Gusto ko mabasa ang isip ng tao. Ito na lang. Ito na lang ang kapangyarihang aking pipiliin.
Gusto kong malaman kung, tulad ko ba, eh, salita rin ng salita ang kanilang diwa. Na kahit ang iniisip ko'y katahimikan, kawalan, di ko maiwasang ito'y lapatan ng tunog - maaring 'kru-kru' ng kwago o 'tik-tok' ng relo.
Gusto kong malaman ang kanilang emosyon - yung tunay; hindi yung nakikita sa mukha. Gusto kong malaman kung sino sa magaganda ang tunay na maganda; kung sino sa mga gwapo ang gwapo nga talaga. Hindi naman kasi lahat ng ipinapakita ng mukha ay syang tunay na nadarama.
Gusto kong mabasa ang isip ng iba - yung mga di kagandaha't kagwapuhan. Gusto kong malaman kung kabaliktaran ba ito ng kanilang hitsura.
Gusto kong malaman kung ano ang madalas nilang isipin lalo na kapag nasa kapwa ang tingin. Tinitignan ba ng lalaki/ tibo ang babae, ng babae/ bading ang lalaki na may saplot pa sa katawan o nakahubad na?
Hindi ba parang masaya kung mababasa mo ang isip ng iba?
Sa korte, alam mo na kagad kung aling kliyente ang nagsasabi ng totoo.
Hindi lang matalik na kaibigan ang turing sa iyo kung nakakabasa ka ng isip. Espiya ka rin nya. Isang matalik na espiya na lubos ang paghanga sa kakayahan ng boyfriend ng kaibigan sa paggawa ng mga pasubali wag lang malamang may nilalandi itong iba.
Magsugal ka man hindi ka uuwing talunan dahil alam mo kung na kanino ang alas; alam mo kung saan ka pupusta, babakas.
Sumali ka sa Who Wants To Be A Millionaire?, Game Ka Na Ba?, Deal or No Deal tiyak kong mananalo ka.
Marami. Marami kang matutuklasan sa tao kung meron ka nito. At hinding-hindi mo sila masasaktan ng kapangyarihan mo liban na lang kung ipagsasabi mo. Sarili mo lang ang masasaktan.
'Truth hurts' ika nga nila. Pero para sakin, ang proseso ng pagtatanggal, pagbabalat ng kasinungaling bumabalot dito ang pinakamasakit sa lahat.
Ito ang gusto kong matuklasan.
Ano yung mga kasinungaling bumabalot sa tao? Ano yung ayaw nilang malaman? Ano yung ayaw nilang ipakita? Ano kaya iyon mahal kong ina?
Gusto kong malaman, bakit ginagabi ka ng uwi. Gusto kong malaman ano ang ginagawa mo sa tuwing mahimbing akong natutulog sa gabi.
Gusto kong alamin saan ka nagpunta, dala pa ang mga kapatid ko, nung isang Linggong ako'y nagsimba sa Antipolo.
Hindi mo alam kung gano ako nadismaya sayo. Marahil alam ko ang kasagutan - may iniibig ka. Ngunit hindi mo sinasabi kung sino o kung ilan sila! Wala ba akong karapatang malaman ang bagay na iyon? Sa tingin mo ba'y wala pa akong malay?
Bente dos anyos na ako, Ma. Matanda na. Kwarenta'y tres ka na. Ngunit kung mamuhay ka'y dalaga.
Gusto kong ipaalala sayo na apat na ang mga anak mo (o baka magiging lima na?); ikaw na lang ang buhay at naturingang panganay pa ng mga magulang mong uugod-ugod na, nilayasan mo pa.
Marahil hindi ako ganito kung nagpaalam ka man lang sana nang maayos. Oo nga't sinabi mong magsisimba lang kayo ng mga bata. Ngunit isang linggo na ang lumipas, Ma! Ang haba naman ng pagdarasal mo.
Dasal.
Ha!
Naalala ko tuloy noong nasa Leyte pa tayo. Naisugod ka sa ospital nun. Hindi mo kami kasama; ipinaiwan sa kapitbahay na hindi naman namin kilala. Habang nanunuluyan, pinagdasal ko sa Dyos na buhayin ka. At sa awa naman nya'y binuhay ka!?
Masugid akong nakikinig sa iyo, habang nananghalian, tungkol sa pagbisita mo sa langit. Kung paanong kay puputi ng mga suot ng anghel; kung gaano kaliwanag ang kalangitan; kung gaano kabuti ng Dyos sayo na binigyan ka ng pangalawang buhay at pagkakataong ayusin na ito.
Umayos ba, Ma? Kasi, sa nakikita ko, bumalik ka rin sa dati.
Kung nakakaramdam ka ng lungkot o lumbay, bakit hindi mo sa amin iiyak iyan, iyakap yan? Bakit hindi mo ipasa-Dyos iyan? Hindi yung isusumpong mo sa isang lalaki na kaunting panahon mo pa lang nakasama eh, pakiramdam mo'y kayo na noon pa.
Parang sampal iyon sa amin, Ma. Mas pinili mong maging masaya sa piling nya kesa sa sarili mong pamilya. Sinampal mo ang Dyos, Ma, na syang umasang magbabagong buhay ka yun pala'y hindi pa.
Hindi ako magpapakalasing. Hindi ko sisirain ang buhay ko dahil sa ginawa mo. Hindi pa. Inaalala ko lang ang kapatid ko, yung anak mo, baka hindi sya kasing tatag tulad ko na idinadaan lang sa pagsusulat ang dalamhati. Baka idaan nya ito sa ibang bagay - sa lubid o di kaya sa kutsilyo, sa alak o wag naman sana... sa lalaki... tulad ng ginawa mo.
Kaya gusto kong mabasa ang isip ng tao.
Gusto kong mabasa ang iniisip mo at ang maaari mong isagot sa tanong kong,
"Bakit? Bakit mo kami iniwan?"
"Did you care? Did you really care?"Reflections of your love have come to wither
I thought I've done my best to memorize...
A picture fades of you and I together
I haven't come to terms with how we said goodbye...
Did you really care, care enough for me?
Did you really care, did you care at all for me?
A displaced little boy wept years in silence
And whispered wishes you materialize
He pressed on night and day to keep on living
And tried so many ways to keep his soul alive
Did you really care, care enough for me?
Did you really care, did you care at all for me?
If I'm not quite good enough or somehow undeserving of a mother's love
You could have had the decency to give me up before you gave me life...
Don't you even care just the slightest, little thing for me?
Coz I really need to feel you care even once upon a time for me...
I need to believe in my heart of heart of heart you care for me
I need to understand why you left me there so helplessly...
Don't you even care, care at all for me?
Reflections of your love have come to wither
I thought I've done my best to memorize...
BINABASA MO ANG
Collection of Essays
Non-FictionEssay is a short piece of writing on a particular subject. This is a collection of essay that I'll try to pile up whenever I feel the need. It expresses my inner most thought, opinions and ideas about love, family and life in general.