When Two Hearts Collide
Written by: Yumi A.[This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.]
---------------------
I.
Yesterday, while I was walking down the hallway. I suddenly heard a familiar voice yelling my name.
"Trey!" I stopped from walking as I faced her.
I smiled and said, "yes, my lady?"
"May I walk with you?"
"Why? Where are they?"
"You mean Sabrina and Brent?"
"Who else?!" I asked sarcastically as I rolled my eyes.
She pouted and that's too cute for her to do that.
"As always. They have a dinner date tonight." She answered with a low-tone voice.
I chuckled. She rolled her eyes and asked me, "what's funny?"
"You look like a lost puppy. Hahaha!"
"If I look like a lost puppy and you are?"
"I'm your--"
She cut me off and said, "booger! Hahaha!"
"Inggit ka lang sa kanila. Wala ka kasing ka-date!" Sabi ko.
"Hahaha! Oh ano? Naubusan kang english no? Pa-english-english ka pa kasi." Pang-aasar niya.
Sa pag-uusap namin, nakarating na kami sa pilahan ng jeep.
"Hindi. Napagod lang ako." Sagot ko pero tumatawa pa rin siya.
"Hahaha. Napagod mag-english? Utot mo!"
"Mabango!" Tumawa ako sabay dugtong, "Yance, tara."
Tila napatanong siya sa isip niya kung anong balak ko sa pag-aaya ko sa kaniya.
"Anong tara?" Nagtataka niyang tanong.
"Tayo na lang magdate."
Pinipigil ko ang pagngiti ko sa mga oras na 'yon kasi halata namang namula siya pagkasabi ko nun. Hahaha! Kinilig yata.
"Tigilan mo nga ako! Suntukin kita e." Naaasar niyang sumbat sakin.
"Hahaha. Ang cute cute mo talaga, Yance!" Habol ko pa sa pang-aasar pero half truth naman dahil cute naman talaga siya.
Nakasakay na kami ng jeep ngayon pero ako ang unang bababa sa aming dalawa. Galing nga pala kaming school at parehas kaming Engineering student. Classmate kaming apat. Si Brent, Sab, ako at si Yance. Madalas kaming sabay umuwing apat kasi iisa lang ang way namin pauwi at nagkataon lang talaga. Graduating na kaming apat.
"Una na ako, Yance." Paalam ko na lang saka bumaba nang pumara na ako.
"Ge ingat!" Sagot niya.
[Phone ringing]
"Oh Brent?"
[San ka 'tol?]
"Pauwi na, bakit?"
[Nandito kami ni Sab sa hospital.]
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"Bakit?"
['Tol masyadong mabilis ang mga pangyayari. Dito ko na lang sasabihin. Pakisabi na rin kay Yance.]
"Sige 'tol. Punta na lang kami dyan."
[Sige. Salamat. Bye.]
Nagmadali akong umuwi ng bahay at kinuha agad ang motor ko. Mabilis kong pinatakbo papunta kina Yance at sa mga oras na 'to malamang nandun na siya sa kanila.
"Yance!" Tawag ko mula sa labas ng bahay nila.
Tinatawagan ko ang phone niya pero hindi macontact.
"Yance!!" Sigaw ko ulit mula sa labas ng bahay nila.
Wala pa ring lumalabas. Ano na kayang nangyari sa kaniya? Hindi kaya nakatulog 'yun sa jeep at lumagpas 'yung jeep sa lugar nila.
"Yance!!!" Tawag ko sa huling pagkakataon at kapag wala pang sumagot, didiretso na talaga ako sa hospital.
Maya-maya ay may lumabas na sa gate. Hindi familiar ang mukha nung lalaki pero mga nasa mid 40's na ang tantya ko.
"Wala pa si Yance dito. Hindi pa dumarating. Classmate ka ba niya?" Tanong niya sakin.
"Ganun po ba? Sige po salamat." Sagot ko, sumakay na ako ulit sa motor ko at may dinugtong, "opo classmate niya po ako."
Pinaandar ko na 'yung motor at dumiretso na akong hospital. Nasaan na kaya 'yung babaeng 'yon? Kung saan-saan nagsususuot. Tsk.
"Treeeeeeeeeey!!!"
Napahinto ako nang marinig kong may sumigaw ng pangalan ko gamit ang pamilyar na boses.
"Nakanam--- kanina pa kita hinahanap!" Sabi ko sa kaniya.
Napatingin ako sa dala niya at bumili pala ng fries.
"Bakit? Namiss mo ako agad?" Nakangisi niyang tanong na may halong pang-aasar habang ngumunguya.
"Adik! Sumakay ka na. Nasa hospital sina Brent and Sab." Namilog ang mga mata niya at halatang nabigla sa narinig. "Dun na raw ipapaliwanag ni Brent ang lahat kaya sumakay ka na."
-TBC (To be continued)
------
Author's Note:
Hahaha. Inaantok na ako. Bukas na lang ulit! :*
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Collide
Teen FictionA story of a girl who met a guy and a story of a guy who met a girl. The end.