Story 2- Pinaasa mo lang ako!
Hey! I am Kate. May crush ako...I mean mahal ko na pala siya. Siya si Erick. Ang gwapo niya talaga. Bestfriend kami niyan. Ang sweet sweet niya. Sa morning, magte-text sa akin yan ng "Good morning (^ . ^)." Pag dating ko sa school, nakaabang yan tapos, kukunin niya yung mga gamit ko, para buhatin. Pag naman down ako. Ililibre niya ako at sasabihang 'kaya mo yan' with matching smile pa. Sinasabihan niya din akong maganda at iba pang positive comments.
Ang pinakanakakakilig nga lang ay eto...
Noong sinabi niyang 'Ayaw daw niya akong mawala sa tabi niya, dahil daw napakahalaga ko daw sa kanya' o di ba? Feeling ko nga may gusto yan sa akin, di lang yan makaamin. Balak kong paaminin yan. Kung hindi niya kaya, baka ako pa nga ang magsabi.
"Kate, punta naman tayong mall?" tanong ni Erick.
"Sure!" sagot ko. Ano kayang pakulo niya?
So, yun nga pumunta kaming mall. Napatanong siya kung anong gusto ng mga kababaihan or ang ibig niya bang sabihin ay kung anong gusto ko. Sabi ko naman yung bracelet.
Pumunta kami sa may Jewelry Shop. Pinapili niya ako ng bracelet. Sabi niya. Kung sakaling bibigyan niya ako. Ano daw ang gusto ko? So kung sa akin yun, ang gusto ko ay ang bracelet na 'to. Isa siyang simpleng bracelet na may heart na nakapaligid. In short, ang ganda niya nag-giglimpse yung diamond sa loob. Pagkapili ko. Di niya binili. Tumango lang siya at niyaya na ako para kumain.
Pagkakain namin, agad siyang nagpaalam para mag-CR daw. Kaso, wala akong magawa, kaya sinundan ko na lang siya. Mag-CCR din kasi ako. Pero, napansin kong hindi pala siya papunta sa CR 'kundi sa Jewelry Shop na pinuntahan namin kanina. Panira naman ako ng surprise. Alam ko na kasi. Siguro aamin na yan na mahal niya ako.
Para di niya malaman. Bumalik agad ako sa dati naming pwesto at pasimpleng umupo sa bench.
Pagkabalik niya, umuwi na kami.
Mga ilang months din, di niya pa binibigay. Kaya aamin na ako. Sabi niya kanina may pupuntahan daw siya. So nagtanong ako kung saan. Sabi nila nakita daw nila si Erick na papuntang garden.
Nagulat pa nga siya nung nakita niya ako. Lumapit siya sa akin at inabot yung isang box. So, binibigay niya sa akin?
"Pahawak!" Pahawak? Ha?
Kumuhuha siya ng bouquet of roses. Ayun naman pala!
Nang bigla niyang bawiin at humarap sa isang babaeng kakarating lang. Sa pagkakaalam ko, siya yung nanalong muse. Yung kapartner ni Erick dati.
Lumuhod siya. "Mika, para ka talagang diyosa. Nabihag mo kasi yung puso ko. Di na tuloy kita maalis sa isipan ko. Alam mo kung bakit? Kasi ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. I love you, Mika. Can you be my girl?" tumango naman ang babae at nagyakapan sila tsaka binigay ni Erick ang napili kong bracelet at bouquet of roses sa babae. Ouch! So sila na? Ano ako? Kaibigan....
Di ko na kinayanan kaya tumakbo ako palabas. Napansin naman niya ito kaya hinabol niya din ako.
"Kate, ano bang problema mo?"
"Ikaw. Ikaw yung problema ko. Bakit di mo sinabi sa akin?"
"Nakita mo naman di ba? Bakit ka ba nagkakaganyan?"
"Umasa ako Erick! AKALA KO MAHAL MO AKO. Pero, hanggang AKALA lang yun. Minahal kasi kita. Di mo ba yun alam? Di mo ba yun napapansin? Umasa ako. Mahal mo din ba ako?" this time, umiiyak na talaga ako.
"I'm sorry Kate, pero may girlfriend na ako at mahal ko siya." tama nga naman sino ba ako para utusan siyang mahalin ako e KAIBIGAN lang naman niya ako at may GIRLFRIEND NA SIYA.
"Kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo. Yung special. Mahal kita. Mahal kita bilang kaibigan."
Edi, wala na akong nagawa kun'di tanggapin na BEST FRIEND LANG AKO. Ang sakit umasa. Tapos, sa huli ikaw pa yung bigo.
Akala ko sa lahat ng pinakita niya. Sinasabi niyang mahal niya ako. Mahal na hindi para sa isang kaibigan lang. Kung hindi sa taong mamahalin niya habang buhay. At gusto ko ako yun. Pero, wala na. Huli na ang lahat. Di niya talaga ako kayang mahalin ng higit pa sa kaibigan.
Ang sakit. Akala ko talaga mahal niya ako. Di ko tuloy alam ang gagawin ko. Ang hirap tanggapin. Paano ba mag-move on?
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
BINABASA MO ANG
Kuwentong Friendzone
Short StoryKwentong Friendzone Alam mo yung love na yan sakit sa ulo. Pero pag tinamaan ka, yan nga ang bagay na makakapagpasaya sayo. Minsan lang kasi yan dumating. Kaya, sabi nila grab the opportunities. Ang masakit lang ay yung aasa ka sa taong minahal m...