Chapter 1

168 5 1
                                    

Chapter 1
School Festival

"It's hot. Shit."

Ngumuso ako at tumango kahit hindi ako nakikita ni Maggie, ng pinsan ko.

Nanatili akong nakatayo nang maayos sa may field. The person on the stage is saying something na hindi ko na masundan dahil sa sobrang init na talaga. Nagpapawis na nga ang kili-kili ko at ang likod ko.

"Enjoy and have fun, Augustinians!"

Finally!

Nagsigawan kami at nag-unahan na patakbo papunta doon sa may covered part ng field. I can already feel my cheeks and legs burning and I know that it's not just me.

"Ang tagal-tagal talagang mag opening speech ni Mr. Holiday!"

Tumawa ako sa sinabi ng kaklaseng si Jiana. Iyon kasi ang nickname ng Principal namin dahil lagi itong wala sa school, inaasar lang dahil akala raw yata ay laging Holiday kaya hindi pumapasok.

For the next few days ay wala kaming regular classes dahil sa School Fest. Hindi naman sa pagmamayabang, but because St. Augustine is one of the most prestigious private catholic school here in our province, ay pinaghahandaan talaga ang School Fest, which only happens once a year.

"Complete na ba ang line up?" Sabi ni Selene at inisa-isa kaming tinignan.

Tumingin ako kay Maggie na katulad ko ay naka-jersey rin ng pang-volleyball dahil parehas kaming kasali at varsity ng school.

Ngumisi siya sa 'kin at mayroong inginuso sa harapan. Napatingin ako doon at sakto dahil may dumaan na grupo ng mga lalaki na naka pang basketball naman na jersey.

Nakilala ko agad ang isa dahil ngumiti sa 'kin. Tipid ko lang namang sinuklian iyong ngiti niya bago ako tumingin ulit kay Maggie at bago ko siya pinandilatan ng mata.

Ang kulit talaga nito! I told her a couple of times already na hindi ko naman tipo iyong si Dennis. Something about him just makes me uncomfortable and I don't know if it's because of his chickboy reputation or if it's because he's the Son of my grandfather's number one enemy in politics.

Not that I take politics as a criteria for my love life but I think that's the case. I don't want any trouble, kahit na ang mga pinsan ko ay alam naman iyon kaya rin hindi kami talaga gumagawa ng kung ano na masyadong magc-cause ng issue. Mahirap na dahil baka ma-take pa iyon against kay Lolo.

For that day, we're scheduled to play with the Sophomores. Medyo nakakakaba lang kahit na sanay naman ako na maglaro dahil may mga tiga ibang school rin kasi na manonood. Ganoon kasi sa school fest ng school namin, the campus is being open to other schools especially sa mga sister schools nila.

And number one doon sa mga school na pinaka maraming bumibisata sa 'min kapag school fest ay ang San Miguel High School.

Unlike St. Augustine, it's a government run school. Their school is a public school and all students being accepted and admitted there are scholars and are one of the smartest. Ang sabi pa nga ay bago ka makapasok, talagang kailangan mo na makapasa sa kanilang entrance exams. And connections does not work there. Dahil nga minamanage ng provincial government dito sa amin, talagang istrikto sila na ang mga makakapasok lang ay iyong talagang mga deserving para sa spot. Fair naman din, considering that students are not paying any tuition fee at all.

School's reputation?

My God. Don't even start asking what.

Romino, my older brother, studied there during his highschool days before he was sent to the States. And to say that he's an asshole is an understatement.

You Make My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon