P R O L O G U E

457 9 2
                                    

My name is Andree Camille Bonifacio. AC for short. I'm pretty, kind and sweet.

Hindi ako tulad ng mga kaibigan kong napaka-HOPELESS ROMANTIC. Hindi sa bitter ako. Hindi lang talaga ako naniniwala sa forever, infinity chu-chu na mga yan.

I DO NOT believe in Fairytales. Fairy Tail na anime pa siguro, pwede.

Siguro kaya ganito ako kasi, hindi ko pa nahahanap yung MR. RIGHT ko. Siguro kung after 200 years, mahahanap ko na yung forever ko.

Nagsimula ang kwento sa kaibigan kong si Janna Mariz Eugenio. Naku! Patay na patay kay Nash Aguas yun! Ang kaso.. hindi siya mapansin kaya as her bestfriend, tinutulungan ko siya. Pero nagsisi lang ako dahil mukhang ako na yung may gusto dun kay Nash dahil parati niya akong pinapalapit dun sa lalakeng yun.

Then, dun ko na-meet yung si BRACE HENRY ARQUIZA. Isang lalakeng napakahilig ngumiti. Ang lalim-lalim ng dimples at oo na, gwapo na.

Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nila yung limang lalakeng yun. Tao pa rin naman sila tulad ko. Nakakaangat nga lang ng konti.

Sa hindi inaasahan, mas nakilala ko si Brace Arquiza. Mas nakilala ko yung totoong siya. Mga sikreto niya. Mga nararamdaman niya behind those kind and sweet smile.

At dun ko lang din naramdaman ang unang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot o kaba. Iba eh. Hindi ko pa naramdaman yun sa ibang lalake.

--

My name is AC Bonifacio. And Brace Arquiza is my ULTIMATE CRUSH.

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon