50th Chapter

162 14 0
                                    

•••••

[Pryztel]

"Wait lang ah?Hahanapin ko muna sina Chammy at Hyui mukhang di okay yung isa eh."-tumango naman sya kaya't umalis na ako at iniwan sya saglit dun.

Bumalik ako sa pool area and luckily nakita ko sila sa may cottage.

Lumapit agad ako sa kanila. Tulala lang si Chammy habang sinisermonan ni Hyui.

" Hey guys"-sabi ko kaya nakuha ko ang atensyon nila.

"Pryz tapos na kayo dun?"-tanong ni Hyui.

" Ah siguro. Kumusta si Cham?"-tumingin ako ulit sa kanya.Bangag ang peg nito.

"Ayan.Luksa effect kuno hayy"-sagot ni Hyui na naparoll-eyes pa.

" Cham seryoso ka?Baliw ka talagang babae ka hayy. Umasa-asa ka pa kasi"-hinagod ko ang likuran nya to give comfort.

"Kasi naman eh,ganun na ba talaga ka seryoso si Corrs sa babaeng yun?Di ko na ba talaga sya maaagaw?"-sa pagkakaalam ko puso ang apektado pag nabobroken,ito parang sa utak may palya eh.

" Hmm we don't know. Di pa naman sila mag-asawa."-sabi ko nalang.

"But I think its that serious."-napatingin kami kay Hyui. What does she mean?

" Hyui naman eh bakit?"-mangiyak-ngiyak na sambit ni Chammy.

"Kasi napansin ko may suot na engagement ring si Akane. Di kaya bigay yun ni Corrs?"-napaisip ako at pilot hinahalungkat sa isip ko kung meron nga ba.

" Waaaah you mean nagpropose na sya?Noooo!"-naghihysterical na naman ang isang to.

"Ah di ko nakita ang singsing na sinasabi mo Hyui. Pero sure ako na walang ganong suot si Corrs"-kung engaged na nga sila ng kapatid ko dapat pareho silang may couple ring. Ang weird naman.

" Baka nagkataon lang na di nya suot"-sabi ni Hyui. She's right,baka nga.

"Hayy ang sakit sakit!"-humagulhol na naman to. Aissh kadramahan 101.

•••••

Nagprepare na kami para sa pag-alis namin. Last day na nga kasi namin dito.
Buti nalang at nahimasmasan na si Cham sa kabaliwan nya.

Someone knocked habang nagliligpit kami. I volunteered to open the door kaya minadali kong tinungo ang pintuan at agad na pinihit ang doorknob.

I was surprised nang makita ko sya.

" Kyu,tapos ka na magempake?"-bakit ba sya nandito?Yan ang dapat itatanong ko.

"Yep. I just came to help you carry your things"-itatanong ko pa sana but he answered it already.

" Wow,thanks. Kay come in. Malapit na rin naman akong matapos"-he stepped into our room.Binati sya ng dalawa.

"Hello"-bati nya pabalik sa mga to. Kinuha ko na ang natitirang gamit sa closet namin at nagpatulong kay Zic na i-arrange sa traveling bag ko.

" Wait kukunin ko lang mga gamit ko sa banyo"-pagpapaalam ko. He smiled as a response kaya nagpunta na ako sa banyo. Pinili ko ang mga gamit ko,kaya lang bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan kaya nagCR muna ako para mahimasmasan.

•••••

"Nasaan si Kyu?"-nagtataka kong tanong nang maabutang wala na sya sa loob ng kwarto.

" Biglang nagring yung phone.May tumawag sa kanya kaya nag excuse muna"-ah. Napatango ako sa sagot ni Hyui. Pinagpatuloy ko nalang ang pag-eempake hanggang sa naisarado ko na ang bag.

Nakuha Ang atensyon ko sa isang gamit na natirang nakalatag sa ibabaw ng kama ko. Jacket to ni Zic ah?Amoy ko kasi ang pabango nya.Hmm ibibigay ko nalang mamaya. Akmang tutupiin ko na sana nang may malaglag na bagay sa sahig na mula sa bulsa nito.

Isang maliit na parang kahon.

"Ano yun?"-naalarma sina Chammy dahil sa pagkahulog nito pero di ito nabuksan.Pinulot ko ang pulang kahon.

" Ano yan?"-nagtatakang tanong ng papalapit na sina Hyui.Humarap ako sa kanila at pinakita ang hawak ko.

"San galing yan?"-tanong ni Cham. Sa pagkakaalam ko,its either singsing o kwintas ang laman nito.

" N-Nakita ko sa jacket ni Kyu"-nauutal kong sabi. Could it be...may plano syang magpropose?

"Open it"-sabi ni Hyui. Dala na rin ng matinding kuryosidad,sinunod ko sya.

Napasinghap ako nang makita ang isang singsing.

" Isang singsing?!OMG!Is he planning to marry you already?"-excited na sabi ni Chammy. Di ako makapaniwala. Pero pano nangyari yun?Kahapon lang naging kami? Tapos magpopropose sya?Nag-aassume lang ata ako.

"I don't think so"-napatingin kami kay Hyui.

" B-Bakit Hyui? "-naghihintay ako sa response nya. Humugot muna sya ng malalim na hininga na nagdala ng kaba sa dibdib ko.

" If I'm not mistaken,ganyang singsing din ang suot ni Akane"-sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Anong ibig nyang sabihin?Naguguluhan ako. Kailangan ko ng kasagutan sa pangyayaring to.

"I-I have to go. Dito lang kayo pupuntahan ko sya"-di ko na hinintay ang sasabihin nila.Patakbo akong lumabas ng unit.

Walang ibang laman ang isip ko kundi ang mga katanungang alam kong sya lang ang makakasagot.

Napadpad ako sa kahit sang sulok ng lugar pero di ako nakaramdam ng pagod.Hanggang sa makita ko sila sa dalampasigan.

Akmang lalapit na ako pero ayaw humakbang ng paa ko. Masyado akong nilalamon ng takot sa malalaman ko.

Nagtago ako sa malapit kung saan may malaking bato at sapat na ang lapit para marinig sila.

Bakit nga ba sila magkasama?Bakit sila lang?Bakit wala ang kapatid ko?Hindi pwedeng nagtataksil sila.Hindi magagawa ni Zic yun sakin. Naniniwala ako sa kanya.

•••••

Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa nito.
Corrs and Akane on media.

xoxo

DerpyYeolie

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon