Hi Baby, I exist.

878 11 7
  • Dedicated kay Caicai Basallo
                                    

First story ko 'to na inupload. Sana magustuhan niyo! Dedicated 'to kay Tatay Veeeeh at syempre sa crush ko.. kay Baby Awesome! <3

Hope you like it!  

----------------------------------------------------------------------- 

"Hi Baby!" 

Yan ang mga katagang sinisigaw ng isip ko kapag nakakasalubong ko siya kasama ng mga barkada niya. Oo, tama ka. Nakakasalubong ko lang siya. Hindi niya ako kilala at lalong hindi niya alam na nag-eexist ang isang tulad ko. 

Sino ba naman akong ambisyosang freshman na nangangarap na mapansin ng isang graduating student na ubod ng gwapo at parang hindi nahahaggard ang fez. Wala nga akong ibang ginawa sa facebook kung hindi ang i-stalk ang profile niya, kahit hindi niya pa inaaccept ang friend request ko. Siguro nga choosy lang siya sa friends.

Bigla ko tuloy naisip, 'Kung di kami magiging friends sa facebook, sa real world pa kaya?'. Masaklap. Yung katotohanan na hindi niya ako mapapansin kasi walang anumang bagay ang mutual kami. 

Eto nanaman siya, magkakasalubong na naman kami. Ayan na yung Baby ko. 

"Faye, ayan na naman siya oh. Ang gwapo niya talaga!!!!" Bulong ni Yanyan sakin. Ang blockmate slash karibal ko kay Kuya Sam. Naging close kami dahil siguro kay Baby. Ewan ko ba. Nung una, hindi ko feel 'tong babaeng 'to pero nung kinulit-kulit niya na ako tungkol kay Baby, natuwa naman ang lola niyo at nakipagkaibigan sa karibal.

Pero magkaiba kami, siya hindi niya mapipigilang mapangiti o kaya kiligin kapag andiyan na si Baby, ako naman, kinikimkim ko lagi ang kilig na nararamdaman ko kapag alam kong malapit na si Baby. Hindi kasi ako expressive, magiging ganun siguro ako kapag sasabog na talaga ako sa kilig.

May kalandian din naman akong taglay, ayoko lang muna ilabas. ^_____^ 

Ramdam ko ang higpit ng kapit sa akin ni Yanyan nung malapit na sa amin si Baby.

Alam kong hindi niya mapipigilan ang pag-ngiti. Samantalang ako, ibinaling ko ang tingin ko sa ibang bagay. Hindi ko siya magawang tignan kasi kada araw na makikita ko siya, feeling ko mahuhulog na ako eh.

Malapit na. 

Dahil medyo magkaparehas kami ng schedule ni Baby, magkatabi lang ang room namin kapag subject namin eh Economics. Hindi ko alam kung anong subject nila pero kapag nagkakaroon akong ng chance na silipin kung anong ginagawa niya kapag may klase sila, eh lagi ko siyang nakikitang natutulog.

Antukin ata 'tong si Baby. Iniisip ata ako buong gabi kaya hindi nakatulog. Chos! Natutulog lang talaga siya habang nagrereport yung kaklase niya sa harapan. Partida, andun pa yung prof nila. Ganun siguro kapag gwapo 'no? Hinahayaan na lang.

Lakas talaga ng karisma ni Baby. 

"Uyy!"  

"Ayy.. Baby!" gulat kong sinabi 

"Baby??? Ikaw Faye ahhh!" 

"Wag ka ngang nanggugulat dyan. May nagkaklase oh!" 

"Bat ka ba nandyan? Sinisilip mo si Kuya Sam 'no?" 

"Baliw. Hinde. Tinitignan ko lang kung anong pag-aaralan natin pag nag-Fourth Year na tayo."

"Ang advance mo naman, first year ka palang girl. Wag atat." 

"Che! 'Lika na nga baka dumating pa yung prof natin." 

Hihilain ko na dapat siya. 

"Sige, mauna ka na. Sisilipin ko muna yung crush ko." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi Baby, I exist.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon