Chapter 9
"May idea ka ba kung ano ang nangyari kanina?"
"Wala." Sumubo ako nung lugaw na niluto niya. Oo nakapagluto siya. Yun nga lang, nangalay ako kasi kelangan niya akong hawakan para mahawakan mga gamit sa pagluto. Medyo maalat pero pwede nang pagtyagaan.
"Paano kaya nangyari yon? kapag hawak kita, nagagawa kong hawakan lahat ng bagay na gusto kong mahawakan."
"Hoy! Hindi ibig sabihin nun, papayag akogn gawin mong kasangkapan para gawin lahat ng gusto mo!"
Ngumuso ulit siya. Tinitingnan ko siya. May napansin ako bigla. Parang nabawasan ang sugat niya.
"Ah.. Jelo.. May problema ba sa mukha ko?" Napailing ako at inilayo ang tingin ko.
"Oo.. malaki!"
"Huh? Ano yun?"
"Wala."
"Sabi mo malaki ang problema? O_o"
"Wala nga!"
"Eh sabihin mo na."
"Wala nga sabi."
"Sabi mo malaki." bakit ba ang kulit-kulit neto? Makaalis na nga bago pa tumaas ang altapresyon ko. Joke! .. Bata pa ko para magkaron nun.
"Oh? San ka pupunta? Hindi mo pa sinasagot tanong ko."
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko. Lumingon muna ko sakanya.
"Siguro naman may karapatan akong magpahinga at makaramdam ng katahimikan kahit sandali diba? Kaya wag na wag kang papasok sa kwarto ko!"
Yumuko siya. Isinara ko agad ang pinto at natulog.
~~ Kinabukasan
Napasarap yata ang tulog ko. Masunurin naman pala siya eh.. Sana magpatuloy to. Kung ganito lang lagi, tahimik at walang makulit, eh di MASAYA! ^__^ Binuksan ko ang pinto.
"GOOD MORNING JELO! \^___^/" napaatras akong biglang sumulpot si multo sa harapan ko. Akala ko pa naman magiging masaya ang araw na 'to.
"Ang aga-aga, sinira mo agad ang araw ko!"
"Eto naman, binabati lang eh, masyadong highblood. Ano gusto mong breakfast?"
"Ako na lang magluluto. Baka mamayat pa ako sayo." Dumiretso ako sa kusina. Binuksanko ang ref pero wala na palang laman. Kelangan ko na uling dumilensya.
Lumabas ako sa bahay.
"Hoy Jelo! San ka pupunta?"
"Paki-alam mo?"
"di ba may gagawin pa tayo?"
"Ako buhay pa, ikaw patay na. Ako kumakain pa, ikaw hindi na. Kung ikaw kaya mong dumaldal ng buong araw nang hindi nakakaramdam ng gutom, ako HINDI!"
Pinaharurot ko agad ang kotse. Kailangan kong magwithdraw ng pera. sana nga lang naalala ni Kuyang magsave ng pera sa account ko. Malapit na sana ako sa bangko ng biglng tumigil ang kotse ko.
BEEEEEP! BEEEEP!! BEEEEEP!! Inuntog ko ang ulo ko sa manibela ng kotse ko.
Bakit ba ganito ang buhay ko? Bakit ba ang malas ko? T_T Hanggang ngayon, iniaasa ko pa rin sa ibang tao ang buhay ko.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Super late update. Haha.
BINABASA MO ANG
My Ghostful Love ღ
Novela JuvenilManiniwala ka ba kung sasabihin ko sayong ... maaaring mainlove ang isang tao sa MULTO? *try niyo basahin, para malaman niyo. ;)