Friendly Reminder: Plagiarism is a crime. :)
。✐✎。✐✎。✐✎。✐✎。
Kapag Ayaw Mo Na
By : de_profundis
“Kier naman! Sagutin mo naman kasi iyong tanong ko. May problema ba? Bakit hindi mo kasi ako kausapin? Hindi iyong nagkakaganito tayo..” tanong ko sa kaniya.
“Wala. Walang problema.” Sabi niya sa akin.
“Tignan mo ako. Kier, tignan mo ako saka mo sabihing wala tayong problema.” Sabi ko sa kaniya.
Iniangat niya ang kaniyang ulo at tinignan ako sa mata.
“Wala tayong problema. Ano, okay na ba?” malamig niyang sabi sa akin. Parang binuhusan ako ng tubig na may kasama pang yelo na siyang nakapagpabato sa kinatatayuan ko.
Sa sinagot niyang iyon, sa tingin niya ba, mapapaniwala niya akong wala talaga kaming problema? E mas malamig pa nga siya sa isang bangkay. At kung titignan ko ang mga mata niya, may ibang lungkot akong nakikita, di mo man sinasabi..
May ibang galaw na di maipaliwanag ng isip ko, kahit ano pa ang isipin.. Umalis siya nang di man lang ako niyayang sumabay. Umalis siya nang di man lang ako nililingon. Umalis siya nang di man lang hinihintay ang magiging sagot ko. Umalis siya sa harap ko at naglalakad na palayo. Umalis siya..
**** ^ ****
“Kieeeeer!” tawag ko sakaniya after ng practice nila. He’s a graduating athlete and was into track and field. Nandito ako ngayon para mapanood siya besides he’s my boyfriend and I brought foods just for him – especially made with LOVE.
Nakita ko naman siyang naglakad papunta sa akin. Hindi ko mapigilang ngumiti habang slow motion siyang humahakbang papalapit. Pawisan man siya pero mas lalo itong nakadagdag appeal sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Kapag Ayaw Mo Na. (One Shot -- ʿ₯ʾ)
Teen FictionPaano kapag ipinaramdam sayo na parang wala ka nang halaga? Na hindi ka na importante sa buhay niya? Susuko ka na rin ba? O ipaglalaban kahit na nasasaktan ka?