Twin Brother (love triangle)

202 4 1
                                    

SO, ENJOY PO. ❤️ Don't forget to Vote 👍 And Comment. Thankyou po. At kung gusto ninyo po agad kong maupdate just comment ' <3 '

Hi, Ako nga pala si Gold Kassi Abla at may kakambal ako si Silver Gucci Abla ☺ Close kami niyan, never pa kami nag- aaway. Nagkakainisan lang minsan pero nagkakabati din kahit walang nagsosorry, nagkakapansinan kami agad- agad after 10 seconds bati na kami agad- agad. Haha. Siya lang din ang pinakaBestfriend ko at kung minsan pa nga ay Nagpapalit kami ng Classrom o sa madaling salita, nagpapangap akong siya at nagpapangtap siyang ako sa school at nagpapalit kami ng classroom. Hindi kami magkaclassmate, magkaiba kami ng section. Magkamukha talaga kami niyan. As in, parang iisa lang mukha namin.

May Girlfriend din pala ako si Niña Golfer Santiago, mag- 2years na kami. Malapit na Monthsarry namin. At mahal na mahal ko siya. Sympre Girlfriend nga dba. Haha. Legal pala kami. ( Alam ng magulang namin )

At nung malapit na ang malapit na kami mag-monthsarry, nagpaplano sana ako ng isang dinner date sa garden namin na puro rosas. And then, ayun na nga ayos na lahat. Kaso, tumawag sakin bigla yun kaclassmate ko at may problema daw sa ginagawa namin experiment para sa ipanglalaban namin sa ibang school kaya dali- dali kong tinawagan si Silver at humigi ng pabor.

Anong pabor? Yun siya muna ang pumalit sakin sa date namin ni Niña. Kahit mahirap para sakin na ipalit ang kakambal ko sa date namin ng girlfriend ko keylanga. Dahil, ayokong magalit si niña sakin.

Pumayag naman ang kakambal ko, lumipas ang 2 hours bago matapos ang expirement namin tinawagan ko agad si Silver at tinatanung kung anung nanyari.

Sabi naman niya, maayos daw.

Sabi ko naman Paanong maayos? Nabuko ka ba?

Hindi. sabi niya.

May nanyari ba? sabi ko

Nagusap lang kami at kumain, yun lang.

Ah, sige. Sabihin mo na rin kay mama na pauuwi na ko.

Nung nasa bahay na ko, diretso tulog na ako dahil pagod na pagod na ko, gumising na rin ako ng maaga para pumasok at nang nasa school na ko nakita ko si niña.

At nang nagkita kami ni Niña at nag- usap.

Goodkisser ka pala. sabi niya

Ako? sabi kong mukhang na lilito- lilito yun boses o di kaya parang nabigla.

Oo ikaw, sino pa nga ba? Haha. sabi niya.

Nag kiss ba tayo? tanong ko.

Oo, nakalimutan mo na ka agad? Mag memory plus gold ka na nga. Haha. sabi

Hahaha. Alam ko, jinojoke lang naman kita. hehe sabi ko

Haha, sige may klase pa ko. Bye, kita na lang tayo mamaya. sabi niya

Sige. Bye, ingat babe.

- Nagtext agad ako kay Silver at nakipagkita. -

Nag- kiss pala kayo. sabi ko

dude, sasabihin ko na sana sayo kaso baka magalit ka.

dude, alam mo naman akin siya dba. Bat mo naman tinalo.

ikaw na nga tong pinagbigyan, ikaw pa magagalit.

Ang sabi ko kasi sayo pumalit ka sakin sa pakikipagdate, hindi sa pakikipaghalikan sa girlfriend ko.

Malay ko bang maghahalikan kami. sigaw ni sakin ng sobrang galit na galit.

Hinalikan mo ang girlfriend ko ! Girlfriend ko dude, bat mo ginawa yun? galit na sabi ko sakanya.

Hindi ko siya hinalikan, bigla bigla na lang nanyari lahat ng yun. Bigla- bigla. Hindi ko naman ginusto yon!

Edi dapat kong hindi mo gusto, iniwasan mo na lang ! sigaw ko ng pagalit.

Wag mo kong sisigawan, tandaan mo kung hindi dahil sakin malamang Magkagalit na kayo ngayon ! sigaw din niya ng pa- galit at sabay umalis.

At nung nasa bahay na kami, hindi kami nagpapansinin ni mismo isang salita o tiginan lang sa mata ( eye to eye ) hindi namin nagawa.

Nasa kwarto na kami siya nagCocomputer, ako naman nagBabasketBall wala kaming imikan, sobrang kahimik sa kwarto namin halos computer keyboard type lang at tunog ng Bola ang maririnig mo.

Bigla akong nagsalita at sinabi ko na,

Dude, gusto mong maglaro? sinabi ko sakanya habang hinahawakan ang ko ang bola.

Mamaya na lang, tatapusin ko lang 'tong research ko.

Sorry nga pala kanina dude. sabi ko

Okay lang yon, sorry din kung d ko sinabi sayong nagkiss kami ng girlfriend mo.

Ganun lang talaga kami, hindi ko kasi siya matitiis na hindi pansinin, ksi katulad nga ng sinabi ko kanina siya lang pinakaclose kong bestfriend. Well, may bestfriend naman ako sa school pero siya lang yun lahat ng problema ko sa sasabi ko sakanya at siya ang gagawa ng paraan pra maayos yun. Hahaha. Korni noh. Lalaki kasi kami kaya hindi bagay, ganun kami eh. May problema ba?! Hahaha. Dejoke.

- pagtapos niyang magComputer, naglaro na kami ng basketball at natulog na rin pagkatapos kasi nga gabi na dba, tas gumising na rin kami ng umaga para pumasok. -

Oh, babe. sabi ko kay niña

Nasan si silver babe? Natapos na ba niya yun research ko?

Research mo? sabi ko

Oo, siya na daw kasi gagawa ng research ko. Pinipilit ko nga na wag na e, pero pinagpipilitan niya na siya na daw. Haha. Pakisabi na lang salamat.

Ah, sige sge. sabi ko

Babe, nga pala gusto mo bang luma.. Sabi ko ng padagdag kaso hindi natuloy kasi sumigaw si niña.

Silver ! sigaw ni ñina

Ito na pala yun research mo. sabi ni silver

Thank you talaga silver, oh babe ano nga pla ulit sasabihin mo?

Wala wala pala babe. So ayan pala yun ginawa mong research kagabi. sabi ko

Ah, oo ayan yun. Wala kasi akong magawa kagabi kaya pinilit ko na lang si niña na ako na lang gagawa ng research niya.

*Bellrings. *

Pumasok na rin kami sa mga classrooms namin at nagklase, ano pa nga ba. habang nagkaklase kami nakikita ko sila niña at silver nagtatawanan sa classroom nila, magkatapat lang kasi classroom namin tsaka sliding door yun mga classroom doors namin kaya pag may lumalabas sa classroom nila nakikita ko silang dalawa. Magkakaklassmate kasi sila at mga kaseatmates pa o magkatabi pa sa upuan.

Pinabayaan ko na lang at hindi ko sila pinansin, dahil normal lang naman magtawanan ang mag kaklassmate.

WAIT FOR AN UPDATE ! SORRY KUNG BITIN.

Twin Brother (love triangle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon