One sided Love, Ito yung tipo ng Love na ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa. Give and take kumbaga. Ikaw yung give ng give habang sya naman, Take lang ng take. Isa pa sa pinakamasakit na parte ng pagmamahal ay yung kahit alam mo ng nasasaktan ka. Patuloy ka pa ring nagmamahal.
----------------------------------
Xairus: "Amoy ni Cram yun ah"
[Tumingin tingin sa paligid para hanapin si Cram. At, Si Cram nga!]
Xairus: "Uy, Si Cram nga!" "Naks naman! Grabe! Solve na araw ko!"
********
Stella: Bhest, Tingin ka sa likod mo may papunta sayo.
Cram: Sino?
Stella: Sino pa ba? Edi yung number one fan mo!
Cram: Ha?
[Tumingin sa likod at nagulat! Nakita si Xairus na may dalang juice at pagkain]
Xairus: Hi Cram! Hi Stella! ^__^ Nga pala Cram, Eto na yung pagkain at juice mo.
Cram: Xairus? Di naman ako nagpabili ng pagkain ah.
Xairus: Alam ko kce pag ganitong oras na, gutom ka na eh.
Cram: Grabe naman! Pero sige, Maraming Salamat. :)
Xairus: Kailangan kong gawin to. Okay lang naman sakin kahit di mo matanggap yung pag ibig ko sayo eh. Ang importante lang naman, maipakita ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin.
Cram: Pero hindi okay yun! Hindi Fair! Sorry Xairus ha! Pero, itigil mo na! Ikaw lang din ang mahihirapan!
Xairus: Pero, Okay lang naman kahit mahirapan ako eh.
Cram: Hindi! Tama na Xairus! Stella, Tara na!
[At, iniwan si Xairus na mag-isa]
**********************************
[Kahit masakit at mahirap sa parte ni Xairus, Lumayo sya kay Cram pero isang insidente ang nangyari at nakapagpabago ng lahat]
Cram: [Sinundan ng dalawang lalaki]
Guy#1: Hi Miss! Ang ganda mo naman! Sama ka na sa amin!
Guy#2: Tara! Miss! Sama ka samin!
[Hinawakan ang braso ni Cram]
Cram: Bitawan niyo nga ko! Di ko naman kayo kilala ah!
Guy#2: Sama ka nalang samin!
[Biglang dumating si Xairus]
Cram: Xairus!
Xairus: Anong ginagawa niyo sa kanya?!! Bitawan mo siya!
Guy#1: Ang yabang mo naman! Sino ka ba?
Xairus: Di ka ba nakakaintindi! Sinabi ng bitawan mo eh!
Guy#2: Tama na nga pre! Balik na tayo! Pakielamero! Panira!!
***********************
Xairus: Sa susunod, Wag ka kceng maglalakad ng mag-isa!! Sorry kung nagpakita ulit ako sayo! Sige, una na ko! Mag ingat ka na lang!
Cram: Xairus! [Umiiyak]
Xairus: Bakit? Bakit ka umiiyak?
Cram: Thank you!
Xairus: Wala yun.
Cram: Hinde, Thank you! Thank you sa pagligtas sa'kin, Thank you sa love mo. Thank you.
Xairus: Diba sabi ko naman sayo, Okay lang masaktan ako, wag lang ikaw.
Cram: Sorry ha, Hindi ko inintindi yung feelings mo. Sorry, di ko inisip yang nararamdaman mo. Sorry.
Xairus: Okay lang yun. Siguro, tanggap ko na, na hindi na mabubuo yung one sided love ko sayo. Sige, una na ko.
Cram: Xairus, Sandali!
Xairus: May sasabihin ka pa?
Cram: Kung okay lang, Pwede bang ako na lang ang pumuno nung other side ng one sided love mo?
Xairus: Syempre! Ou! YESSSSSSSSSSSS!!!!!!!!!!!
THE END!
***********************
Hope you like it! XD
