Chapter 7: Drifting Away II

668 24 3
                                    

Author's Note: Sorry for the short UD! I watched Vleague and UAAP Basketball Games today. Here's the part II. 

Gabi na ng nakauwi si Ara sa dorm, dumiretso siya sa sala, hindi sila halos nakakakain dahil sa dami ng fans na dumagsa sa booth ng UST para sa kanilang Foundation Day. 

"Kamusta?" bungad ni Kim, kumakain ito ng cupcake. 

"Ano yan? Pahingi naman!" sagot ni Ara, "Hindi kami nakakakain, ang daming tao!"

"Ano bang suhol ang ibinigay sa'yo ni Mela at nagpunta ka dun?" tanong ni Kim, inabutan niya si Ara ng cupcake

Tinikman agad ni Ara ito, parang pamilyar yung lasa, isip niya, "Saan 'to galing?"

"Kay Mika! Dinala niya kaninang hapon" 

Natigilan si Ara sa pagkain, halos hindi niya malunok ang nasa bibig niya, "Hindi masarap!" 

"Hindi masarap? E dala-dalawa yang hawak mo! Tsaka, sabi niya paborito mo raw ito e" kwento ni Kim

"Paborito? Hindi kaya! Gutom ako e, bakit ba?" depensa ni Ara

"Sus! Sabi mo e" sagot ni Kim, "Ano bang nangyari sa inyo? Dati okay naman kayo e, lagi na lang kayong nag-iiwasan" dagdag ni Kim, na-obserbahan niyang hindi na madalas na magkasama si Mika at Ara kahit sa mga trainings.

"Ewan, busy siya e" simpleng sagot ni Ara

"Sabi niya nga, baka may nangliligaw na sayo e" panunukso ni Kim

Tumingin ng matalim si Ara kay Kim, nakangisi lang si Kim sa kanya. "Anong ligaw? Wala akong oras sa ganyan"

"So may nanliligaw na nga saiyo?" ulit pa ni Kim

"ASA!" sagot ni Ara

"Oh ikaw ang may nililigawan na?" bulalas ni Kim at tumawa ito ng malakas, "Wafs, binata ka na!" dagdag pa nito

"ASA!" depensa ni Ara na parang napahiya sa sinabi ng kaibigan. Ano? Bakit ako manliligaw? 

"Wag ka mag-alala, kahit naman anong preference mo, kaibigan mo pa rin kami. Tutulungan ka pa namin!" paglalahad ni Kim ng suporta sa kaibigan, umiwas lamang ng tingin si Ara at nagpatuloy sa pagkain.

+++

"Ate Ara, intense talaga mga palo mo! Ang hirap depensahan" bati ni Kiana pagkatapos ng kanilang training. Abala sila sa training dahil nalalapit na ang opening muli ng season. 

Isa si Kiana Dy sa mga bagong manlalaro ng DLSU Lady Spikers.

"Pasensya na, magaling ka pa rin mag-block! Halos lahat nga nabblock mo e" hirit ni Ara

"Cute, cute mo talaga, Ate! Napaka-humble" dagdag pa ni Kiana, tinapik nito ang baba ni Ara

"Naku, konting practice at training ka lang, magaling na middle spiker ka na no! Magtiwala ka lang kay Coach Ramil at Ate Aby" payo ni Ara

Habang nag-uusap ang dalawa'y tahimik lamang na nakamasid si Mika sa sulok. Dati rati ay sila ni Ara ang magkasamang nag-cooldown, samantalang ngayon iba na ang kasama niya. Napansin ni Kim ang pagtitig ni Mika kina Ara at Kiana kaya't lumapit ito.

"Nasarapan siya sa cupcake mo" bungad ni Kim, "Gawa ka ulit!" hirit pa nito

"Wag na! Sa iba na lang siya magpagawa!" inis na sagot ni Mika

"Sabi niya naman wala pa siyang pinopormahan. Bakit ka pa nagseselos?" 

"Ano? Wala naman akong tinanong na ganun, ang tinanong ko sa'yo kung may nanliligaw na sa kanya" agad na sagot ni Yeye

"Pwede naman kasing other way around yun, Yeye. Hindi pa siguro siya out pero may possibility na babae rin ang gusto niya" paliwanag ni Kim

"Wala naman siyang sinasabi!" depensa ni Mika

"Kaya nga may possibility, hayaan natin si Ara, 'wag natin siyang i-pressure. Sa takdang panahon, aaminin niya rin sa sarili niya at sa atin kung ano talaga siya" nakangiting sabi ni Kim, tumingin muli sila sa dalawa.

"Bestfriends naman kami e, bakit hindi niya pa sabihin sa akin kung ano siya" malungkot na bulong ni Mika

"Hayaan mo na, aamin din yan!" tinapik ni Kim si Mika sa balikat.

Bestfriends pa nga kaya kami? tanong ni Mika sa sarili

+++ 

Author's request: Votes naman diyan! Thanks <3 

Mika Reyes & Ara Galang Fan Fiction: Loving Without LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon