Chapter 5.2

54 4 0
                                    

LENA'S POV

"Nandito ka para mapalabas ang iyong kapangyarihan at ako ang tutulong sayo." sabi niya.

"Ano po? Tutulungan mo ako sa paghahasa ng aking kapangyarihan? Eh wala naman po akong elemental powers tulad ng mga royals. Atsaka super strength lang naman ang mahika ko." Nawirduhan ako sa kanya. Baka mali lang ang nakuha niya. Hindi naman malakas ang ability tulad ng elemental powers.

"Nagkakamali ka ng iniisip!" seryosong sabi nito. Nababasa niya bo ang isip ko?

"OO! Nababasa ko ang isip mo at higit sa lahat hindi ako wierdo! Hindi mo lang talaga kilala ang sarili mo." ani nito.

"Bakit kilala mo po ba ako?" tanong ko

"Malamang! Hindi naman kita papapuntahin dito at makipagkita sa iyo kung hindi kita kilala." Mayypilosopong bang goddess? Bakit parang malala ang isang to. Sayang ang ganda niya. Akala ko mabait.

"Ang ibig ko pong sabihin kung alam mo po ang talambuhay ko. Ang buong pagkatao ko." paliwanag ko.

"Oo nga. Ang kulit mo namang bata ka o. Halata naman sa sagot ko na kilala kita. Pero hindi ko sasabihin sayo ang katauhan mo. Mas maganda pag-ikaw ang makaalam. Kilala mo naman ang pangalan ng magulang mo?" ani at tanong niya.

"Hindi ko alam ang pangalan ng totoo kong mga magulang. Pero alam ko ang first name ko." Ngayon ko lang narealize na hindi pala sinabi sa akin nina tito ang pangalan nila. Ang tanging naalala ko lang ay tinawag nila akong Alexia.

"Kung ganoon, ibibigay ko lang sayo ang pangalan mo at ikaw na ang tumuklas sa iba pa. Ang totoo mong pangalan ay AlexiaMarie Steve Morgan." sabi niya

"AlexiaMarie Steve Morgan ang totoo kong pangalan?"

"Hindi, hindi! Paulit-ulit?"

Kanina pa tong bakulaw na to! kung hindi lang ito diyosa ay papatulan ko na ito. Hindi nalang nagsalita para marelax ako ng konti.

"Bukas tayo magtretraining. Dalawang buwan ka dito at isang oras ka sa Elementalia. Ibig sabihin ang isang minuto sa Elementalia ay isang araw dito. Gets! Kung hindi isolve mo nalang." sabi niya

"Ah. ok. Gets ko. Magaling naman ako sa Math kahit papaano." ano kaya ang kapangyarihan ko ang sinasabi nito?

"Ngayon ang gawin mo muna ay magpahinga at maaga tayong magsisimula bukas." sabi niya at saka umalis. Bakit kaya niya ako pinili. May iba pa ba akong kapangyarihan? Ano kaya ang mangyayari bukas? Makakayanan ko kaya ang training na ibibigay niya? Hala baka pahirapan niya ako. Huwag naman sana. Nakita ko na may sumulpot na cute na bahay sa tabi ng ilog ilang metro ang layo sa kinatatayuan ko ngayon. biglang may nagsalita sa isip ko.

"Si Ara to. Ang nakita mong bahay ang titirhan mo at andyan na lahat ang kinakailangan mo. Sleep well."

"Salamat."

Pero wala nang sumagot. Naglakad ako patungo sa bahay na sinabi niya at nakita ko. Pagkabukas ko ng pinto bumungad sa akin ang sala. Tiningnan ko ang loob ng bahay at pareho rin naman sa taste ko.  Tiningnan ko ang ref at marami namang pagkain ang nakastock doon. Maligo nalang muna ako at pagkatapos ay magluto at kain saka matulog. 





TO BE CONTINUED ... 






Elementalia Magicae AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon