Chapter 10.

6 0 0
                                    

Chapter 10

*kalabit kalabit* 

Alam ko na kung sino ang gumawa non, hindi ko na kailangan pang maghula.

"Oh? ano na naman ang ginagawa mo dito?" tiningnan ko siya pero hindi siya nagsalita.

"Bakit hindi ka nagsasalita ngayon? Nawala na ba dila mo?"

Tiningnan niya lang ulit ako. Mukhang walang mangyayari kung magtititigan lang kami. Kailangan kong lumabas at tingnan kung ano ang sira nitong kotse. Binuksan ko ang pinto para lumabas.

"San ka pupunta?" Inosenteng tanong niya.

"Eh di aayusin tong kotse."

"Hindi mo naman kailangang ayusin ang isang bagay na wala namang sira."

"Oh? Nagpapaka-makata ka na ngayon? Kung hindi sira ang kotse ko, hindi to titigil ng basta lang."

"Ba't di subukang i-start ulit ang kotse mo?"

"Psh!" Inilabas ko ang kaliwang paa ko para bumaba.

"Subukan mo lang." At dahil hindi lang din naman niya ko tatantanan, inistart ko na lang. Napatingin ako sa kanya ng tumunog ang makina ng kotse ko.

"Siguro, napagod lang ang kotse mo at nagpahinga lang sandali."

"Pano nalaman na walang sira 'tong kotse ko? at pano mo nalaman na andito ako?"

"Kanina pa ko nandito. Mas pinili ko lang na hindi magpakita sayo." Sabi niya.

Dumiretso ako sa bangko. Gaya ng inaasahan, walang nilagay si Kuya sa account ko. -___- Buti na lang, may 10K pa kong tinira. Winidthdraw ko yung 5,000.

"Alam mo, kahit ilang ulit mong bilangin yang pera mo, hindi na yan madadagdagan pa." -_____- Pang-iinis ni multo. Tiningnan ko lang siya ng masama. Pano ko nga ba to mapaparami? T_T Isang brilliant idea ang naisip ko. Tiningnan ko si multo at ngumisi ako.

"Hoy, anong gagawin mo? Kung ano man ang iniisip mo, wag mo nang ituloy!" Kinakabahan niyang sabi.

Pinaharurot ko agad ang kotse.

"Anong ginagawa natin sa casino?"

"Sumunod kana lang." Sabi ko saknya ng hindi siya tinitingnan. Mahirap na, baka mapagkamalan pa akong baliw dito at walang makipaglaro sakin.

Tamang-tama ang dating ko. Maraming tao dito ngayon. Tumigil ako saglit at inilabas ko ang cellphone ko. Inilagay ko iyon sa may tenga ko.

"Hoy makinig ka." sabi ko kay multo pero hindi niya ko pinansin.

"Ano ba? Ba't di ka nakikinig? Kinakausap kita!" Hindi pa rin niya ko tiningnan.

"Hoy Mara! Ba't di mo ako pinapansin?" Tinuro niya ang sarili niya.

"Ako?"

"May iba pa ba?"

"Akala ko kasi may kausap ka sa cellphone."

"Ulol! Ginawa ko yon para hindi ako mapagkamalang baliw. Lumapit ka dito!" Humakbang siya ng isang beses.

"Lumapit ka pa. Yung malapit na malapit." Nang halos ilang pulgada na lang ang lapit namin sa isa't-isa inilapit ko ang bibig ko sa may tenga niya at binulong ang plano ko. Pagkatapos nun, lumayo ako.

"Naintindihan mo?" Sabi ko.

"Eh di ba, pandaraya yun?" Nag-aalinlangan niyang sabi.

"Gawin mo na lang sinabi ko. Isipin mong kabayaran ito sa pagtulong ko sayo."

Wala siyang nagawa kundi sundin ako.

Pagkalipas ng tatlong oras...

"Langya naman oh! Nag-iinit pa lang ako sa inuupuan ko, napurnada agad. Ano ba kasing nangyari sayo? >=(" Inis na inis kong sabi habang nagdadrive ng sasakyan.

"Sorry na Jelo! Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Sa twing sasabihin ko sayo kung anong baraha ang hawak ng kalaban mo, parang binubudburan ng asin mga sugat ko. Sobrang hapdi talaga. >n<"

"Ang sabihin mo, wala kang kwenta. Yun na nga lang ang gagawin mo,di mo pa magawa ng maayos."

"Sorry na talaga." Natapakan ko bigla ang preno ng makita kong may umaagos na dugo mula sa mga sugat niya. O_O

"Hoy! A-anong nangyayari sayo? Hindi ba patay ka na? Ba't dumudugo pa yang sugat mo?"

"Siguro kelangan ko lang magpahinga." Matamlay niyang sagot.

"Teka, paano ba kita matutulungan? May paraan ba para magamot yang mga sugat mo?" Bago pa man siya makasgaot, unti-unti na siyang nag-laho sa paningin ko.

~~

Pag-uwi ko sa bahay, parang hindi normal ang lahat. Wala akong magawa kundi ang isipin kung anong nangyari sa kanya at kung nasaan na siya. Iniisip ko kung may kasalanan ako sa nangyari. Nagluto ako ng noodles para sa hapunan ko pero hindi ko rin iyon naubos. Dumiretso ako sa kwarto para matulog.

... lingon dito ... lingon doon ... Kinuha ko ang unan ko at tinakpan ko nito ang mukha ko. Pagkalipas ng ilang minuto, bumalikwas ako sa kinahihigaan ko.

"Ano ba Jelo! Eto naman ang gusto mo diba? Ang mawala ang maingay na yun sa buhay mo? wala kang kasalanan sa nangyari, okay? Siya pa nga ang tinulungan mo eh." Humiga ulit ako. Siguradong pagkalipas ng ilang araw, masasanay ulit akong tahimik ang paligid ko at walang nangungulit sakin.

____________________________________________________________

My Ghostful Love ღTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon