UTANG NA LOOB LANG! PAKIBASA MUNA ANG AUTHOR'S NOTE !! XD
After creating my 3rd account, here, pinost ko ulit siya. Well, ang alam ko isa pa lang ang nakakabasa noon dati na ang title pa nito ay "I've always liked you, Idiot!" na hinati ko pa into 4 chapters. Pero ngayon, One shot na siya at ni-revise ko. Ang pangit kasi nung una halatang ewan pa magtype. Haha!
!!!---THIS IS A REVISED VERSION---!!!
******************************************************
I HAVE ALWAYS LOVED YOU, IDIOT!
[OneShot][Repost and Revised]
"Hala! Naiwan ko sa lalagyanan ng table ko yung extra susi ko ng bahay namin!" Ready ko na sanang buksan yung pintuan namin nang wala akong makapa sa bulsa ko.
Ang ulianin ko na talaga. Wala pa si Mama sa bahay hindi tuloy ako makapasok sa loob! Hihintayin ko pa siya at ang init ngayon!!
"Ano..." Nakarinig ako ng isang boses ng babae na malapit sa amin.
Teka? Kila Mac yung may nagsasalita. Out of curiosity ay pinuntahan ko yung nagsasalita.
"May nagugustuhan ka na ba?" Sabi nung babae.
Ah, meron palang nagcoconfess na naman sa kanya. So, ayun nagtago ako.
"Sorry, pero may gusto ako.. sa ngayon." sagot ni Mac.
Pagkasabi nun ni Mac tumakbo 'yung babae papalayo na nanggigilid na ang luha. Sayang, ang ganda pa naman nun. Mas may gaganda pa siguro 'yung babaeng gusto ni Mac. :O
Pagka-alis nung babae ay pinuntahan ko agad si Mac.
"Hoy! May gusto ka?! Bakit 'di mo man lang binabaggit yun sakin?" sigaw ko.
"Y-Yuri?!" Medyo pautal niyang sabi. "Ikaw.. Bakit ka andito?!" Dagdag niya.
Si Mac. Childhood friend ko siya. Nag-aaral siya sa isang sikat na private high school, matangkad, at gwapo daw? -- sabi nila. Pero hindi nila alam na abno iyan pagkaharap ko.
"Ano kasi.. naiwan ko 'yung susi ng bahay namin tapos wala pa si Mama." Pahiya effect ko pa with hiya ngiti.
"Oh?"
"Pwede bang dyan na muna ako sa bahay nyo?" Mabilis na sabi ko.
"..... na naman?" Napailing na lang siya.
Magkapitbahay kami ni Mac, kaya naman kabisadong kabisado ko na 'yung loob nila. Hahaha.
"Bawal mga tsismosa dito." Sinara nya 'yung pinto. "Magka-heatstroke ka sana dyan."
"Grabe ka, ang sama mo naman sa akin! Sorry na! Sorry na kung nakinig ako!" Sabi ko habang kinakatok ang pinto nila. "Di na mauulit 'yon."
Binuksan niya yung pinto. Salamat naman! Mamamatay ako sa init eh!
"Good." Tapos ngumiti siya.
Napasigh ako. "Eh bakit ba kasi ang sikat mo?"
Nauna siyang pumasok at isinara ang pinto bago ako makapasok. "Malamang kasi MAS maganda ang mga qualities ko kesa sayo." pang-aasar niya. "Ikaw kase Yuri.. maliit ka na nga, maliit pa 'yang dibdib mo."
Tingnan mo, bastos talaga siya. Kung alam lang ng mga babaeing nagkakagusto sa kanya ang mga lumalabas sa bibig niya!
Hindi ko na lang pinansin ang huling sinabi nya. "Oo na lang. Oy, papasukin mo na kasi ako."
BINABASA MO ANG
I have always loved you, Idiot! [OneShot][Repost&Revised]
Teen FictionAnong mangyayari kung ang childhood friend na si Mac ay naging weird simula nung may manligaw kay Yuri? © 2013 YourIdiotGirl