Matapos ang nakaka-nosebleed na test namin...ayun muntik na maging tissue paper yung papel.joke.
Ayos naman thank God at natatandaan ko pa yung mga ni-lesson kung hindi,ahhh mamaya ako pa lowest nakakahiya!
Pero since hindi nga ko masyadong nakapag-aral dahil sa hide-and-seek game namin ng notebook ko may 3 mistakes tuloy ako!
Pooteekkk....dapat perfect yun eh! Edi sana ako lang highest hindi yung ka-tie ko pa yung Grey na yan!
Oh well may utak naman kasi siya eh..siya nga yung lagi kong kalaban sa first place.
After din nun second subject naman yung Chem! AHHH bat ngayong araw pa sila nagkasunod.
Isa pa yang test dyan nakaka-nosebleed eh! Please somebody call RED CROSS! AB ang blood type ko kaya hindi choosy.hahaha
Pero at least yan perfect ko. Kasi more on problem solving ang test ngayon kaya ako lang perfect yesssss!!
After nung isa pang subject ayun recess na.And as usual wala nanamang tao sa room,ay meron pala ako.
Lahat kasi ng classmates ko lumalabas para dun sa canteen maglandian ay estee kumain.
50 minutes actually yung recess.(hindi pa ginawang 1 hour) kaya halos isang oras din akong mukhang tanga sa room mag-isa.
Kaya naisipan ko na basahin nalang yung diary.Kanina pa kasi nauudlot at least for now wala nang hahadlang sa min.Chos.
Bubuksan ko na yung notebook(kunyari may slowmotion effect pa tapos nagliliwanag pag binuksan mo)..
Kaso for the nth time nasira yung moment ko kasi may humablot nanaman nung notebook!
HANUUUBAHHH!!
"Hoy ikaw akala mo ba papayag ako ng ganunin mo nalang ako sa harap pa ng O-Y-L?"sabi ni sino pa edi si Chienne.
Tiningnan ko lang siya tapos kinuha ko yung bag ko then yung phone kong mumurahin lang para kumpleto yung disguise ko as scholar.
Yup scholar ako sa sarili kong school.I mean our family own this school pero ayokong isipin nilang nagta-take over ako kaya ayan I studied here as a scholar and akala nila poor ako.
Nakasabit na yung earphones sa tenga ko at nagpa-play na yung Try Hard ng 5 seconds of summer.
OO bastusan ang peg ko kesa naman makinig sa ka-bitch-an niya no.
Yun nga lang hinablot niya yung earphones.
"Alam mo you're so bastos.Akala mo kung sino ka ha.You know kasing cheap mo yang phone mo"sabi niya sakin.Sus bakit ikaw kasing genuine ka ba ng phone mo tse!
"Eto"sabi nya then get my phone tapos initsa"Yan ang bagay dyan"
Okay I'm not affected.So what gusto mo pati earphones sirain mo eh.
Tiningnan ko lang kung saan nag-landing yung phone.Tapos tumingin ulit ako sa kanya.At syempre naasar siya kasi expressionless ako.
"Ay sorry my dear I think I broke your phone.Don't worry I'll buy you one.Iphone pa"sabi niya.
"Okay na,tapos na drama mo?"sabi ko sa kanya na lalo niyang kinaiinis
Tiningnan niya ang mga friends niyang kasim-bitch niya then
$$$Splash$$$
Tinapunan niya ko ng Softdrinks sa ulo.
SHEEPP..ang lagit nito. Grabe this time ayoko na!
Tatayo na sana ko para sabunutan siya pero may biglang nagsalita.
"Grabe Chienne hindi ka pa ba nakukuntento kanina"sabi nung nagsalita.Yung guitarist ng O-Y-L.Si Kyle.
Ano naman kayang ginagawa niya dito?
Tsaka ayan nanaman tulala nanaman si Chienne.
Hay paawa effect pa.
"Ahh Kyle let me explain yang girl na yan ang nag-start.Diba girls"sabi niya at tumago naman ang mga alipores niya.
I smell liars....
"Chienne,pwede ba alam naman natin kung sino yung nag-umpisa"sabi ulit ni Kyle then lumapit siya sa 'kin para alalayan ako palabas ng room.
"Okay ka lang"tanong niya.
Okay lang ako kuya naligo lang naman ako ng softdrinks.Okay lang talaga.
"Ah gusto mo magpapadala nalang ako ng uniform for you"
"No,I can take care of myself.Tsaka pwede layuan mo na ko wala nanaman sila eh.Baka lalo pa kong ma-bully ni Chienne"sabi ko.
"Ah,okay.Basta if you need me ayos lang"
Ang FC nito,kuya feeling ka talaga eh.Alam kong classmates kami ng band nila pero never ko naman silang kinausap.
Ay alam ko na may spare uniform pala ko sa tita ko dito.
Sabi sa inyo amin to eh.Guidance Councilor lang naman ang tita ko dito.
"Hi tita"sabi ko
"Oh napa--what happend to you bat ka basa at ang lagkit mo pa"
"Nadulas po ako sa factory ng softdrinks"sagot ko
"Haay bullies nanaman may gawa niyan no,alam mo dapat isumbong mo na sila"
"No,tita edi ako naman ang lumabas na talo"sabi ko then get my spare uniform.
-------------------------------
****Dianas****
Haaay kelan kaya niya mababasa yung diary?Kanino kaya yun?
Kung gusto niyo rin pong malaman kung anong pinakikinggan niya...meron dyan XD
YOU ARE READING
Wish Upon A Diary
Teen FictionSa paghahanap ng simpleng notebook na may notes ng dictation mula sa Chemistry at Biotech teacher ko hanggang sa paghanap ng magic na tinatago ng diary na nahanap ko. Well Actually nahanap ng yaya ko.