HEART BEAT

229 12 3
                                    

Yeri as yeri

Jungkook as liam

-------

(Liam's pov)

"Ate meg!" Rinig kong sigaw ni yeri sa baba. Tsk. Kelan nya ba ako titigilan?

Nagkunwari akong tulog.

"Hoy bebelabs!! Tumayo ka na dyan! Kakain na!!" Bungad nya sakin pagpasok.

"Ano ba!! Wag ka ngang maingay!! Umalis kana!!" Sigaw ko nang hindi nakatingin sa kanya

"Bakit ako aalis?!" Sabi nya habang nakapamewang pa.

"Sinisigawan mo ba ako?!" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi" sabi nya at nilambing pa ako.

"Aish!! Ano ba!! Umalis kana!"

"Ayoko nga. Hindi ako bababa kung hindi ka bababa" tss. Sinong tinakot nya?

"Sige. Mahintay ka dyan" nag taklob ulit ako ng kumot.

"Aish. Bebelabs naman eh!!" Pumadyak padyak pa ito

"Wag mo nga akong tawaging bebelabs!!"

"Sige..... pero sa isang kundisyon" inalis ko yung kumot na nakataklob sakin at tiningnan sya.

"Bababa ka" sabi nya. Dalidali naman akong bumaba at sumunod naman sya.

"Aish nakakapag tampo ka" bulong nya pero hindi ko sya pinansin. Pumunta ako sa kusina pero wala pang pag kain.

"Wala pa namang pagkain ah!" Sabi ko sa kanya.

"Wala pa ba? Teka lang ipag luluto kita" sabi nya at pumunta na sa kusina.

Meron akong sakit sa puso. Pero kahit ganun, gusto nya parin ako. Kahit ganun, nag eeffort parin sya para sakin. But i dont care. Hindi ko naman kasalanan na magustohan nya ako diba?

I have a sister. And she's ate meg. Matagal nang wala ang mgulang namin.

Nasa korea sila nung nalaman nila na may sakit ako sa puso. Then, nag madali silang umuwi. Tapos kinabukasan, nalaman nalang namin ni ate meg na nag crash ung eroplanong sinasakyan nila.

Dahil kay ate meg, nakilala ko si yeri. Bata pa ako nun nang dumating si ate meg sa bahay kasama si yeri. Nagtaka nga ko nun, pero sabi ni ate meg, bago nya daw kaibigan. So pumayag ako. Pero ayoko sa kanya. Simula nun lagi na syang pumupunta dito sa bahay para kulitin ako. Dun palang sinabi nya na, na may gusto sya sakin. Tss para syang bata.

"Bebelalabs oh" sabi nya sabay abot sakin ng pagkain.

"Akala ko ba hindi mo na ako tatawagin ng ganyan?!" tiningnan sya ng masama.

"Bakit? Bebelalabs naman ah? Hindi naman bebelabs" sabi nya.

"Yahhh!! Ano ba!!" Sigaw ko.

"Oh!! Wag kang sumigaw. Mamaya, atakihin kapa eh" nilagay yung pagkain sa lamesa.

-

Dumating ang ilang araw at ganun parin. Lagi syang nag eeffort sakin, ako naman, eto, sinisungitan parin sya. At eto, gabi na nito.

"Bye ate meg!" Sabi ni yeri at umalis na. Nag paalam sya sakin kanina pero hindi ko sya pinansin.

"Hoy! Ihatid mo yun" sabi ni ate meg at pinalo pa ako.

"Tss malaki na sya" sabi ko

"Kahit na!! Babae parin yun! Sige ka, kapag narape un-"

"Oo na!! Sige na nga! Eto na!!" Sabi ko kay ate meg. At pumunta na sa pinto. Tumigil ako sa may pinto. Ihahatid ko paba?

Heart Beat (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon