Jyx's POV
Sa harap ng panganib ay matapang na hinarap ng mga tribe warriors na ito ang mga insekto at mga masasamang kaluluwa.
Alam man nilang hindi sila makakaalis dito ng buhay ay hindi pa din natinag ang kanilang dibdib.
"TIGIIIIIIIIIIIILLLL!!!"
1/4 ng halos isang daan na myembro ng kalabang partido ang mabilis na namatay mula sa mga insekto at kaluluwa.
Ang natira'y matapang man na hinarap ang bangungot na nasa harap nila ay makikita mo pa din ang pagkabaliw at pangangatog ng mga tuhod nito.
Tumigil ang lahat at sabay sabay ang mga ito na tumingin sa direksyon ko.
"Matandang babae! Lumapit ka sakin."
Nagulat ito ng tinawag ko't nanlaki ang mga mata nito.
Nanginginig-nginig ito at naninilaw ang gitna ng pantalon nito na kulay puti.
Masangsang ang amoy nito't patuloy pa din na natulo ang dilaw na tubig mula dito.
"Anong lugar ito at sino kayo."
Nag-alangan itong sumagot sa una ngunit binuo nito ang dibdib niya't naglakas loob na sumagot.
"Ma- ma --maawa kayo sa amin..." mahina nitong sagot sa akin.
"Anong class mo?"
Nagulat ito saglit ngunit nawala naman agad ang bakas nito sa kanyang mata.
"Wind Shaman po!"
Wind Shaman? Hmmpf.
Saglit akong nag-isip at napangiti agad ako sa ideyang dumampisa utak ko.
"Anong pangalan mo?"
"J'rah!" sagot nito sa akin.
"J'rah.... Gusto mo bang maging parte ng pamilya ko?"
Natigilan ito.
Nanlaki ang mga mata nito at kasabay nito'y makikita mo ang pagtataka at pagsususpetsya.
Saglit itong nag-isip at yumuko.
"Kung tutulungan niyo po kami!"
"Saan?"
Akala daw nila ng una ay mga taga ibang tribo kami o mga helper ng ibang tribo. Dito kasi sa Madagascar ay may labing-limang main tribes bago pa dumating ang mga dayuhan noong unang panahon.
Ang susi naman na pilit kinukuha ng mga ito ay labing-lima din. Magagamit ang susing ito sa Grand Tsingy na tinatawag din na banal na lugar kung saan matatagpuan ang pinto na may labing-limang kandado. Sa likod daw ng pinto ay matatagpuan ang halimaw na tagabantay ng kapangyarihan na itinago ng kanilang diyos upang manahin ng makakapatay sa halimaw.
Sumalin-salin na daw ito sa mga ninuno nila until the present generations. Kung dati ay walang maglakas ng loob, iba na ngayon lalo na noong makatikim ng mga iba't ibang kapangyarihan ang mga labing-limang tribo!
Pinabagsak ng mga ito ang maliliit at malalalaking mga syudad hanggang sa ang mga natira na lamang ay ang labing-limang tribo at limang guild.
Ngunit noong una lamang ito, hanggang sa ipakita na ng mga ibang tribo ang intensyon nilang likumin at kolektahin ang labing-limang susi lalong lalo na ng mawala ang tutorial!
Tang ina kasalanan ko pa ata!!!
Sa ngayon daw ay mayroon na lamang tatlong guild at limang tribo!
Ang mga guild ay nakipagsanib sa mga tribo upang lumakas ang kanilang mga pwersa. Noong una ay inakala daw nilang guild kami na hawak ng kalabang tribo!
Pero porke sinabing guild hindi ibig sabihin ay pare-parehas na ng mga skill kagaya namin kaya bigla siyang nag-alangan kung talagang guild kami na kasapi ng mga kalabang tribo.
Tama ang hinala ko, hindi ito katulad ng mga clan na kapag ginawa ay may world announcement. Siguradong ang pinakaunang guild lamang ang may right na magka-world announcement. Tama ang conclusion ko kasi since ng mai-announce ang The Emperors. Wala ng sumunod na guild ang nai-announce.
Tinanong ko siya kung bakit hindi pa din sila na-eexterminate sa hina ng pwersa nila.
Kumunot ang noo nito't tila na-offend. Hahaha
Ito'y dahil sila daw ang tagabantay ng pinto at ng banal na lupain. Siguradong sila ang ihuhuli.
Ayon sa mga lumang kasulatan ay kung sino mang makakolekta ng labing-apat na susi ay kusang ibibigay ng pinuno ng mga tagabantay ang pang labing-lima bilang trabaho ng tagabantay.
Ngunit sinong ayaw ng kapangyarihan?
Kaya namomroblema sila if ibang tribo ang makikinabang kung mismong nasa harap na nila ang pinto patungo sa kayamanan.
Hiniling kong makita ang susi. Hindi ito mukhang susi, isa itong medallion na may mga makalumang sulat na nakaukit dito.
"Tinatanong kita? Gusto mo bang maging parte ng pamilya ko J'rah?" sinabi ko ito na tila demonyo na nakangiti sa kanyang mabibiktima.
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Science FictionAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...