Vote and Comment kayo. Thanks!! :)
****************************************************Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Saturday naman ngayon. So, it means Walang Pasok. Kaya, pagkatapos ng super hyper kong driving lesson. Nagdrive ako papuntang park gamit ang sasakyan ni Kuya. Yes, medyo marunong na ako magdrive. SUCCESS!
Old park ito sa town namin. Halos mabibilang lang ang pumupunta dito and I need this...PRIVACY. Naloloka na kasi ako sa kakaisip. Bakit?
Una, ang something fishy kina Jen at Andrei. Selos naman ako. De joke lang. Napapaisip lang.
Pangalawa, yung hindi pagpansin ni Kevin kay Kim. Ang weird!!!
Pangatlo, bagong friends. Yung sina Kim at Ayana. Ayaw magkwento sa love life nila. Eh, feel ko parang may sikreto sila.
Pangapat, ang pagkindat ni Drake kahapon. Maloloka na talaga ako. Bakit ba puro gwapo ang kasama ko? Yan tuloy everyday blush ako. Ako naman iniiwasan magka-crush sa Drake na yan. Kasi, plano niya talaga yan. So, bahala siya sa buhay niya. Ano ako? Uto-uto? Basta lang may dalawang crush na ako.
Nilibot ko ang park hanggang sa matanaw ng aking beautiful eyes ang malaking puno. Sa taas nun....may tree house? Wow! Astig. Mapuntahan nga. Wala naman sigurong nagmamayari. Public kaya itong park na ito. Wala naman sigurong masama kung aakyat ako. Sadyang pinanganak lang akong curious. Nakakatacute kasi yung tree house at first time ko makakita ng ganito.
Umakyat ako sa may ladder. Saan pa ba? Alangan namang lumipad ako edi akyatin na. AKYAT....AKYAT..... AKYAT...
Tenen! Wow! Infairness ang ganda ng loob. Medyo malaki din kung titingnan. May maliit na kama at mga gamit din. So, Ibig sabihin may nakatira dito?
"Sino ka? Bakit ka nandito?" Oh no! (O-O) Anong gagawin ko? Pikit and lingon. Dahan-dahan.
AND *opens eyes. (O___O)
Eh? "IKAW?!" sabay naming sabi.
"Bakit ka ba sulpot ng sulpot? Di mo ba alam na ikaw ang malas ng buhay ko?"
'Sorry di ako na INFORM. Thank you naman sa PAALALA na ako pala ang malas ng buhay mo. I am Casey nga pala. Nice to meet you! Eh, ikaw who are you, pikachu?"
"Ako?" sabay turo sa sarili niya. Ay hindi, yung halaman. Ano bang pangalan mo halaman? "I am none of your business." sagot niya.
Ang ganda ng pangalan. Ang hirap isipin."Nice name. Saan yun galing? By the way, none of your business,Welcome to the Club. The Kamalasan Club!"
"Kamalasan Club? Bahay ko 'to and for your information di ka welcome dito. Trespassing ka. Umalis ka nga! At teka....di ba ikaw yung sumampal sa akin. Kapal mo rin noh?" Talaga! Di mo ba alam na nasa World of Guinness Record ako sa pakapalan ng mukha.
"Ang corny naman ng bahay mo. Kamag-anak mo ba si Tarzan?"
"Dami mong alam! Edi, hindi bahay. Edi tambayan. Umalis ka nga. Wala ako sa mood para makipagusap sa kamalasan ko."
"Mas ayaw ko namang kausapin yung MALAS dito!!"
"Hoy! Ikaw na kamukha ng palaka, umalis ka nga. Alis! Bawal ang pangit dito." Aray! Sakit. Grabe nemen. Alam ko na yun. Pero, kailangan talaga paulit-ulit. Unli? Sampalin kita ulit diyan e. Kakambal mo ata si Mr. Sungit.
"Edi, sabay tayo. Labas ka din. Panget ka e."
"Nagpapatawa ka ba?"
"Hindi malamang. Mukha ba akong nagpapatawa, Ano ako Clown?"
"Tss....AHHH!! Mababaliw na ako sayo. Aalis ka ba o itatapon kita pababa?"
"Tapon mo ako pababa. Try mo lang kung kaya mo. Wala ka ngang ka-muscle muscle."
"Talaga lang ha." smirks. "Let see!"
Nang biglang binuhat niya nga ako. Hala! Baka patayin niya na ako. Gosh! Love you guys. End of the world na. Good bye Philippines and Hello Kamatayan. WAAAHH!! Wag! Bata pa 'ko.
"Fudge! BRING ME DOWN! BRING ME DOWN! ANO BA? BINGI KA BA? ISUSUMBONG KITA SA PULIS! MAMAMATAY TAO? KILLER!! WAAH!!!"
"Pwede bang manahimik ka? Ang ingay-ingay mo. Ang sakit ng tenga ko. Ang lapit lapit mo na nga sa akin. Sisigaw pa. Stupid girl. Tsaka, di pa nga kita pinapatay. Mamamatay tao kaagad?" Whatever! Halimaw!
"Eh, kung bitawan mo kaya ako? Gagawa-gawa ka ng kasalan. Tapos, ayaw mong masigawan. Baliw lang?"
"Ano ka sineswerte? Itatapon muna kita sa creek o baka gusto mong..." Tapos, tumingin siya sa akin ng malaswa.
Hinamapas ko tuloy siya. "YUCK!!! MANYAK!! Lumayo ka sa akin! Uupakan talaga kita. Kung may pagnanasa ka sa akin, Paghirapan mo! Kapal mo! LET ME DOWN!!"
"Hoy! D--Di yun ang ibig kong sabihin. Sabi ko kung gusto mong sa creek kita itapon o dito sa treehouse. Kapal mo rin. Ako magnanasa sayo? Haha! XD. IN YOUR DREAMS!" Aish! Kunyari pa. Bakit ayaw niya pa akong bitawan?
"Bitawan mo na nga lang ako ha. Pwede?"
Binitawan nga ako, pabagsak naman.
"Aray naman!" Walang hiya talaga ang lalaking 'to.
"Sabi mo baba kita. Edi yan, binaba nga kita." Pwede namang dahan-dahan di ba?
"Aray! Ang sakit ng baywang ko at katawan. Kainis ka! Ah! Ang sakit talaga. 'Lang ya ka!" Paano na yan? Papagalitan ako. Makaalis na nga.
Siyempre, para di ako mapagalitan. Magma-mall na lang ako. Akalain mo mag-mamall pa ako sa lagay na 'to. Good luck na lang sa akin.
"Aalis na ako ha. Baka magreklamo ka pa?"
"Edi, umalis ka!" Sungit! Masunog ka sana sa impyerno. HMP!!......... "Teka lang, Casey!" Tawag niya.
"Ano?"!
"Shin nga pala name ko. Shin Joshua Fuentabilles at hindi None of your business."
"Okay, sige aalis na ako. Good bye! Teka Wait!, Paalala lang ha. Tandaan mo Shin Joshua Fuentabilles, may kasalanan ka pa sa akin. Makakaganti din sayo ang kamalasan mo. May araw ka pa. Yun lang. Bye!" Flip hair and umalis na ako.
Naghanap ako ng taxi at nung may nakita ako. Bigla na lang ako may nahawakan. Isang kamay? Sabay namin kasing nahawakan yung handle ng pinto. Yan tuloy. Lumingon ako sa kanya.
"Sorry! Pero ako nauna." Tiningnan ko yung kamay ko, dahil ayaw pa niyang bitawan. Tinanggal niya naman 'to nung napansin niya yung tinitingnan ko. Kahit kailan talaga ayaw akong tantanan nito.
"Ako kaya!"
"Ako!"
"Ako nga!"
"Ako nga sabi!"
"Di kaya, ako kaya. Ang kulit!"
"Tama na nga! Saan ka ba pupunta ha, Drake?" Oo, si Drake! Coincidence nga naman!
"Sa Mall."
"Doon ba? Edi, sabay na lang tayo. Doon din ako eh."
"Doon ka ba talaga pupunta o gusto mo lang akong makasama." sabi niya. Binigyan niya pa ako ng nakakalokong ngiti.
"As if! Di bagay! Baka nga masuka pa ako."
"Baka lang." ngumiti na naman siya at nag-wink. Wink guy talaga.
"Sasakay ba kayo o maghahanap ako ng iba?!" sigaw ni manong. Ay galit?? Minamaltrato ka? Aping-api? Eto kasi ang daming reklamo sa buhay. Yan tuloy. At lagi lang naman din naghahanap ng iba ang mga lalaki. Hayy! Hugot!!
"Sorry po. Sige po sasakay na kami. Doon po tayo sa mall manong."
"Yun naman pala."
And then we went off....
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...