Hello, everyone! This story is for my good friend. Thanks for the wonderful story you made for me. Pagpasensyahan mo na ang story na ‘to. Out of the blue lang habang nagkaklase. :)
♥Azmaria♥
Busy sa pagwowork-out si Alice. Napapansin kasi n'yang parang tumataba na s'ya. Noong isang linggo ay nagkita-kita silang magkakaibigan at napag-usapan nga nila ang tungkol sa diet.
"Kailangan ko na yatang mag-gym. Tumataba na ko eh."
"Ako nga din tumataba eh. Kailangan ko na din mag-diet." si Xandra, ang pinakamadaldal sa kanila.
"Eh, kung mataba na kayo ng itsura n'yong 'yan? Ano pa ko? Super?" sagot naman ni Carmy, may pagkatahimik pero dumadaldal din naman paminsan-minsan.
“Iba ka naman. Matangkad ka kaya. Ok lang sa ‘yo yung ganyan. Eh sa ‘min ni Xandra? Kulang na nga sa height tapos chubby chubby pa. Pangit naman tingnan nun.” sagot ko sa sinabi ni Carmy.
Nang araw na ‘yon, MISMO! Napag-isipan ko na mag-gym na talaga at nang mabawasan naman ako...ng weight hindi ng height ha! Kaya heto ako ngayon, nagwowork-out.
“Sa wakas, natapos na din.” naibulong ko na lang ng matapos ang session ko. Nagpalit na ko ng damit at ready ng umuwi. Nang palabas na ko ng gym may nakabanggan ako.
“Ay, sorry!” Ay, gwapo!
“Sorry din.” at dumeretso na ito sa loob ng gym. In fairness! Ang ganda din ng voice.
Ok din pala ang pagpunta ko sa gym eh. Makakapag-diet na ko. May inspiration pa!
Nang mga sumunod na pagpunta ko sa gym. Hindi ko pa ulit nakikita sa Mr. Fafables ko. Nasaan na kaya ‘yon? Tapos na ang session. Pauwi na ko nang...
“Sorry.”
Ay! Nagkabanggan ulit kami ni Mr. Fafables. But this time nauna na siyang mag-sorry.
“Sorry din.”
Ngumiti ito. Shocks! Mas lalong naging gwapo! “Ikaw din yung nakabanggan ko last time.”
Oh, naalala niya ko! “Oo nga ‘no. What a coincidence!”
“Palagi kang nandito?”
“Every Saturday lang. Ikaw?” Hahaha. Chance ko na yata ‘to.
“Ah, araw-araw akong nandito.”
“Talaga?” Eh bakit minsan lang tayo magkita? Mailap much??
“Oo. Parents ko may-ari nito. Tsaka ginagamit namin ng grupo ko yung dance studio sa taas.”
Ah, kaya pala. Sosyal! “Mahilig kang sumayaw?"
“Oo. Palagi nga kaming sumasali sa competitions eh.”
“Nananalo ba naman kayo?” nadulas yung pasaway kong dila. Baka isipin nito minamaliit ko sila.
Tumawa lang ito. “Minsan maswerteng nananalo. Pero okay lang ‘yon. Dagdag experience din.”
Napaka-optimistic naman niya.
“Ano nga palang name mo?”
“Ah, Alice. Eh, ikaw?”
“Spencer.” nakipagkamay pa ‘to. Swerte!
“Sige. Mauuna na ko. Kailangan ko ng umuwi eh.”
“Hatid na kita.”
“Sa’min?” instant tanong ko.
Nangingiti itong sumagot. “Sa may sakayan lang.”
“Ah.” Ah, ok medyo napahiya ako dun ha. Assuming ka kasi masyado, Alice!