(You were just a dream that I once knew,
I never thought I would be right for you... I just can't compare you with anything in this world.. you're all I need to be here with forevermore.)Tears sprang from my eyes, as I heard the song. Hindi ko akalaing mangyayari 'to. Iniikot kong muli ang ulo ko sa paligid.'Di ko na mabilang kung ilang beses na akong luminga-linga. I am now walking on a red carpet. Lahat nakatingin sa akin. Some mouthing their best wishes for us. All seems happy and at the same time in love. Eto na naman ang mga luha ko. Ngayon ay mas naintindihan ko na kung ano ang ibig sabihin ng "Tears of Joy" dahil sa araw na ito.
"Naku, anak na naman, tama na ang pag iyak. Masisira agad yang make up mo sige ka." Saway ni Papa sa akin. Nginitian ko siya. At pinigilan ang panibagong namumuong luha sa mga mata ko. Palapit na kami sa altar. Nakahawak pa din ako kay Papa. Napatingin ako sa nakangiting mukha ni Father. Nasa mukha niya yung saya para sa amin ng makakasama ko. As if his eyes is telling me his best wishes.
Naririnig ko pa rin ang Forevermore. Dati, pangarap ko lang na patugtugin ito sa araw ng kasal ko. Who have had thought that it's happening now. In front of everyone who are also teary-eyed as of the moment.
Lumipat ang mga mata ko sa taong katabi ni Father. Ang taong naghihintay sa akin sa harap ng altar ngayon. Nakangiti siya sa akin. "Grabe! Ang gwapo ng groom ko." Habang papalapit ako sa kanya, parang piping sinasabi ng mata niya na:
"Finally, you're here now. How blessed I am to be with you on this special day."
And because of that, again, tears started to fall. Kung alam lang niya kung gaano din ako kaswerte na minahal niya ako, at na hinding hindi ko pinagsisisihan na siya ang pinili kong makasama habang buhay. Lord! Ano pao ba ang nagawa ko nung nagdaang buhay ko para maging ganito kasaya?
Malapit na kami, konting hakbang na lang at haharap na kami sa Diyos para magsumpaan na habang buhay kaming magmamahalan.
Hanggang sa nahagip ng mata ko 'yung mga letra na nakapaskil sa likuran ng simbahan. Pinilit kung aninagin para mabasa.
--
St. Augustin Parish Church.
That's the name of this church. Sa pagkabasa ko do'n. Bumalik ang mga ala-ala. Memories wherein this church has contributed a big role. A role on my past.
* Flashback*
"Ano ba 'yan! Ang takaw naman ng driver na 'to! Mahuhuli na ako sa binyag niyan eh." Piping himutok ko habang pinipilipit ang hawak kong panyo dahil sa inis. Tumingin ako sa relo.
9:15 na.
9:30 ang oras na nakalagay sa invitation. Kahit alam kong 10 talaga magsisimula due to Filipino time, ayaw ko sanang magpahuli dahil tiyak magtatampo ang friend ko. Letse. Quarter to 9 na nga ako umalis, maaga na yun. Dahil, kung tutuusin 20 minutes lang naman talaga ang biyahe. Umabot lang ng siyam-siyam dahil halos madaanan ata naming kanto hinihintuan ni manong driver para kumuha ng pasahero. Kainis!
Kung ibang pagkakataon siguro maaring naintindihan ko siya na kelangan niyang kumita ng malaki dahil sa hirap ng buhay. Kaya lang 10 minutes na lang malelate na ako. Lagot na ako kay twins ko (tawagan namin ng besty ko).
"Manong, pwedi po pakibilisan naman oh." Lakas loob na sabi ko.
"Aba ineng, 'di mo ako arkilado. Kung gusto mo bumaba ka tsaka na pumara ng taxi."
Aww.
Sumagot si manong napahiya ako dun! Naramdaman ko yung pag-init ng mukha ko. Grabe! Ba't ba kasi ang tabil ng dila ko?! Lahat tuloy sila napatingin sa akin.