AUBREE'S POV:NATARANTA bigla si Bekbek ng tumatawag si Cielo.
"Ano gagawin ko? Buwiset naman!" nararattle si Vienna.
"Eh di sagutin mo! Ano ka ba? Ano ba dapat gawin?"
"Tsk! Hello....," malumanay pero halatang kinakabahan si Vienna. Inalis ni Vienna ang cp sa tainga niya. Niloudspeaker niya pala."Hello Bek! Hello! Andyan ka ba? Hello!!!"
"Hi! Medyo chubby... este choppy! Asa'n ka?"
"Nasa Maynila pa ako. Baka matagalan. Kamusta na kayo? Si Ada kamusta?"Nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Cielo. Biglang binigay sa akin ni Bek ang cellphone. Pilit kong binabalik sa kanya at nagsesenyasan kami kung sino'ng sasagot.
Nagmakaawa ang mata ni Vienna. Higit sa lahat, ayaw kasi ni Vienna'ng nakakasakit ke sya ang dahilan o hindi. Wala akong nagawa kundi kunin na lang ang telepono.
"H-hello Indeng, kamusta ka na? Si Bree 'to. Uhmm...papunta na kami kina Ada."
"Ah...okay, kamusta na ba siya? Kailan ba kayo last nagkita? Okay ba siya? Ano'ng trabaho niya ngayon?"Ang huling kuwento sa akin ni Bekbek ay nakita niya si Cielo na nawitness ang pag alis ni Ada at Jandy. I know she's pretending na wala siyang alam.
"Ah... 'di ba umalis na si Ada sa salon? Kaya nga heto, kakamustahin namin siya."
"Totoo na ba Bree?"
"Ha?"
"Na....sumama na siya kay Jandy?"
"Cielo...."
"Oo nakita ko, kinoconfrim ko lang."Medyo pumiyok pa si Cielo. Tsk! Ayoko ng ganito siya. Lalo na't walang magko comfort sa kanya sa Manila.
"Cielo...huy! Be strong!" Narinig ko ang malalim na buntung-hininga niya. "Cielo, uminom ka muna ng tubig dyan."
"Palagay niyo ba, babalik pa siya dyan?"
"Cielo, hindi namin alam."
"Akala ko pupuntahan nyo pa lang?"
"O-oo kaso....ahhmm...."
"Bree please...."
"Nahuli kami, hindi na namin naabutan. Nandito pa kami sa loob ng kotse, nakita na namin sila nung guy na sumakay ng tricycle. Susundan sana namin, kaso tumawag ka naman."Silence.
"Cielo...."
"I'd be fine don't worry. Just in case may balita, please let me know."
"Asahan mo."
"Ingat kayo dyan."
"Mas ka Cielo, love you!"Inabot ko ang cp ni Bekbek sa kanya. "Huy! Anyare sa 'yo?"
Umiiyak si Bekbek. Mababaw kasi ang luha.
"Naaawa ako kay Cielo. Kung gaano ako kasaya sa proposal ni Sally, siya naman itong broken. Umuwi nga siya rito, puro heartaches pa rin. Kailan ba siya magiging masaya? Ahuhuuuhuuu...."
"Hay!" hinagod ko ang likod niya.
"Sssshhh...huwag ka nga! Alam mo namang, bawat love story iba-iba. May kanya-kanyang timing 'yan. Maybe hindi pa time ni Cielo. Who knows diba? Ikaw ba inakala mong tutuluyan ni Sally? Ako ba, inakala ko bang pipillin ako ni Geela against Tweeny? Gano'n lang 'yon."
"Gusto ko lahat tayo masaya...huhuhuhu..."
"Tumigil ka na nga!"------------------------
Sinubukan naming magligid sa terminal sa bayan pero nahirapan kaming maghanap kung sakaling nag punta do'n sina Ada. Pero napagod lang kami.
BINABASA MO ANG
Cie-Ree-Na (Gxg Completed)
RomanceGxg - Completed March 2015 ~ Aug.15, 2016 Highest Ranking: No.1 girlxgirl July 2018 Three friends with different shares in LOVE Ito ay kuwento ng tatlong magkakaibigan na hindi nila inaasahan na pare~parehong iibig sa kapwa babae. Iba~ibang pagkakat...