Lester's POV"Arrggghh! I'm sorry , I'm so-sorry, ma." Sambit ko habang umiiyak nang walang humpay habang nakaluhod.
"Kasalanan ko ito. Kung... kung... sana'y napansin ko agad na may sakit ka. Hindi na sana nangyari 'to." Paghagulgol ko.
Wala talaga akong kwenta.
"I'm sorry..." Paulit-ulit kong paghingi ng tawad sa harapan ng bangkay ng mama ko.
.
.
.
.
Bigla akong nagising mula sa bangungot ko. Pinusan ko agad ang luhang tumulo mula sa mata ko.Mapaginipan ko na naman ang pagkamatay ni mama. It's been three years since nangyari 'yon pero hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko.
Ako nga pala si Lester Lockwood, 18 years old. 3rd year college na ko taking BS Psychology.
"Les, gising na. Malalate ka." Sigaw ni kuya Justine.
Hindi ko na siya sinagot. Naligo na ko saka nagbihis. Pagkababa ko nakita ko sina kuya at papa kumakain. Aalis na sana ako.
"Les, kain ka muna." Sabi ni Kuya.
"Sige lang, malalate na'ko." Sagot ko saka umalis ng tuloyan.
Sa totoo lang, ayaw ko silang kasabay o nakikita sa bahay dahil nagi-guilty pa rin ako sa pagkamatay ni mama. Kasalanan ko kung bakit namatay si mama. Kasalanan ko kung bakit hindi ko natupad ang pangako ko kayla kuya at papa na aalagaan ko si mama. Masyado akong tumutok sa pag-aaral ko. Wala akong kwenta...
Hindi ko namalayan nakasakay na pala ako ng jeep. Nagbayad na'ko kay manong driver nang meron siyang babae na muntik matumba sa loob ng jeep buti na lang magbilis reflex ko para mahawakan siya at hindi masubsob.
"Salamat." Sabi niya nakangiti at umupo sa bandang harapan ng ko.
Maganda siya. Maputi siya, hindi masyadong matangos ang ilong, chubby cheeks pero hindi siya mataba, nagpupugay ang mga mata at kissable lips siya.
"Walang anuman." Sabi ko naman ng hindi ngumingiti.
Bumababa ako sa tapat ng gate ng school namin pati 'tong babae. Hmmm, baka transferee ito. Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretsyo sa silid-aralan na pinapasokan ko at umupo. Magsisimula na ang klase. Pumasok ang instructor namin na may kasama. Nagulat ako dahil siya 'yong babae kanina sa jeep.
"Hi, I'm Angel Sy. Galing ako sa Baguio City kaso lumipat kami dito for personal reason." Sabi niya.
Pinaupo siya sa tabi ko. Nagulat pa nga siya noong nakita ako at tahimik siyang umupo sa tabi ko. Nag-discuss na ang instructor namin pero natulog lang ako.
*poke*
hmmm?
*poke*
sino ba itong isturbo na 'to?
*pak!*
Napatayo ako bigla dahil sa sakit ng pagbatok sa'kin.
"Yes, Mr. Lockwood?" Sabi ng instructor namin.
Tinignan ko 'yong katabi kong bumatok sa'kin ng masama. Napayuko naman siya.
"Wala po, Ma'am." Sagot ko at umupo.
"Again, bring out a sheet of paper." Sabi ng instructor.
May quiz pala buti na lang nag-advance reading ako ng lession namin ngayon. Nag-quiz na kami at medyo mataas naman score ko. Umalis agad ang instructor namin. Tinitigan ko 'tong katabi ko ng masama. Akala niya, nakalimot na'ko sa ginawa niya sa'kin kanina. +__+