Chapter 6: Drifting Away I

661 14 1
                                    

Tumawag si Mika kay Ara, ayaw niya sanang sagutin pero naku-kunsensya siya dahil hindi niya ito hinihintay noong nagpunta siya sa bahay nila. 

Malamang ibinalita ni Teng na nagpunta ako "Hello?" sagot ni Ara

"DAKS! Bakit ka umalis agad? Ibe-bake ko pa man din yung paborito mo, nutella cupcake" 

"May kailangan kasi akong gawin, Mika. Next time na lang" 

"Sige" malungkot na paalam ni Mika, Bakit ba ganito si Ara? Nasasawa na siguro siyang lagi akong kasama! Isip ni Mika sa sarili.

*Flashback*

“Mika!!” bati ni Ara, yumakap ito agad, kakagaling lang niya nun sa Pampanga at dumiretso siya sa training. Alam niyang maaga lagi si Mika na dumadating sa training kaya’t inagahan niya rin.

“Clingy mo, daks!” bati ni Mika

“Di mo ko na-miss? Grabe ka naman!” sagot nito

“Na-miss!” niyakap siya ulit ni Mika, mas matagal bago nila binitiwan ang bawat isa.

“Bango mo, daks! Anong shampoo yan?” tanong ni Ara

“Dove, ikaw? Bakit iba na gamit mong pabango? Ayaw mo na nung binigay ko?” tanong ni Mika

“Ubos na kaya! Palitan mo na nga!” sabi ni Ara habang naka-akbay pa rin kay MIka

Natawa si Mika, “Bili-bili din kasi”

“Ehem, ehem” bungad ni Kim ng makita ang dalawa “Wafs, kayo lang magkaibigan?”

“Wafs! Na-miss kita” bati ni Ara at nakipag-high five ito kay Kim

“Sa akin appear lang, sa kanya yakap?” pang-aasar ni Kim

Yayakapin na sana ni Ara si Kim pero tumanggi ito “Choosy ka pa, Wafs?” tanong ni Ara

“Wag na, magseselos pa si Mela!” sagot ni Kim.

*End of Flashback*

“Close naman kami ni Ara dati e” kwento ni Mika kay Jeron habang pinapanuod siya nitong mag-bake, ginawa niya ulit ang nutella cupcake at balak niya itong ibigay kay Ara kapag nagkita sila sa school.

“E baka may girlfriend o boyfriend na si Ara?” tanong ni Jeron

“Girlfriend? Hindi naman siya..” natigilan si Mika, hindi ko pala alam, hindi naman nagsasabi si Ara kung ano ba talaga ang gusto niya, kahit kailan ay hindi siya nagsabi ng crush sa akin o nagkwento tungkol sa lovelife niya. “Baka nga” dagdag ni Mika

+++

“Daks! Daks!” sigaw ni Mika ng makita si Ara na naglalakad sa corridor, hindi siya nilingon nito, marahil ay hindi siya naririnig “ARA GALANG!” sigaw pa niya, wala pa rin. Hinabol niya ito, naabutan naman niya at tinapik sa balikat.

Nagulat si Ara, tinanggal niya ang earphones sa tenga niya, “Oh?” tanong niya kay Mika.

“Usap naman tayo, busy ka ba?” sagot ni Mika

“Uhm, medyo busy e. Kailangan ko magpunta sa library, tatapusin ko pa yung paper sa major” dahilan ni Ara

“Ay ganun ba? Punta na lang ako mamaya sa dorm niyo!”

“Pupunta ako mamaya sa UST, nagpapatulong kasi sila FO sa booth nila”

“Sama ko!” dagdag ni Mika

“Ahm, text mo siya! Basta pag pumayag, kita na lang tayo don. Sige, una na ako” paalam ni Ara.

Nakakainis ka, Victonara! Ako na nga gumagawa ng paraan ikaw pa yung iwas ng iwas? Ayoko na. Bahala na, hahanap na lang ako ng ibang bestfriend! Sabi ni Mika sa sarili habang pinagmamasdan si Ara na palayong naglakad. Sayang yung ginawa kong cupcake! Ipapamigay ko na lang kina Kim.

“Sorry, Ye. Naiinis lang ako kapag magkasama tayo, ayoko naman magalit sayo kaya mas mabuti na muna yung hindi tayo magkasama” sabi ni Ara sa sarili.

+++ 

Mika Reyes & Ara Galang Fan Fiction: Loving Without LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon