PINAGLIHI SA PUTO

352 11 14
                                    

PINAGLIHI SA PUTO

Hay.. ang bilis nga naman ng panahon parang kailan lang.. 4th year highschool na ako...

Ako nga pala si Puto.. Puto Dionisio (lalaki po ako). Nagaaral ako ngayon sa Ginintuang Elementary High School sa probinsya ng Di Masilayan ang Liwanag. Ou.. Puto nga ang pangalan ko.. lagi nga akong inaasar ng mga classmates ko eh..  isa iyon sa mga dahilan bakit sumikat ako sa paaralan, ngunit sa ibang klaseng pagkasikat.. yun bang pinag-iisahan ka ng mga grupo ng lalaki sa classroom.. kinakalkal ung gamit mo at sabay ikakalat ang laman. Binalewala ko nalang  ung mga iyon dahil sa tingin ko, kulang lang sila sa pansin at kung tutuusin, isang taon nalang, malaya na ako sa iskul na ito! Yes! .

Pinangalan sa akin ng magulang ko ang "puto" dahil doon naglihi ang aking Inay. Kung palalawakin ninyo ang imahinasyon ninyo, maihahambing nga sa puto ang itsura ko. Ako ay maliit (cute) , medyo chubby (cute pa rin), MAPUTI (gaya nga ng puto) at pagdating sa mukha.. kung tutuusin, hindi ako pangit, "UNIQUE"  lang talaga ako sa iba.

Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa aking isipan ang babae kong kaklase. Siya si Isabel Toy.

Siya ay ang babaeng gustong ligawan ng mga lalaki sa aming classroom. Wala ka nang iba pang hahanapin sa kanya. Maputi, matalino, mabait.. lahat!! ganun siguro kapag in love ka sa isang tao.. Puro kagandahan ang nakikita mo.

Di ko sinasabi ang nararamdaman ko sa kanya dahil 99.99% na sinasabi ng utak ko na " wala talaga akong pagasa sa kanya ".  Kaya eto, nganga!  hanggang tingin lang ako.. Pero lahat ng iyan ay magbabago. 

ANG KWENTO NG BUHAY NI PUTO :

NANAY: PUTO ANAK !!! ... gising na ! late ka na sa iskul

PUTO: Saglit lang po!

(Nakaligo na't lahat lahat) 

SA PAARALAN....

BOYS: Oy pre andito nanaman si Puto oh.. tara kunin natin bag niya

(pagkakuha ng bag sabay hagis ng mga laman kung saan saan)

BOYS : HAHAHA!! PUTO DIONISIO, ASIM NG MUKA MO!

PUTO: Bleh! mga isip bata nga naman!! (habang pinupulot ang mga gamit ng kumalat sa mga sulok ng silid - aralan)

UWIAN NA....

malayo layo ang aking paaralan sa aming bahay, halos dalawang oras ang aking nilalakad. Pero para sa akin, ayos lang iyon. Sulit na sulit dahil lagi kong nakakasabay pauwi si Isabel yun nga lang, medyo stalker dating ko kaya nasa likod niya ako.

Hay.. tadhana nga naman...

habang naglalakad si Isabel pauwi, napagtripan siya ng mga lasing..

LASING 1: pre, gandang babae yun oh? ano? pakakawalan ba natin?

LASING 2 : aba siyempre naman hindi!! yayain mo nga!

LASING 1 : hi miss..tara pulutan tayo! masarap chicharon dito!

Lasing 2 : Pre, mali ka naman eh.. tintakot mo eh! ganito kasi oh..

(pinatong ni LASING 2 ang kanyang balikat sa babae sabay dala sa kanya sa mesa ng kanilang saluhan)

Kinabahan ako, di ko alam ang gagawin ko. Ako ba'y tutulong?.. Kahit pakiramdam ko na matatalo ako sa mga lasing na iyon.. agad agad ko silang nilapitan.. Sinubukan kong kausapin ng mahinahon ang isa sa mga lasing, di nga lang tumalab.. ayon, may libre akong suntok sa mukha... Ang hindi ko pala alam kay Isabel, marunong pala siya mag "Taekwando" biruin mo iyon??!?!?! Pinagsusuntok suntok niya yung mga lalaki na yun hanggang sa malasog mukha nila. Iyon yung pagkakaalala ko bago ako nawalan ng malay dahil sa lakas ng suntok ng lasing na iyon!

Makalipas ang ilang minuto ay nagising na rin ako.. Nagulat na lamang ako at nasa tabi ko na si Isabel at higit pa doon nasa bahay pa nila ako! Hindi na nakapagtataka paano ako nakarating sa bahay nila, sa lakas pa lamang ni Isabel.. Tinanong niya ako kung ayos lang ba ako.. sabi ko naman "oo" kahit sa kaloob looban ko na napakasakit ng suntok na iyon sa aking mukha. Siyempre kahit papaano kailangan matapang pa rin ako, eh wala eh..kaharap si crush. Hindi ko man lamang nabati ang kanyang mga magulang dahil nasa trabaho pa sila. Umalis na rin ako sa bahay nila Isabel dahil siguradong hinahanap hanap na ako ng Inay.

PAGKAUWI..

NANAY : Oh anak??? napano ka at nakalobo iyang mukha mo?

PUTO : wala po ito inay, nasali lang sa away.

hindi na ako masyado naasikaso ni Inay dahil marami pa siyang gawaing bahay. Dagdag problema pa itong si Itay.. andun sa kapitbahay puro sugal ang alam ng isip! Di man lang alagaan si Nanay..hmp! 

KINABUKASAN, SA PAARALAN....

PUTO! sigaw ni Isabel... " Yes?? " pinagpapawisan kong sagot.. Maraming salamat nga pala kahapon ah sabi niya.. (dagdag pahamak lang naman ako eh.. ^_^)  "walang anuman" naman ang sabi ko.

Simula noon.. lagi ko na siyang nakakausap lalo na tuwing pauwi na kami. At dahil doon, yung feeling kong 99.99%  " no chance " ako sa kanya.. ay nawala!

balang araw, magkakagusto rin sa akin si Isabel Toy.(SA PUSO KONG GAYA NG PUTO..MALAMBOT MAGMAHAL) Titingalain ako ng mga nanlalait sa akin habang nakikita ang sikat kong pangngalang "Puto Dionisio" sa dyaryo telebisyon, etc. AY!! hindi na pala Puto Dionisio Kundi..

"PUTO TOY DIONISIO"  ALYAS  "PUTOTOY"

maraming salamat sa mga nagbasa!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PINAGLIHI SA PUTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon