Fritz at Gary

1.3K 33 0
                                    

Sa unang araw ng lamay hanggang sa ika-walong araw ay hindi nakadalo si Fritz. Ang sa kadahilanan na maysakit daw siya. Pumunta lang siya sa huling araw ng lamay at agad nilapitan si Mylene.

"Sorry Mylene ngayon lang ako nakapunta." - Fritz

"Okay lang.. ayos na ba pakiramdam mo?" Mylene

"Oo, mabuti-buti na rin pakiramdam ko.Kawawa talaga si Mang Berto. Balang araw makakamit niya rin ang hustisya." - Fritz

"Sana nga Fritz... sana nga.." - Mylene

"Mylene, nandito na si Gary." - ina ni Mylene

"Sige papasukin niyo nalang po." - Mylene

"Gary? Sinong Gary?" - Fritz

" Ahhh.. si Gary, katrabaho ko sa kompanya doon sa siyudad." - Mylene

"Ah... sige. " - Fritz

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Mylene, nakikiramay ako." - Gary

"Salamat Gary." - Mylene

"Mylene, nagpaalam na ako sa boss natin na magle'leave ka muna ng ilang araw dahil namatay ang itay mo."  - Gary

"Salamat Gary, ikaw lang talaga ang nalalapitan at naasahan ko."  - Mylene

Nag-usap si Mylene at si Gary sa sala at si Fritz naman ay nakatingin sa kanila.

"Sino ba kasi ang lalaking yan at parang may gusto kay Mylene." sabi ni Fritz sa sarili.

Pagkatapos mag-usap nina Mylene at Gary  ay pumasok ulit si Fritz.

Nilapitan ni Fritz si Gary.

"Pare, aminin mo, may gusto ka ba kay Mylene?"  - Fritz

"Bakit mo naman natanong yan pare?" - Gary

"Kasi nakakainis kung nilalapitan mo si Mylene eh." - Fritz

"Sa pagkakaalam ko pare eh wala namang namamagitan sa inyo."  - Gary

"Tigilan mo na si Mylene kung ayaw mong mabasag yang mukha mo." sabi ni Fritz sabay alis.

Naiwang nakangiti si Gary habang pinapanood umalis si Fritz.

- - - - - - - - - - - - - - - - 

"Ah Mylene, uwi na ako malayo pa kasi uuwiin ko." - Gary

"Oh sige Gary.. Maraming salamat sa pagpunta mo rito." - Mylene

"Uhmm, Mylene, makakamit mo rin ang hustisya sa pagkamatay ng ama mo.", Gary

"Sana nga Gary,  sana nga. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo Gary.", sabi ni Mylene.

- - - - -- - - - - - - - - - - - -

Gabi na ng umuwi si Gary at si Fritz naman ay nakabalik na sa bahay nila Mylene.

"Nasaan na yung Gary na katrabaho mo?" - Fritz

"Umuwi na siya ngayon lang. Ba't parang galit ka? Nagseselos ka?" - Mylene

"Hindi nuh. Nagtatanong lang." - Fritz

"Asuss. Hindi daw." - Mylene

"Hindi nga. Grabe ka naman." - Fritz

"Okay.. aasikasuhin ko muna ang mga bisita Fritz. Diyan ka muna." - Mylene

"Oh, sige." - Fritz

Habang abala si Mylene sa pag-aasikaso sa mga nakiramay ay biglang may nakita siyang nagsisitakbuhan na parang may ibabalita.

"May natagpuan na naman daw na bangkay dun malapit sa ilog. Ang aswang ulit ang may kagagawan." sabi ng isang lalaki.

"Naku, halos gabi-gabi nalang ay may nabibiktima ang aswang na yan." sabi ng isang ale.

Narinig ni Mylene ang salitang ASWANG at agad siya lumapit sa mga nag-uumpukan.

"Saan po ba huling nakita ang aswang?"  - Mylene

"Malapit daw sa ilog. Malamang nasa gubat ngayon ang aswangna iyon. Magkatabi lang ang ilog at ang gubat. - sabi ng isang lalaki.

Walang pag-aatubiling naghanda si Mylene at agad lumabas ng bahay dala ang mga gamit na kailangan niya.

"Saan ka pupunta Mylene?" sabi ng ina ni Mylene.

Hindi na sumagot si Mylene at dumiretso na siya sa paglalakad.

Itutuloy...

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Ano kaya magiging kahihinatnan ni Mylene sa paghahanap sa aswang. Mahanap kaya niya ito?

Abangan ang susunod na storya.

Thanks for reading! 

God bless! -  Vampress10

AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon