CHP6: Sorry, Papa

1.8K 50 6
                                    

"Siguro nga matigas ang ulo ng asawa ko, pero alam ko kung paano sya pasusunurin.” – KAI

Dedicated to loveeebirds
--
/KAI/

“Wifey, gising na.” Hinawakan ko ang balikat ng asawa ko at saka ‘to bahagyang tinapik. Gumalaw ito nang kaunti pero nagpatuloy ulit sa pagtulog.

“Dasuri, hindi ka ba talaga babangon?” sa huling pagkakataon. Muli ko syang sinubukang gisingin ngunit matigas talaga ang ulo ng babaeng ‘to.

Tinalikuran nya pa ko’t nagreklamo, “Mamaya na ko babangon, mamayang tanghali pa pasok ko.” Natawa na lang ako sa naging sagot nya. Kailan nya kaya mare-realized ang mga responsibilidad nya bilang isang asawa? Tsk.

Inilagay ko ang kamay ko sa ilalim nya at sinapo ang buo nyang katawan. Tumayo ako habang buhat-buhat ko sya. Napapitlag naman sya’t napahawak sa leeg ko. “Woah! H-hubby! Anong ginagawa mo?!”

“Finally, nagising na rin ang asawa ko,” kinarga ko sya at lumabas nang kwarto.

“Hubby naman e’. Ayoko pang bumangon, inaantok pa ko.” pagta-tantrums nya sa harap ko. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

“Dasuri, Dasuri, ilang taon kana ba ha? Dalawang beses na tayong ikinasal pero hanggang ngayon, hindi mo parin alam kung paano ba ko alagaan nang tama?”

“Ang kapal! Inaalagaan kaya kita!” reklamo nito.

“Talaga?” Pagkarating namin sa kusina, iniusod ko ‘yung isang silya sa tapat nang mesa sa pamamagitan ng isa kong paa. Inupo ko ‘don si Dasuri na nakakunot ang mga noo.

“Talagang! Talaga!” pagmamalaki nito. Pinitik ko ang noo nya.

“Sinungaling! Wala ka namang ginawa kundi ang magpaalaga sa’kin. ‘Yung totoo, ano ba kita? Asawa o anak?” Inayos ko pa ang upuan nya at inilapag ang pagkain sa harap nya. Nakita ko kung paano magsalubong ang kilay ni Dasuri dahil sa sinabi ko. Palihim akong ngumiti bago umupo sa tapat nya.

Padabog naman nyang kinuha ‘yung chopstick at sinimulang sumubo ng pagkain.  “Ang yabang nito. Makikita mo, eto na ‘yung huling beses na magluluto ka sa bahay na ‘to. Mapapaiyak ka pa dahil sa galing kong mag-alaga.” Saad nito habang nakatingin sa’kin nang masama.

Nginitian ko lang sya sabay sabing, “Okay, Let’s see, kung magagawa mo nga.”

Lalong nagapoy ang mga mata nya dahil sa determinasyon. Yumuko naman ako’t nagsimula nang kumain. Siguro nga matigas ang ulo ng asawa ko, pero alam ko kung paano sya pasusunurin.

“Oo nga pala, pagkatapos kumain mag-ayos ka, aalis tayo.” pahayag ko sa kalagitnaan nang pagkain namin. Nilingon naman nya ko’t nagtanong. “Saan naman tayo pupunta? Wala ka bang taping?”

“Mamaya pa naman ang schedule ko. At saka, may importanteng tao akong kailangang kitain ngayong araw.” Halata sa mukha nya ang pagtataka. Iniisip nya siguro kung sino ang tinutukoy ko.

“H’wag ka nang magtanong, sumunod ka na lang.” Kahit halatang gusto nya pang umangal. Wala na syang nagawa kundi sumunod sa gusto ko. “Oo na po, Tsk.”

--
/DASURI/

“Hubby, manonood muna ko ng tv. Tutal hindi ka pa naman tapos e.” sigaw ko kay Kai habang nasa taas sya habang ako nasa sala. Kinuha ko ‘yung remote at saka sumalampak sa sofa.

“Ayos, hindi pa tapos ‘yung Yokai Watch. Hihi.” Sumandal ako sa sofa at komportableng nanood. “Grabidi. Hindi ko ‘to napanood kahapon, may pasok kasi.”

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon