magandang naidudulot ang ulan. Wala na akong mama,pinatay nila. Umuulan noon at ngayon ako na ang papatay sa kanila,sa mga taong pumatay sa mama ko at sa ibang kapamilya ko. Maghihiganti ako para sa kanila.
Buhay kapalit ng buhay. I won't let them kill again. Ako mismo ang papatay sa kanila harap harapan pa.
Simple lang ang buhay ko pero hindi ito normal. Mamamatay tao ako. Pinapatay ko lahat ng mga taong bumabangga sa desisyon ko,lahat ng taong minamaliit ang kakayahan ko at lahat ng taong balak manakit sa mahal ko.
Walang nakakaalam nito. Pwera lang noong dumating siya sa buhay ko.
Ang unang lalaking nagsabing mahal niya ako. Ang unang lalaking naglakas loob na protektahan ako. Ang kaisa-isang lalaking nagpagulo ng buhay ko.
Ayoko siyang bigyan ng atensyon dahil sigurado akong madadamay siya.Ayokong mapahamak siya. Pero hindi ko siya mahal,hindi nga ba?
Ngayon ay kailangan ko nang pumili,san ba ako tataya? Sa tama o mali?
Ano ba ang dapat kong sundin? Ang puso o ang isip ko?
Ano bang dapat na piliin ko? Ang tama kung saan hindi ako masaya? O sa mali na sakin ay nagpapangiti?
Ano ang dapat kong piliin? Ano ang kailangan kong sundin?
Mahirap magdesisyon dahil sa isang iglap ay maaaring mawala ang lahat. Dahil isa akong killer.
"Entice!!Baby ko!" Nawala ang lahat ng iniisip ko ng bigla akong tawagin ni Shin. Isa sa mga nakakaalam ng sekretong pinakatago tago ko. Kasama ko rin siya sa mga misyon na binibigay sakin. Tinitigan ko lang ang gulat niyang mukha. Dahan dahan siyang lumapit sakin at pinunasan niya ang kamay kong puno ng dugo. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko,naalala ko nanaman kung pano nila pinagbabaril ang mama ko. Niyakap ako ni Shin at pinatahan,buti nalang at nilock niya ang pinto ng cr kaya walang makakapasok.
"Okay ka lang ba ha?Akala ko si Panot lang ang jinombag mo baby. Hindi mo sinabi na pati pala yung pamangkin niya." Sabi niya pagkatapos niyang tignan ang katawan ng isang babae na nakahandusay at naliligo sa kanyang sariling dugo.Tinignan ko lang siya at nagsimula akong magkwento sa nangyari kanina.
// F L A S H B A C K //
"Hi sir!" Professor pa talaga dito sa school namin tong namimilit sakin na magsayaw sa club dahil maganda daw yung curve ng katawan ko. Manyak talaga!
"Oh Ms.Ezquivelsasagutin mo na ba yung offer ko sayo? Kung hindi ako nagkakamali ay mahirap ka lang,malaki ang matutulong ng pagsayaw mo sa club ko." Shete kadiri tong malanding panot na to ang taba pa. Lumapit ako sakanya at umupo sa lap niya. Hays kadiri tong ginagawa ko pero kailangan eh. Hinawakan naman niya ang likod ko at hinimas ito. Hindi ko na kaya. Tatapusin ko na ang kaguluhan na ito.
Inilabas ko ang pocket knife at itinutok agad sa kanya.
"Sino pa ang kasama mong nagpapatakbo ng club na yun ha?" Matapang na tanong ko sakanya. Kinakalaban kasi nila si King. Si King ang sumusuporta sa lahat ng gastos ko habang ako ay lumalaki.
BINABASA MO ANG
JONAXXSL One Shot Contest
General Fiction- All of us can be a writer - Vote for your favorite One shot