A Trash Lovestory [EXO: Tao Fan-Fic One-shot]

852 15 16
                                    

“Omg! Ang gwapo talaga ni Tao!” isip ko. Tinitingnan ko kasi ang bagong picture namin ni crush. Well, in-edit ko pa siya bago kami magkaroon ng picture na magkasama. Pero atleast! May picture kami noh!

“Ah... Miss Hyemi?” may tumawag ng pangalan ko. Nilingon ko naman kung sino ito.

“Yes?” classmate ko pala.

“Wala ka bang gagawin?” tanong niya.

“Um... Wala naman. Bakit?” sagot ko.

“Pwede mo ba itong ihatid sa computer room? Kelangan ko lang talagang umalis.” Sabi niya sabay lahad ng isang envelope.

“Uhhh... Ok.” Kinuha ko naman ito.

“Ito ang tatandaan mo, dapat hindi mo ito maiwala o kung ano man. Dapat ligtas itong nakarating sa kung sinumang naghihintay doon. Klaro? Humanda ka sa akin pag mabalitaan kong hindi ito maayos naibigay! Papatayin talaga kita!” pag-iinstruct niya.

Grabe naman ‘to! parang walang tiwala kung makabanta!

“o-okay...” at umalis na siya.

Hayy... wala naman akong gagawin eh! magpapa-aircon na lang ako pag nakarating ako dun!

====

Naglalakad ako sa hallway nang may nakasalubong ako.

Omg!

Si Tao meh labby!

Papalapit na siya... magkakabangga na kami... eto na... hanggang sa...

“Hi Hyemi”

...

OMGGG!!! TAOOO!!! NAG-HI SI TAO SA AKIN!!! UWAHHH!!!

“a-a-a-ahh... h-h-h-hi T-T-Tao...” sabi ko habang nakatungo. Ramdam ko na ang init ng mukha ko at ayaw ko itong ipakita sa kanya.

“Ok ka lang ba?” naramdaman kong hinawakan niya ang mga braso ko...

Kung pwede lang sumabog, kanina pa wasak ang mundo.

“o-o-ok l-lang a-a-ako... k-kaylangan ko lang itong ihatid sa computer room...” sabay pakita sa kanya ng envelope as proof. But then...

“Ano ‘to?” tinuro niya ang envelope. Tiningnan ko naman ito at...

OMG! Ang “edited” picture naming magkasama! Paano ‘to?

Lumingon-lingon ako at may nakita akong basurahan malapit sa amin kaya’t dali-dali ko itong tinapon.

Sayang naman ang pera at effort ko dun sa picture... pero mas mabuti na yun kesa sa malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya noh! Hindi pa ako ready’ng malaman niya ang totoo.

“Ha?! W-wala yun! O sige! Punta na ako sa computer room ha?!” at naglakad na ako papalayo sa kanya.

Sana hindi niya npansin yung litrato! Please!

“Uh, Hyemi!” tawag niya sa akin.

Nagkunwari na akong hindi ko siyang narinig. Ayaw ko na muna siyang makita dahil nahihiya ako!!!

May naramdaman ako sa balikat ko...

Kamay ni Tao!

“Uhh... Hyemi? Ok ka lang ba talaga?” tanong niya. Huwag Tao! Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at isabi na sa’yo ang totoo kong nararamdaman dahil sa concern mo!!!

A Trash Lovestory [EXO: Tao Fan-Fic One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon