Chapter 5
Tatawa-tawa lang si Rafael pagkalabas ni Emerald sa opisina. "I she always like that?" Sabay porma ng upo sa harapan ng desk ng kaibigan.
He shook his head. "Not at all. Mabait na tao si Emerald."
"What I mean is... Her looks." Pagtatama ni Rafael. "Alam mo, sayang siya. Ang ganda niya pero nasisira dahil sa porma niya."
Sinasabi ko na nga ba at hindi lang ako ang nakakapansin na maganda si Emerald. He said to his thoughts. "Maganda si Emerald kahit ano pa ang suot niya."
Napapaisip si Rafael. "Does she have a boyfriend?"
Tila hindi nagustuhan ni Tyrone ang tinanong na iyon ng kaibigan. "Bakit interesado ka yata?"
kibit balikat si Rafael. "I'm just curious... And intrigue." Ngumisi siya matapos. Unang beses pa lang niyang makita ang dalaga ay agad na napukaw nito ang attention niya. Hindi niya rin mawari sa sarili kung ano ang meron kay Emerald at tila na-curious siya rito. Hindi si Emerald ang tipo niyang babae pero... He's really intrigue and he wants to get to know her. Actually, nung kinagabihan ay hindi siya gaanong nakatulog sa kaiisip kung makikita niya pa ang dalaga. Laking tuwa niya na dito lang pala sa publishing company ng kaibigan niya muling masusulyapan ang dalaga.
"Hey, If you're up to something better not even dare." He warned. "Kilala kita pagdating sa babae pare. Emerald is a good woman. She doesn't deserve to be fooled around." He brings emphasis to to 'good woman'
"Hey, good boy itong kaibigan mo." He paused for a bit. "So does she have a boyfriend?"Hindi malaman ni Tyrone ang isasagot. Kung pwede nga lang sabihin niya na layuan ang dalaga, pero hindi naman niya magawa. Emerald is not his in the first place. "I do know she dosen't have one."
Napahampas si Rafael sa mesa. "Great!"
"What are you up to bro?" Napataas ang isang sulok ng kilay nito. "She's not your type para pagaksayahan mo pa ng panahon."
"Sino bang may sabing liligawan ko siya." Rafael said. "Gusto ko lang siyang maging kaibigan."
Napapailing na lang si Tyrone. Di rin niya maiwasan ang ma-curious. Kailangan bantayan ni si Emerald. Kilala niya si Rafael. Matinik ito sa babae. Papano kung mahulog si Emerald sa carisma niya? Hindi niya ata yon kakayanin.
"Just don't make fun of her." Paalala niya rito.
"Whatever you say bro." He joked.
"Kailan ka kaya magseseryoso sa babae?" Parinig ni Tyrone na sadya.
"Kailan naman mawawala yang pagkatorpe mo?" Sabay tawa Rafael. Ganon din sa Tyrone."Anyway, I have to go." Rafael got up and made his way through the door. "I have a fish to catch."
Fish to catch? "Hey bro, I'm warning you. Don't mess with her."
Yun lang umalis na si Rafael.
What just happened? Parang mauunahan pa siya ng kaibigan kay Emerald. Kung bakit kasi sa tuwing kaharap niya ang dalaga ay lagi siyang natotorpe. He wish na sana hindi talaban si Emerald ng charisma ni Rafael.
***********
"Hello again." Rafael greeted Emerald with his best smile.
Kasalukuyang abala si Emerald sa kanyang ginagawa sa laptop niya. Naiinis talaga siya sa presence ni Rafael, kaya hindi na lang niya ito pinansin.
"Hi!" Tumitiling sabad ni Brenda. "Ako nga pala si Brenda Olivera. Graphic designer of CHOCOLATE MAGAZINE!" Sabay lahad ng kamay kay Rafael. "Nice to meet you."
BINABASA MO ANG
Never been Kissed
Любовные романыShe is... A geek who's. . . NEVER been noticed. NEVER been in a relationship And NEVER been kissed.