Scrapbook

34 0 0
                                    

C H A P T E R  O N E : A Year Without Rain

- -

“Tiiiiiiiiiiiiin! Scrapbook ba yan? Pasagot ako tapos mo haaaa!”

 

“Ako diiiin!”

 

“Oyyy ako next diyan!”

 

Hayy. Nauso na naman ang scrapbook?

- -

Ako nga pala si Lynette Diaz. Lyn na lang. 4th year High School. At eto ako nakatulala sa kawalan. As usual, boring ang first subject. At hayan na naman, nauso na naman ang salitang, “Scrapbook ba yan? Pasagot ako haa!”

 

Hindi ito love story kaya wag kayong mag-expect. Dahil wala akong ka-love team sa storyang ito, okay? Boring ang buhay ko.

“Lyn! Sagutan mo naman itoooo, pleaseee. Pleaseeee!!”

Tss. Eto na naman ako, magsasagot sa scrapbook. Kailan ba ko huling nagsagot nito? Elementary? Nakakamiss din pala, noh?

Name:

Nickname:

Birthday:

 

etc..

 

Pagkatapos ko magsagot, binalik ko na yung scrapbook sa kaklase ko. Ilang months na lang pala, graduate na kami. Ang bilis ng araw, ni hindi ko namalayan. Sayang ang mga panahong hindi ko pinagtuunan ng pansin ang oras.

Nakakatawa noh? Dati, naglalaro ka lang ng piko, patintero o kaya naman luksong baka sa labas ng bahay niyo. Minsan pa nga, nagkakayayaan kayo magchinese garter. Kung wala kayong garter, pagbubuhulin niyo ang sandamakmak na goma. Diyan papasok ang limbo rock at ten twenty.

Nakakamiss ba maging bata? Sobra.

Hindi mo namalayan, malapit ka ng makapagtapos ng grade six.

Ayan, 1st year High School. Nagsimula na tayo magdalaga at magbinata. Nagmature na tayo. Kung dati ang hawak natin eh candy lang, at masaya na tayo. Ngayon, cellphone at computer na. Minsan, hindi pa tayo makuntento sa kung anong meron tayo.

Lumipas ang ilang taon, gagraduate ka na naman. 4th year High School. Minsan ba naisipan mong balikan ang dati? Kung ako ang tatanungin mo? Oo, naisip kong bumalik sa dati.

Dati, ang ganda ng paligid. Ang aliwalas tingnan. May mga batang masayang naglalaro sa labas kahit madumi na sila. Maraming nagtitinda ng kung anu-ano. Syempre, hindi mawawala diyan ang mga taho, kwek-kwek, halo-halo, dirty ice cream at fishball. Marami ding nagtitinda ng barbeque, banana que at kung anu-ano pang meryenda.

Ngayon, may makikita ka pa bang mga batang naglalaro sa labas? Ehh mga nagtitinda ng kwek-kwek, fish ball o banana que? Kakaunti na lang di’ba? Kaunti na lang mawawala na yang mga yan.

Nasan na sila? Masaya ba ang buhay kung puro upo na lang tayo at maglalaro sa harap ng itim na screen? Magpipipindot sa mga alpabetong nakaukit sa itim na plastik?

Sandali lang ang buhay. Wag nating sayangin ang mga oras na ginugugol natin sa harap ng itim na screen. Hindi masama kung paminsan-minsan; hindi naman nakakabuti kung aaraw-arawin natin.

Para san itong storyang ito? Wala lang. Gusto ko lang balikan ang dati.

“Ang dating hindi ko na pwedeng maibalik o mabalikan. Ang dati na lumipas na.”

 

Huminga siya ng malalim. Tumingin siya sa labas ng bintana.

“Oy Lyn! Ang lalim ng buntong-hininga mo ah!”

Hindi niya pinansin ang kaklase niya. Sinasabi niyo bang loner ako? Siguro. Wala na tayong magagawa. Basta ako? Gusto kong maibalik ang dati. Sinasabi niyo bang  kung umasta ako akala mo eh hindi ko napapakinabangan ang pagbabago?

Oo, gumagamit din ako niyan. Pero hindi ako masaya. Tinutulungan lang ako nito maging tamad. Kung sabagay, nasa atin naman iyon di’ba?

Basta isa lang ang masasabi ko.

“Wag nating sayangin ang oras. Hindi natin namamalayan, nalagpasan na natin ang dapat eh huminto na pala tayo. Wag nating gawing komplikado ang lahat. Make it easy and enjoy life.”

                      - Lyn

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ScrapbookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon