Pagdating ni Sky sa Bahay, wala pa ang tita cora niya, segurado siyang nasa palengke pa ito. Pumasok siya sa loob at nagbihis ng pambahay at nahiga siya sa kama niya at nakatulog. Gabi na ng magising si Sky, bumangon siya at tiningnan kung nandoon naba ang Tita niya, ngunit wala pa ito. Bumalik siya sa kwarto at tiningnan naman niya ang CP niya, may text ito. Nag text ang Tita niya na gagabihin ng uwi kasi pupunta daw ito sa amiga nito dahil birthday raw nito. Humiga ulit si Sky sa kama niya nang makatanggap na naman siya ng message.
"Ba't mo ako iniwan bigla?". text ni Denver sa kanya. Hindi niya ito sinagot. Nahihiya siya kaya ayaw niya itong sagutin, pero makulit ang lalaki, nag text uli ito.
Magreply ka nga> text na naman nito, na i send pa ito ng binata ng sampong beses.
kaya nag reply na si Sky.Denver's text:
Magreply ka.
Sky :
bakit anong kailangan mo?
Denver :
Ba't ka umalis kanina ng hndi nagpapalam sakin??????
Sky:
May gagawin kasi ako sa bahay kaya umalis na ako..... (lie)
Denver:
Talaga lng huh? baka kasi nahiya ka sakin??? :) :) :)
Sky:
Ba't naman ako mahihiya?
Denver:
Kasi hindi kita hinalikan??????? :) :) :)
Sky:
Ang kapal mo, hindi kaya.................
Denver:
Dinga????? :) :) :)Hindi na nag reply si Sky sa lalaki, napahiya siya, alam talaga ni Denver na naghihintay siyang halikan nito kanina.
Denver:
Pssssst. asan kana????? (send 20 times)Hindi parin nag reply si Sky. Kaya tinawagan siya ng lalaki, nagdadalawang isip si Sky kung sasagutin pa niya ang tawag ng binata , at sa huli sinagut din niya.
"Bakit?'. tanong niya sa binata.
"ba't hindi kana nagreply sa akin?". tanong nito
"Wala akong load". pagsisinungaling niya.
"Lumabas ka". utos nito.
"Ba't naman ako lalabas? gabi na".sagot niya sa binata.
"Nandito ako sa labas ng bahay mo." sagot nito. Sinilip niya sa bintana kung nadoon ba talaga ang binata. At nandoon nga ito sa kotse niya.
"Ano bang ginagawa mo dito". tanong niya sa binata.
'Basta lumabas ka dyan, puntahan mo ako". utos nito. Kaya napagpasyahan ni Sky na lumabas na lng. Binaba na niya ang telepono."Ano bang ginagawa mo dito?gabi na kaya". tanong ni Sky sa lalaki. Napatitig naman si Denver sa dalaga at dahil doon nagtataka si Sky. napatingin siya sa suot niya. "juice colored, naka short shorts lang siya at naka sleeve less shirt, kitang kita ang sexsi niyang katawan(pero echoss lang ang sexsing katawan)." sa isip ni Sky.
"Wag mo nga akong titigan ng ganyan". saway ni Sky sa binata. Hindi sanay si Sky na may nakatitig sa kanya. Nakalimutan niya kasing magbihis bago lumabas.
"Hindi naman kita tinitingnan ahh". sagot ni Denver na nakatingin parin sa kanya.
Nakita ni Denver ang sexsing katawan ni Sky. "Sexsi pala ang babaeng ito? sa isip ni Denver. Ang liit ng baywang ng dalaga, medium lng ang boobs nito pero bagay sa balingkinitan nitong katawan, ma umbok ang pwet nito at ang kinis pa nang legs nito. "May tinatago naman palang ganda ang dalaga, pero bakit kaya niya ito tinatago sa mga maluluwang na damit ". anang isip ni Denver. Napangiti si Denver dahil sa iniisip at nakita iyon ni Sky."Bastos, anong nginingiti mo dyan". inis na tanong ni Sky sa binata dahil hindi parin nito inaalis ang tingin sa kanya. Bigla namang natauhan si Denver sa sinabi.
"Magbihis ka at sumama ka sakin". utos nito sa dalaga.
'Bakit? saan na naman tayo pupunta? gabi na". sagot niya sa binata.
"Basta may pupuntahan tayo". sagot naman ng binata.
Agad na pumasok sa loob ng bahay si Sky at nagbihis. as usual sout na naman niya ang nakasanayan niyang damit. Bago lumabas inilock muna niya ang pinto at nag text sa Tita niya na aalis muna siya at may pupuntahan siya kasama ang kaibigan niya.Papunta na si Sky sa kotse ng binata nang bigla itong nagsalita.
"ano yang suot mo?". tanong nito sa kanya.
"Bakit? ano bang meron sa suot ko? palagi namang ganito ang suot ko?bat ka nagtataka?. tanong naman ng dalaga sa binata.
"wala lng mas bagay sayu ang sexsing damit kaysa diyan sa suot mo ngayon". paliwanag nito sa kanya at pumasok na sa kotse nito, sumunod naman ang dalaga.
"Hindi ako komportableng mag suot ng ganun pag nasa labas ako". sagot naman ni Sky sa binata. Habang nagmamaneho ang binata. sumusulyap sulyap si Sky dito at pag lumingon naman ang binata sa dereksyon niya bigla niyang ibabaling sa labas ang paningin niya. ganun lang ang ginagawa niya habang nasa byahe sila. Bigla namang nag ring ang phone niya tiningnan niya kung sino ang tumawag ,si Tiffaney."Hello". sagot niya sa telepono.
"Asan ka?" sagot ng nasa kabilang linya. "nakalimutan mo ba na ngayon tayo lalabas with Yssa? i te treat ko kayo". dagdag pa nito. Nakalimutan ni Sky na may usapan pala sila ng kaibigan.
"Naku Tiff, hindi ako pwede ngayon, may importante akong ginagaw eh, kasama ng Tita ko". pagsisinungaling niya sa kaibigan.
'Ahh ganun ba? sige its okey sa susunod na lng tayo gagala, tatawagan ko muna si Yssa na hindi tayo matutuloy". sagot ni Tiffaney .
"Naku, wag, pwede naman kayung tumuloy, kayu na lng ni Yssa, ayuko namang ma postpone yan dahil sa hindi ako pwede". pahayag ni Sky sa kaibigan.
"Ahh okey, sige sky, Bye". paalam ng kaibigan sa kabilang linya.
"Bye".paalam din niya sa kaibigan .
At pinindot na niya ang end button."Sino yun?". tanong agad ni Denver sa dalaga.
"Si tiffaney, may usapan kasi kami na magkita ngayon gabi kasama si Yssa". sagot niya. "Pero hindi na natuloy kasi sinama mo ako". paliwanag niya.
"Ba't ka nagsinungaling sa kanya? ba't hindi mo sinabi na kasama mo ako". tanong nito.
"Ayoko nga, ano na lng iisipin nun, na pinagpalit ko sila para makasama ka lng?? no way". sagot ng dalaga.
"Totoo naman na pinagpalit mo sila diba?". tanong na naman ng binata.
"hindi kaya, anong pinagsasabi mo diyan, pwede ba akong tumangi kung ikaw ang mag uutos? diba hindi , kasi nga SLAVE mo ako?". paasik na sagot niya sa binata, dahil sa kabilang banda para namang totoo na pinagpalit niya ang kaibigan, dahil mas gusto niyang sumama sa lalaki kaysa sa mga ito. (lintik na heart ito).'"mabuti at alam mong hindi ka talaga pweding tumangi sakin kasi may usapan tayo". sagot naman nito.
"Sabi ko nga". sagot naman ni Sky."Nandito na tayo". anang binata at saka bumaba sa kotse, sumunod naman si Sky dito. Pagtingin ni Sky sa paligid ,natanto niyang nasa isang beach house sila.
"Anong ginagawa natin dito? saang lugar ba ito?". tanong niya sa binata habang sumusunod dito.
"Nasa beach house ni Drey tayo." sagot nito sa dalaga.
"Eh, anong gagawin natin dito?". tanong na naman ni Sky sa binata.
"Ba't ang dami mong tanong? sumunod ka na lng sakin". naiinis na sagot ng binata dahil sa dami niyang tanong dito. Papaano siya hindi magtatanong ,eh hindi niya alam ang lugar na ito at kung ano ang ginagawa nila dito.Pumasok sila sa isang malaking bahay, ang laki ng bahay ang ganda pa, ngayon lang siya nakapunta sa mga ganitong lugar. Pagpasok nila sa loob nakita niya ang The kings, kompleto ito at may mga kasama pang mga babae. "Ano to?". natanong ni Sky ang sarili.
"Hey bro bakit ngayon lng kayo?'. tanong agad ni Drey sa kaibigan habang nakabitin ang isang maganda at sexsing babae dito. Napansin din ni Sky na naroon si Bernice.
"Sinundo ko pa kasi ang alalay ko". sagot ng binata saka tumingin sa kanya. "Ipaglandakan talaga ng paulit2x na alalay lang siya? nakakainis kana denver huh? kung hindi lang kita gusto baka na karate na kita". anang isip ni Sky.
"Okey, lets go". paanyaya ni Drey sa kanila. Wala talagang ka alam alam si Sky kung anong ginagawa nila dito.
BINABASA MO ANG
MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)
Ficção AdolescenteThe love story of a Rich guy Denver Castillo and the poor girl Sky Sebastian. Their story started when Sky got a scholarship from the famous School where Denver is currently enrolled.