Chapter 28

3.2K 81 10
                                    

Hailey's Pov

"Naranasan mo din?" Tanong ko kay Margaux ng ikwento niya sakin ang nakita niya kahapon sa puno.

Kumunot ang noo niya. "Din?" Nagtataka niyang tanong.

Tumango ako. "Naalala mo nung nagmall tayo kasama ang BM? Tapos ang akala niyo SP ang sumusunod satin?"

"Oo, ano meron dun?"

"Hindi lang naman SP ang sumusunod satin that time." Sabi ko sakaniya at halatang nabigla siya.

"What? Pano mo nasabi?"

Tinignan ko ang mga bulaklak na nakapaligid saamin. Nandito kasi kami ngayon sa garden. Hinihintay namin yung tatlo.

"Bago masuntok ni Wade si Kian nun, may nakita akong nakatingin saatin sa likod ng mga damit. Nakashades at may nakasulat na letra sa jacket niya." Sabi ko at tinignan na ulit siya.

"Wala akong napansin na letra sa damit nung lalake kahapon."

"Sa tingin mo sino sila Marg?" Tanong ko sakaniya.

Tinignan niya ako bago niya amuyin ang bulaklak na hawak niya.

"I don't know. Wala akong clue kung sino siya. What if sabihin natin sa BM 'yun?" Sagot niya.

"Bakit hindi na lang sa SP? Malay mo takot 'yung sumunod satin na 'yun sa SP."

"Pwede din naman nating sabihin sa dalawang grupo. Pero it's obvious na hindi lang naman isa ang sumusunod satin. I feel it. Kada kasama natin ang SP at BM, may sumusunod saatin." Sabi niya.

Napaisip ako. Oo nga, feeling ko may grupo ang sumusunod saamin.

"Then, we need their help." Sabi ko sakaniya.

"Kausapin natin sila mamaya."

Tumango ako at sakto namang narinig ko na sila Key. Palapit na sila dito saamin.

"Nakita niyo ba SP? O kaya BM?" Tanong ko sakanila.

Umupo sila at si Cata naman ay katabi ko.

"Si Jeremiah kausap ko kanina. Why?" Tanong ni Key at tumingin saakin.

"Sabihin natin sakanila." Sabi ni Margaux kaya napatingin sakaniya sila Key.

"Alin?" Sabay sabay pa na tanong ng tatlo.

"Yung tungkol sa mga sumusunod satin." Sabi ko.

"Bakit? Meron ba?" Nagtatakang tanong ni Kate.

Tinignan ko si Cata at halatang nagtataka din siya. Wala ba talaga silang nararamdaman nun?

"Meron." Sagot ni Key kaya napatingin kaming lahat sakaniya. "Nung pumunta tayong orphanage, naaalala nyo pa?" Tanong niya samin kaya tumango naman kami. "Sa likod ng mga fence, may nakita akong nakastop na sasakyan. Nakahazard siya. And ramdam ko, sa likod ng mga salamin nun ay may nakatingin saatin."

"Paano mo naman nasabi na talagang may nakatingin satin nun?" Tanong ni Cata sakaniya.

"I saw a shadow moved. Hindi gaanong tinted ang sasakyan niya. Tama lang para tanging galaw lang ang makita mo." Sagot niya samin.

Pinagtugma tugma ko ang mga nangyari. Sa sumusunod saamin, sa sasakyan. Sino sila?

"Come to think of it. Sasabihin niyo sa SP or BM ang nangyaring 'yun then what? Sa tingin niyo ba totoong p-protektahan nila tayo?" Tanong ni Kate.

"It's obvious that Mafia is sincere," Sagot ni Margaux sa kakambal niya.

"But in SP? I doubt." Sabi ko at tumingin sa paligid.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon