Summer

6 1 0
                                    

Summer na naman, at babalik ako sa probinsya ni Tiyong John. Lagi ako sa probinsya niya nagbabakasyon tuwing summer.

"Mag-ingat ka doon lagi. At lagi kang makinig sa tiyohin mo Hemme"

"Opo" sabi ko habang pababa ng hagdan.

"Yung ticket mo? Yung sapatos mo? Nakuha mo na ba?"

"Opo" Nagulat ata siya ng dalawang bag lang ang dala ko. Isang bag pack at yung duffle bag ko.

"Yan lang ang dala mo?"
"Opo" ang dami niya pang sinasabi na wag ko daw kakalimutan kung saan ako bababa. Isang sakayan lang naman ng bus, pero kung makapag-alala siya akala mo kung sa eroplano na ako ba-byahe.

"Alis na po ako.!" Sigaw ko ng makalabas na ng bahay.

Nilakad ko hanggang sa sakayan tricycle. Magpapahatid ako hanggang sa terminal ng bus, at doon na ako sasakay patungo sa probinsya ni Tiyong John.

Habang naghihintay ng pag-alis ng bus ay naalala ko ulit siya...

Ang unang pakikita namin noon ay nang sampung taong gulang pa lamang ako. Napakainit ng panahon na'yon, summer nga naman. Nawala ako sa gubat. Gubat kung saan tinatawag nila itong "Gubat ng mga Dyos" na sinasabi din na tirahan ng mga spirito.

Sa sobrang pagod ko sa paghahanap ng labasan ay napa-upo ako sa damuhan. Umiiyak. Hindi alam kung anong gagawin.

"Hoy"

Hinanap ko kung saan ito nanggagaling. Hanggang sa may nakita akong isang lalaki sa likod ng puno, nagtatago. Nakamaskara.

"Bakit ka..." Hindi niya maipag-patuloy ang sinasabi "umiiyak?"

Sa sobrang kasiyahan ko'y tumakbo ako sa kanya sa pag-aakalang makakaalis na ko sa gubat.

"Ligtas na ako" nasa isip ko.

Pero ng yayakapin ko na siya ay bigla siyang humakbang, kaya naman ay natalisod ako. Nagulat din ata siya sa nangyari. Naghintay akong magsalita siya, pero wala. Kaya naman ay tumayo na ako at tiningnan siya.

"S-sorry" sambit nito, nakatingin lang ako sa nakamaskara niyang mukha.

"Anak ka ng tao?" Nagulat ako sa tanong niyang 'yon "Pag-hinawakan ako ng tao... Pwede akong maglaho" nakatitig lang ako sa kanya.

"Pag-hinawakan ka ng tao..." Hindi ko maipagpatuloy ang sinasabi ko "Hindi ka ba tao?" Yun na lamang ang natanong.

"Ako ay... Nakatira dito sa gubat"
"Kung ganoon ay isa kang spirito?" Namamanghang tanong ko. Hindi ko alam kung ano bang iniisip ko at hindi ako natatakot sa kanya. Nakamaskara siya, makisig ang katawan, matangkad. Pero hindi ko siya kilala. Ni-hindi ko alam kung bakit ako nakikipag-usap sa kanya. Dahil ba sampung taong gulang lang ako? Tinuruan naman ako ng mga magulang ko na wag makikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala. Pero sa kanya, napaka-gaan ng loob ko.

Tumayo ako at sinubukan siyang hawakan, pero umatras siya. Hinabol ko... Hinabol... Hanggang sa pinalo na niya ako ng punong kahoy sa ulo. Napa-upo ako at napahawak sa ulo ko.

"Hindi ka nga tao kung ganon" habang napapaiyak dahil sa hapdi "Hindi yun magagawa ng taong katulad ko ang mang hampas ng kahoy sa ulo ng bata" paiyak kong sinabi.

SummerWhere stories live. Discover now